Bahay na itim

8 3 0
                                    

May kwento ako sainyo, nang galing ito sa isang sitio kung saan may isang bahay na kung tawagin ng mga tao doon ay bahay na itim.

Sa isang sitio ay may makikita na bahay sa taas ng isang bundok, maganda ang disenyo mala palasayo ang itsura ngunit abandonado. Ilang dekada na din itong nakatayo.

Sikat ang bahay, maraming dumadayo pero walang nag tatangkang pumasok loob.

Wala naman na pa balita na may kababalaghan nangyari sa bahay, takot lang talaga ang mga taong pumasok sa doon.

"Ang ganda talaga ng bahay na iyon," saad ni alexa sa kaibigang si naneth.

Nakatingala ito sa bundok kung saan nakatirik ang bahay na itim.

Napadpad sila sa isang sitio, bago ang mga ito tumuloy ay binalaan na sila ng mga tao na nakatira doon tungkol sa bahay na itim.

"Bakit kaya na abandona ang bahay?" tanong nito kay alexa.

Ngunit walang itong naisagot sa kaibigan, binaybay nila ang daan papunta sa kanilang tutuluyan.

Ngunit dala pa rin nila sa isipan ang mga tanong tungkol sa bahay na itim.

Laking maynila ang dalawa, ngunit mahilig mag galugad ng mga bagay, nabalitaan nila ang bahay kaya agad nilang pinuntahan para mag tuklas ng mga bagay mula doon. Sana'y din sa katatakutan ang dalawa dahil iba't ibang, karanasan na ang nangyari sa kanila.

Sa lugar ay kumuha sila ng pahintulot upang makapasok sa bahay, bukas ay papasok na sila doon upang, tignan at alamin ang misteryong tinatago ng bahay.

Mag papahinga na sana ang dalawa ngunit, inanyayahan sila ni mang kanor para makipag kwentuhan.

Si mang kanor ang may-ari ng tinuluyan nilang bahay, ito din ang nag bigay ng permisyo para makapasok sila sa bahay na itim.

"Mag-iingat kayo pag pumasok kayo sa bahay." pag-papaalala sa kanila ni mang kanor, nagtinginan naman ang mag kaibigan.

"Ano ho ba ang nangyari sa bahay bakit na abandonado?" lakas loob na tanong ni naneth sa matanda.

Pinag salitan naman nito ang tingin sa dalawa, at bumuntong hininga.

"Pasensya na gusto ko man na sabihin ay hindi maaari," saad nito, sa dalawa.

"Ngunit, bibigyan ko kayo ng babala, mag iingat kayo kapag nakita nyo siya, wag kayong titig sakanyang mga mata." mahiwagang sabi nito sa kanila, nalilito man ay, tumango nalang ang dalawa sa matanda.

Kinabukasan ay maaga silang gumayak, aakyat pa sila sa bundok kaya matagal tagal din ang lakaran.

Matirik ang daan, malubak din buti nalang ay hindi umuulan kun'di ay madulas.

Tatlong oras din ang ginugol ng dalawa, bago marating ang bahay, tagumpay naman sila at walang masamang nangyari habang paakyat doon.

Tumambad sa kanila ang matataas at mayayabong na damo, agad ay tinahak nila ang daan.

"Nakikita ko na ang bahay," gunita ni naneth na agad ding sinang-ayunan ni alexa.

Malawak, mataas na pader, lumang trangkahan ang bumungad sa kanila.

Maganda ang bahay na itim, totoo nga't mala palasyo iyon ngunit may lumot na ang mga pader ng bahay siguro ay sa tagal ng walang nakatira.

Bigla ding umihip ang malakas na hangin, kaya't biglang tumayo ang mga balahibo nila, naging iba din ang pakiramdam ng mga ito.

Nilabas ni alexa ang susi na binigay sa kanya ni mang kanor, at ipinasok sa loob ng kandado.

Agad itinulak ni alexa ang trangkahan ng bahay, at lumagitngit iyon, naka likha iyon ng tunog na para kang nasa isang nakakatakot na pelikula.

Bahay na itim (One Shot Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon