01

8 2 0
                                    

NOT EDITED.

"Baby.. don't run" saad ko nang akmang tatakbo nang makalabas kami ng airport.

"But Mommy! It's Tito Sirius!" My son giggled. Napangiti ako at tinanaw ang kapatid ko na nakaabang na para salubungin ng yakap ang pamangkin niya.

Sa pamilya namin ay ito lang ang nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa'kin sa Canada. I cut off my connection with my father since I failed to be a good child to him.

Hinayaan ko nalang na tumakbo ang anak ko papunta sa kanyang Tito. Ito ang pangalawang beses na nagkita sila ng personal. My brother visited me once at talagang nagkasundo ang dalawa.

Dinambahan ni Altair si Kuya at tuwang tuwang sinalo naman siya nito saka niyakap at hinalikhalikan ang noo.

Nagtungo naman sa tabi ko ang asawa ng kapatid ko na si Rieze. Kaedaran ko lang ito ngunit tatlo na agad ang anak nito kay Kuya. I can't blame my brother dahil talagang maganda si Rieze. Hindi rin halata na may tatlo narin itong anak dahil fit na fit parin.

"Kamukhang kamukha ng ama.. buti hindi namana ang ugali?" Komento ni Rieze na nakangiting nakatitig sa dalawa. Ito rin kasi ang unang beses na makita niya ang anak ko..

She's right.. My son resembles him a lot. From the eyes, lips and hair. Hindi mapagkakailang parang pinagbiyak na bunga.

"Rieze.." saway ko rito

"Stelle.. I already forgave him. Besides, it's not healthy to keep hating on someone." Ngumiti ako at inakbayan ito.






I SLOWLY went out of the car. Napatitig ako sa bahay ng parents ko. Ganon parin ang itsura, galante at malinis tingnan. Hindi mo aakalaing dito nakatira ang mga taong nagtulak sa'kin na umalis nang tuluyan ng bansa.

"Let's go in? It'll be alright Stelle" ngiting saad ni Rieze at tinapik ang balikat ko. I nodded and held my son's hand as we walked towards the entrance.

"Pa.. andito na si Stelle" ani Kuya na naunang pumasok sa amin. When we stepped inside, I felt my son's hand gripped on me tighter kaya't napunta rito ang atensyon ko.

"Stelle" napahinto ako nang marinig ang boses na yon.

Dahan dahan akong napatingin at nakita ang nanay ng ex fiance ko. She's smiling at me, kitang kita ko rin kung pano niya titigan ang anak ko..

"What.. are you doing here?" Hindi ko mapigilang saad.

"Nagpunta ko nang malaman kong pauwi ka na." Ngumiti ito at muling tiningnan ang anak ko. Nakatago ito sa'king likuran at sinisilip ang mga tao na bago lamang sa paningin niya. Even I feel uncomfortable, bumaling ako sa anak ko at madahang inilapit ito sa mga lolo't lola niya

"Baby.. greet them" I smiled at my son..

"H-hello po.."

"Now, go to your Tita Rieze, I'm gonna talk to adults alright?" I said and kissed his temple.

"Okay" he answered and run to the kitchen.

"Pasensya na po at medyo nahihiya pa ang anak ko." Pilit ngiting saad ko dahil medyo nahihiya rin talaga ako. Yun ata ang namana sa'kin ng anak ko, nagkasabay pa kami.

"It's alright.. maupo ka na iha" saad ni Papa kaya't napatuwid ako ng tayo. He's a retired general kaya hindi rin talaga maiiwasan na nakakatakot ang paraan niya ng pakikipag usap.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 04 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Across The ConstellationsOnde histórias criam vida. Descubra agora