Simula

15 2 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

-




"Altair" tawag ko sa aking anak na nakadungaw ngayon sa glass wall ng aking opisina. My son glanced at me and smiled.

"Mommy! Ganda po pala rito tuwing gabi! Parang mga stars yung lights ng city!" Ngiting ngiting saad niya at lumapit na sa akin saka naupo sa aking kandungan. Sinuklay ko ang buhok nito saka ngumiti.



"Yes, it resembles the stars anak" nakangiting saad ko saka hinalikan ang noo nito.




My son loves everything about space especially stars and constellation. Siguro ay namana nito sa akin dahil ganito rin ako nung bata ako.

I named him after a star. The brightest star of the Constellation, Aquila..


Aquila is the name of my first child. Kung hindi lang siguro ako nakunan ay baka nasa anim na taon na rin siya katulad ni Altair.. na kakambal niya..


"Mommy.. bakit ka po umiiyak? Are you hurt po? Where? Kikiss ko po mommy, tell me po!"


Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. I smiled at my son and hugged him. "I'm alright anak.. I just remembered your beautiful sister.."


Ngumiti ito at iniyakap ang maliit na mga braso saking leeg. Aquila is always close to his heart. My son knows how much I loved his sister..

"It's alright po mommy, ate is guiding us from above po!"

"Yes, baby.. I know she's in heaven now."

"Papa God loves children! My ate must be soooo happy in there with the angels!"

















"ARE you sure you're going to go back in the Philippines?" My cousin asked while she's brushing the hair of my son who's now sleeping in her lap.

Napag desisyonan ko kasi na bumalik ng Pilipinas. Gusto ko ring ipakilala sa mga magulang ko ang apo nila. They failed as my parent but I'm sure that they will adore my son.


Isa pang dahilan ay para bigyan ng karapatan ang ama ng anak ko na makilala ito. I learned to forgive and moved on. Kung hahayaan kong mapuno ng pag kamuhi ang puso ko ay hindi rin ako magiging magandang ihemplo sa anak ko..

Kahit para sa anak ko lang..

If there's still kindness in his heart.. I'm sure he will not disown my child just like what he did before..

I could still remember the hatred in his eyes. Ni hindi niya ko hinayaang makapag paliwanag..










KAKAUWI ko lang galing sa check up nang makita ko ang mapapangasawa ko na nakaupo sa may porch habang nakatanaw sa bukirin. Yayakapin ko na sana ito nang makita ko ang mga litrato sa maliit na mesa.

I frowned..

"Ano to.." nagtataka kong saad dahil tila hindi ko matandaan na nagpunta ako sa mga lugar na meron akong litrato na ganito. Ang alam ko lang na litato ay yung niyaya ako ng pinsan niya na magbar sa isang overlooking hotel sa siyudad.

"You're still acting innocent.." sambit nito at mababakasan ng galit ang mukha. Nilingon ako nito at hindi ko maiwasang hindi matakot sa galit na meron sa mga mata nito..

Ito ang unang pagkakataon na tinitigan niya ko ng ganito..

"Let me explain.. some of these pictures are edited-

"Stop lying, Almira told me the truth, Stelle. Iba't ibang lalaki ang kinikita mo, she even saw you flirting with some guy and making out inside the hotel while she's waiting for you for an hour! Ganon na ba ko kawalang kwenta sayo para maghanap ka ng ibang lalaki? O baka naman dahil mas binibigyan ko ng atensyon yung trabaho ko? Are you still jealous with my secretary? Hindi na ba sapat ang pag kamot ko sayo kaya nagpakamot ka sa ibang lalaki-


Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang lumagapak ang palad ko sa pisngi niya. Walang tigil ang pag tulo ng mga luha ko at naninikip ang dibdib ko dahil sa mga sinabi niya..

"Ni hindi mo ko p-pinagpaliwanag.. g-ganyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa'kin, ha?" Humihikbing turan ko..

"Hindi ba't pokpok din ang nanay mo? Kaya hindi na ko magtataka kung kanino ka nagmana-

"S-shut up.. I can't take any insults from you.. B-babe, mahal na mahal kita.. remember why I said yes to you? That's because I love you so much and I can't think any other man.. h-how can you say all those t-things.."

"You love me? Hindi ko alam kung magagawa ko pang paniwalaan ka Stelle.. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa mong lokohin ako. How can you smile and act like your not doing these impure acts?"

Nahigit ko ang aking paghinga.

"Hindi ba pwedeng pakinggan mo lang muna ako?" Kagat labing saad ko, pigil pigil ang sunod sunod na pag hikbi.. "Hindi ko magagawa yung mga sinasabi mo.. I'm sure Almira is setting me up, d-diba nagpaalam ako na makikipag hang out ako sa kanya.. hindi ko siya pinag antay, babe.. walang landiang naganap o make out man lang.. wala.."

"So now, you're blaming my cousin. She told me that you may hate her once na malaman ko yang kalandian mo.. I guess she's right.. You're nothing but a whore to me now.. Wala nang kasal na magaganap"

"K-kahit para sa bata.."

"What?"

"B-buntis ako... 6 weeks.. you're going to be a father.. k-kahit para sa bata, you can hate me all you want.. w-wag mo lang idamay ang bata"

"You're pregnant? Is that even mine?"




Across The ConstellationsWhere stories live. Discover now