CHAPTER 44

102 1 0
                                    


[ Hevean POV ]

Nang magising ako ay agad kong nakita ang anak ko na tahimik na natutulog sa dibdib ko. Ngumiti ako at mangiyak-ngiyak nang haplusin ko ang malambot na buhok nito. Buhay ang anak ko. Humagolgol ako ng iyak kaya nagising ito, mas lalo akong natuwa ng marinig ko ang pag hikbi nito. Pinilit kong tumayo at kinarga ito. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at gulat na gulat na naka tingin si Zia, nakita ko ang pag tulog ng luha nito at agad niya akong nilapitan at niyakap.

“Sa w-wakas gising k-kana. . . a-akala ko mawawala kana, wag mo na ulit g-gagawin yun.” Umiiyak na sabi nito. Napangiti ako at niyakap ito pabalik ngunit muling umiyak ang anak ko.

“Akala ko din Zi, mabuti at iniligtas mo ko at ang anak ko.” Saad ko.

Kumunot ang noo nito at tiningnan ako na parang nagtataka. Pinahiran niya ang mga luha at umiling.

“Hindi ako ang nag ligtas sayo. Mabuti nalamang at naka rating siya kagaad para mailigtas kayo ni Herus.”

Parang hindi nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya. Sinong siya? At sinong Herus?

“Huh?" Takang tanong ko. Hindi ko talaga alam ang sinasabi niya.

“Wala kabang naaalala bago ka nawalan ng malay?”

Napaisip tuloy ako, ano nga ba ang nangyari bago ako nawalan ng malay? Nanganak ako pag katapos may narinig akong tumatawag sa-

“Xyrus” sambit ko. Narinig ko ang boses niya, tinatawag niya ako.

“Siya nga. Maiwan muna kita, sasabihin ko lang kila Gabo na gising kana.”

Hindi ako naka pag salita at muli nanamang napaiyak. Narito siya? Siya ang nag ligtas sa amin.

Napatingin ako sa anak kong tahimik na nakatingin sa mga muka ko. Siguro ay kinikilala niya ako.

Niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan ang mga pisngi.

“Herus, napaka ganda ng pangalan mo anak. Sino ang nagpangalan sa iyo?” Mahina kong  pinisil ang matangos na ilong nito. “Mahal na mahal kita anak ko. Salamat at buhay ka, salamat at hindi mo ako iniwan.” Ngumiti ito at biglang pumula ang isang mata. Ngayon ko lamang napagtanto na pula ang kanang mata nito at asul naman ang kaliwa. Muli akong napangiti, napaka ganda ng kaniyang nga mata.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at may yumakap sa akin. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong pag ka tao ko. Tumitibok ng mabilis ang puso ko, this feeling is familiar. Ganitong-ganito and nararamdaman ko kay Xyrus.

"Im glad you're awake, pinag alala mo ako. I love you so much, i miss you so much baby." Rinig kong sabi nito at kitang kita ko ang mga mata nito, ang mukang matagal ko nang gustong makita. Bigla ako nitong hinalikan sa labi. Napahinto ako sa ginawa nito ngunit muli akong ngumiti, that kiss. I miss him, I miss him so much. Hindi parin ako maka paniwala, siya ng ang nasa harapan ko. Hinawakan at hinaplos ko ang pisngi nito, baka isa lang itong panaghinip.

"I-ikaw nga. X-xyrus." Naluluhang sambit ko sa pangalan niya. Totoo ngang nandito siya. Niyakap ko itong muli at muli nanamang napaiyak. Napaka-saya ko, sa wakas buo na kaming tatlo. Wala nakong mahihiling pa, sana kung panaghinip lang ito, ayoko nang magising pa.

“Mahal na mahal ko kayong dalawa.” Pinagdikit nito ang mga noo namin at hinalikan ako sa labi at hinalikan niya sa noo si Herus at bigla itong tumawa, marahil ay nakiliti ito sa ginawa ni Xyrus.




[ Someone's POV ]

“Pinatay niya ang anak ko! Kailangan din niyang mamatay!” Sigaw ng lalaking kaharap ko. Madilim ko siyang binigyan ng tingin. Nauubos na ang pasinsya ko.

“Ako ang papatay sa anak ko at hindi ikaw! Wag mong ubusin ang pasinsya ko at baka ikaw ay sumama na sa anak mo.” Saad ko sa kaniya na mas kinainis nito. Kasalanan iyon ng kaniyang anak, siya ang may gustong lumusob sa kuta ng mga lobo, marahil ay desperada na siyang mapatay ang babaeng i'yon.

“Maghihiganti ako para sa anak ko at walang makakapigil sa akin.”

“Magtiis ka ng kaunti pang panahon, sa susunod na gabi ay lulusob tayo, mag handa kayo.” Tinalikuran ko na ito at tinungo ang kulungan.

“Mahal na hari.” Bati sa akin ng taga bantay sa mga kulungan.

“Ginawa niyo ba ang pinag uutos ko?”

Tumango ito at ibinigay ang susi sa akin.
“Opo mahal na hari. Nasa gitnang silid siya ngayon naka kulong.”

Hindi ko na ito pinansin at nag lakad na patungo sa kulungan kong nasaan siya. Inutos kong talian ang dalawang kamay at paa nito, kukunin ko na ang lahat ng kapangyarihan niya upang maging malakas pa ako'ng lalo. Alam kong mas malakas na ngayon si Xyrus. Katulad siya ng kaniyang Ina, taksil at matigas ang ulo.

Binuksan ko ang pintuan gamit ang susi at bumungad sa akin ang naka taling si Rusia. Kahit madumi at puno ng sugat ay nanatiling maganda parin ito. Sayang at mamamatay narin siya, nararapat lamang sa mga taksil na kagaya niya. Ayokong magaya sa akin ang anak ko pero hindi ko aakalain na magiging kagaya niya ang anak niya. Magkatulad silang mga walang kwenta!!

“Handa ka nabang mamatay?”

Kita ko ang galit sa mga mata nito.
“Hindi ka mag tatagumpay! Ang anak ko ang papatay sayo!” Sigaw nito.

Ngumisi ako at nilapitan ito. Mahigpit kong hinawakan ang baba niya. Rinig ko ang pag igik nito dahil sa sakit.

“Mauuna munang mamatay ang anak mo, isa siyang kagaya mong taksil! Wag kang mag alala, isusunod ko siya sayo. Mag kikita rin kayo sa empyerno ng anak mo!”

“Demonyo ka! Mamatay kana! Nag sisisi akong minahal kita! Nagsisisi akong pinakasalan kita!” hirap na hirap na sigaw nito. Kita ko ang ang patak ng mga luha nito sa kaniyang pisngi. Nakakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib.

“Nagsisisi akong hindi pa kita pinatay noon pa.” Mahina ngunit may diin kong sabi.

“Ni minsan ba. . . minahal mo bako?” mahinang tanong nito. Tumingin ito sa mga mata ko.

“There's no such thing Rusia! Mamatay ka sa pag mamahal na yan!” Sigaw ko. Ngumiti ito habang umiiyak.

“A-akala ko noon mahal mo’ko, akala ko magiging masaya tayo. . . . p-pero lahat ng 'yon ay puro kasinungalingan lang pala.”

“Akala ko rin. Sisihin mo ang sarili mo sa mga nangyayari ngayon.”

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hinding hindi ko ginawa ang bagay na yun? Please makinig ka sakin. Mahal na-”

Hindi ko na ito pinakinggan at tinalikuran ko na ito at tinungo ang pinto. “Ihanda mo ang i'yong sarili. Bukas na bukas ay kukunin ko ang lahat ng kapangyarihan mo at wala akong ititira, gagamitin ko ito upang patayin ang sarili mong anak.” Pag labas ko ay narinig ko ang malakas na pag iyak nito. Hinawakan ko ang aking dibdib. Parang tinutusok ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim at sinawalang bahala.

Kahit nasa palasyo na ay pabalik balik parin sa isip ko ang sinabi niya. Minahal ko nga ba siya? Naging masaya nga ba ako?

Bigla kong naalala ang mga pagsasama naming dalawa. Ang mga panahong okay pa ang lahat. Kung hindi niya lang sana ako trinaydor, hindi sana mangyayari to. Kung hindi lang sana siya umibig sa isang lobo. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon