CHAPTER 2

314 10 0
                                    



"I like your scent it made me feel horny"
bulong nito sa tenga ko sabay singhot sa leeg ko.

"Gago ka!"sigaw ko sabay tadyak sa hinaharap nya.Dahil sa sakit ay napasigaw ito kaya naman agad pumunta sila mama doon ay ikenwento ko sa kanya ang nangyare doon ko nalaman na anak pala sya ni Mr.Velasco kaya mayat maya ang paghingi ko ng tawad.

"Pasensya na po talaga"sambit ko sabay yuko ng aking ulo.

"Ayus lang iha"sagot naman ng kanyang ama.Seryoso lamang itong nakatingin sa akin kaya naman hindi ko maalis sa aking dibdib ang kabang nararamdaman.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na ang mga ito kaya naman kaming tatlo na lamang ang natira,walang nagsasalita para bang may nakaharang na pader sa pagitan naming tatlo kaya nagdesisyon na akong basagin ang katahimikang iyon.

"Ahm papa ano palang napagusapan nyo?"Pagtatanong ko dahil kanina pa ako gulong gulo kong bakit sila nandito e hindi naman kami ganoon kayaman para makipag negotiate si Mr.Velasco.

"W-ala naman,tungkol lang dun sa lupang gusto nyang bilhin"sagot ni mama ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkabalisa  pero hindi konalang pinansin pa dahil ayokong madagdagan pa ang isipin nilang dalawa.Lumipas ang gabi at ngayon ay umaga nanaman nandito nanaman ako sa school tulad  maaga Kase ang klase ngayon kaya maaga din akong umalis ang ending puyat akong pumasok.

*******************

"Fern!"Napalingon ako at doon ay nakita kong hingal na hingal si Aedan.

"Bakit?"tanong ko sabay ub ob ng aking ulo sa desk.

"May masama akong balita fern."

Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya.

"Spill."

Huminga mona ito ng malalim bago Seryosong tumingin sa akin,at base palang sa tingin na ipinupukol niya ay sigurado na akong masamang balita nga ang parating.

"Did you heard a news?na maraming lupa dito sa Sto Tomas ang bibilhin ni Mr.Velasco"malumanay nitong saad ngunit batid at ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang pananalita.

Napatigil l ako,hindi ko alam kong saan patungo ang usapan naming dalawa pero isang bagay lang ang Sigurado ako,masamang balita ito lalo pa sa tulad namin na nagsasaka lang para maka survive.

"Saan mo nakuha yang balitang yan?"gulat kong tanong at agad napaharap sa kanya.

"kay papa isa kase ang lupa namin sa mabibili gagawin daw kaseng mall nila Mr.Velasco kaya hindi na ako sigurado kong dito pa ako magaaral sa susunod na semester"malungkot nitong saad tila nawala ang antok ko dahil sa mga sinabi nya.Hindi na din ako mapakali sa nalaman ko paano nalang kung pati pala ang sarili naming lupa ay kabilang sa binibili ni Mr.Velasco.

Mahaba ang naging araw ko ngunit wala akong maintindihin dahil umiikot ang isip ko sa sinabi ni Aedan bukod kase sa aalis sya ay may chance na isa din kami sa posibleng mawalan ng lupa.Paano nalang kapag nangyare yun?paano si papa?paano ang pagaaral ko?paano na kami?mga tanong na pumapasok sa utak ko gustuhin komang umiyak kakaisip ay pinipigilan kopa din dahil wala pa namang patunay na totoo ang nasa isip ko.

Exactly 1:00pm ng makauwi ko gaya kahapon tahimik ito kaya naman nagdesisyon na akong pumasok ngunit bubuksan kopalang ang pinto ng makarinig ako na para bang may nagtatalo.

"Ismael paano na tayo?"rinig kong sambit ni mama

"Hindi ko alam,ayokong ibigay si Fern sa kanila!"sagot naman ni papa hindi kopa din maintindihan ang pinaguusapan nila.

"Pero wala na tayong mapagpipilian!"dugtong naman ni mama.

"T*ng ina Grace gusto mo talagang ibigay si Fern sa baliw na yun!"rinig kong sigaw ni papa.

kaya naman nakaramdam na ako ng takot.Minsan lang kase magalit si papa at hindi sya mapigilan kapag nagagalit na.

"Anong gagawin natin?panoorin nalang na kuhanin ang ari arian na iniwan ng ama ko?"Sigaw din ni mama

"Bahala ka sa buhay mo! basta Hindi ko ibibigay si Fern sa p*tang inang baliw yun magkamatayan na!"

mariing sambit ni papa,diko napigilang maluha dahil sa narinig kahit na hindi ko naman gaanong maintindihan ang pinaguusapan nila.Agad kong pinunasan ang aking mga luha inintay koding matapos sila bago ako pumasok at umarte na para bang walang nangyare.

"Pa!maaga po ata kayo nyayon ah"masigla kong bati sabay yakap ng sobrang higpit.

"Anak"sambit nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.Namiss ko ko ang yakap nya ang yakap ng aking ama.

"Kumain kana pa?"

"Oo kasabay ko kanina ang mama mo"

Tumango nalang ako bago dumiretso sa kusina,hindi konalang pinansin pa ang pagtatalo nila,inisip konalang na baka dahil yun sa tuition fee ko.

"Sige na anak maaga ka pa bukas, pagkatapos mo diyan ay matulog kana hah!"

"Sige po matulog na din kayo!"Hindi ito sumagot bagkos ay ngumiti lang ito ng ubod ng tamis bagay na nagpakalma sa akin.

...................................................

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok.kaninang nasa hapagkainan kami ay napaka tahimik walang nagsasalita nakakapanibago kase hindi naman kami ganito dati ayoko mang isipin na may mali pero alam kung meron.Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng biglang may kumatok kaya dali dali ko itong pinagbuksan at laking gulat ko na si papa lang pala,nakakagulat dahil minsan lang sya pumunta sa kwarto ko.

"May problema po ba papa?"tanong ko

"Namisss kolang ang prinsesa ng papa"paglalambing nito kaya diko maisipang maiyak dahil naninibago talaga ako sa mga nangyayare sa pamilya ko.

"Hindi naman po ako aalis papa"pagbibito kopa kahit na panay panay na ang pagtulo ng aking mga luha.

"Oh bakit ka umiiyak?"

"Masyado lang po akong masaya kase maswerte ako na kayo ang naging ama ko"sagot ko naman.Madami pa kaming napagusapan sobrang saya kodin na nanunumbalik yung mga nakaraan naming Lambingan at kahit na papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.

Madaling araw ng magising ako agad kong kinapa ang cellphone ko na di keypad alas tres palang ng umaga ipipikit kona sana ang aking mga mata ngunit nakaramdam ako ng pagka ihi Kaya agad akong bumangon upang magtungo sa banyo.Masyadong madilim kaya naman kinakapa ko ng maayos ang paligid baka kase madulas nanaman ako.Matapos magbanyo ay bumalik na ako sa aking kwarto,isasara kopalang sana ang bintana ng may mapansin akong tao sa bakuran namin may dala itong kahon hawak nya iyon kaya agad rumihistro ang pagtataka sa aking isipin.Dahil sa kuryusidad ay agad akong lumabas ngunit ng makarating ako sa may gate ay wala ng tao naiwan na lamang ang kahon medyo may kalakihan mayroon din itong ribbon na kulay pula, mabuti nalang at maliwanag ang buwan dahil kitang kita ko ang pagkakaayus ng kahon.Aalis na sana ako ng may mapansin akong letter na nakapatong sa ibabaw ng kahon kaya kaagad ko itong kinuha at binasa na sanay hindi kona lamang ginawa.

"I hate the person you love, gusto ko ay akin kalang!akin lang ayoko ng kaagaw!"
Pagbasa ko sa letter na nagpatindig ng balahibo ko.

Nagpalinga linga pa ako sa paligid pero wala akong nakitang tao.

Weird baka naiwan lang.

ESCAPEOnde histórias criam vida. Descubra agora