Prologue

2 1 0
                                    

parang dati lang ah.

I was scrolling my newsfeed 2:42 in the morning, i can't sleep, it feels like there's a part of me are gone.

when my notifications " Your memory 8 years ago " flashed. I hide all my posts on my timeline, so that it stays cleaned.

When i'm scrolling into it, i saw my past sharedpost/posts, oh how i love sharing memes and nonsense in Social Media. 

I don't want to go beyond so i decided to log out and played music, my boardmates are sleeping peacefully, i have a school tomorrow so i put my headset on and played my sanctuary playlist.

Tears scaped in my eyes, and i fall asleep. How long i will be there?
..................................................................................

I cooked my lunch for later while eating, eto nanaman po tayo cramming nanaman sa time dahil male-late na ako, tinanghali lang naman ako ng gising! Bakit ba kasi andalas dumalaw ng insomnia ko! Hays, hindi na ako nakatulog ng mapayapa simula ng magkolehiyo ako, at ngayong graduating na, matik pahirapan nanaman, pasahan na paman din ng thesis jusko buti nalang at natapos ko na ang part ko ipapasa ko nalang sa leader namin and we're done, sila na bahala mag-pacheck doon no.

" Lalim nanaman ng iniisip mo, te " biglang singit ng boardmate ko sa pagkausap sa sarilii ko sa utak ko.

" pagod lang neng, kain kana, sabayan mo'ko" aya ko rito.

" hilamos lang ako ate Lia, HAHAHAH " tutuwa-tuwa itong pumunta sa lababo at naghilamos. 3years ko na syang kasama sa boarding house, kapatid sya ng kaibigan kong mas matanda sa'kin, 1st year college sya while me? 4th year, graduating student.

" nagtrabaho ka kagabi ate? " Tanong nito ng makalapit na sa akin, magulo pa ang buhok nitong naka-tali gamit ang clam at napatitig ako sa mukha nito, kamukhang kamukha nya ang ate nya. I wonder kumusta na si gaga. Makadalaw nga sa kanila minsan.

" Oo, ginabi na rin ako ng uwi mabuti at nag-lock ka " sabi ko rito.

" Syempre naman ate, at baka isumbong mo pa ako kay ate Jha " tumingin ito sakin, nagkasalubong ang mga mata namin may aliw sa mata nya at alam ko na kung bakit.

" Ikaw magluto ng ulam mamayang gabi ha,
Nakaka-tatlong hotdog kana, bulatihin ka sana " anas ko rito sabay irap at palokong ngumiti.

" Fav. ko 'to ate ehh, oo na ano ba want mo?" yun, mahilig ako magluto dati at naturo ko sakanya pero ngayong marami nang ginagawa sa school wala na akong time kaya puro prito nalang.

" Kahit ano, basta masarap " sabi ko rito

" Ay, ako pa masarap ako magluto hmp " arte nito. " Mamimili nalang ako mamaya ate, may allowance na ako eh hehe thankyou bili ka ulit hotdog ha " dagdag pa nito.

Hays, akala mo shs student. " Oo na, pasalamat ka at may kita ako kagabi "

" Uuna nako Jhai, isarado mo ang bh ha, yung mga nakasaksak at ang tubig tignan mo ang gripo baka may tulo pa, tanghali panaman pasok mo keri mo nayan" paalala ko sakanya, habang nagsusuklay at nagaayos ng bag ko.

" Yes master, ingat poo " may laman pa ang bibig na sabi sakin nito.

Paglabas ko ng brgy. namin kung saan andon ang bh namin ay highway na, mga 15 mins siguro na byahe pag papasok dahil wala namang traffic dito kung magta-trike ka. Pero mas gusto ko maglakad lakad. Tipid na rin, chaka exercise.

May mga tao akong nalalampasan at kilalang kilala ko, pero hindi ko na pinapansin kilala naman na nila ako sa ganitong ako, hindi na ako ganon sa dati na maingay, balagbag, ah basta anlayo ko na sa dating ako, wala na rin naman akong energy para ibalik pa yun.

Pagpasok ko palang ay agad na sumalubong sakin si Xian, ang kaibigan ko. Babae sya, Xian lang name.

" Girl, kanina pa kita hinahanap jusko ka "  oa naman nito, alam namang madalas akong late.

" Manahimik ka nga muna Xiannn, aga aga ingay ng bunganga mo " Pagmamaldita ko rito.

" Girl naman kasii, may pageant search sa club natin , raket siss " sabi nito.

" Ha ha ha, tama na ako dyan tama na pagpapahiya ko sa sarilii ko " sabj ko rito sabay irap. No way, ayoko na maulit yung dati.

" Girl, shs kapa non, isa pa ganon talaga kaya ang arte mo sige naa " pagpupumilit nito.

Inisnob ko na lamang sya at nagsuot ako ng headset.

Guyssss alam nyo ba, 10 candidates hinahanap ng president ng club natin, omg tapos ang cashprize is 10k, and then sagot na nila lahat we just make a showwww.

Sinisilaw nanaman ako nito. Raketera ako pero ever since na natalo ako sa brngy namin hindi na ako sumubok.

" What's with the commotion, class?" tanong ng professor namin. Hindi ko sya napansin andyan na pala sya.

And by the way, andito ang president ng club nyo may announcement.

Tumingin lang ako rito ng walang interes at nakinig.

Tumikhim ito bago nagsalita " Good Morning, Tourisms. We're searching for Miss Tourism and Mr. Tourism, each block needed a participants. "

" Yiiiiii " excited na tili ng mga kaklase ko.

" Go, Jeven, sali kana "

" Mia, what if? "

" Drake, partneran mo si Lia, HAHA sure win yan pare " hindi nakalagpas sa tenga ko ang mga salitang iyon sabay lingon sa gilid ko at mabagal na inirapan ko ang mga ito. As if naman.

" Ms. Andaya? are you with us?" No sir, emz.

" Yes, Prof. " sabi ko sabay ng pagkagat labi ang pagtaas ko ng tingin dito.

" You don't seem you're with us, are you willing to accept the offer?" sabi nito na ikinataka ko, tinaasan ko lamang sya ng isang kilay dahil hindi ko siya maintindihan.

" 10k cash prize, 500 every sash, libre lahat "  sabi nito na tila kinukumbinsi ako.

" Tekaaaa sir, sino po ba nagsuggest sainyo? Mga bulag po ba kayo, bakit ako?" Angal ko.

Tinuro ng nguso ni sir ang kaibigan kong nasa gilid ko rin. " I-prinesenta ng kaibigan mo ang pangalan mo Ms. Andaya, at nag-agree silang lahat "

" Ipanalo mo lang Lia, alam naming kaya mo, basta libre ha  HAHAHAHA " kantyaw ng mga kablockmates ko. qaqu ampvta.

Tinignan ko si Pres na wala man lang pake na nakatayo sa gilid ng Prof. namin.

Kung tutuusin malaking pera 'to, ano naman kung hindi manalo sure naman ako na may cash prizes pa rin. Hays, kung hindi lang talaga ako aishhh, G? G? Kaya ko ba? Sigeeee, G.

" I'm in" sambit ko habang nakatingin kay Pres, pft. Bago lamang ito nag-angat ng tingin nung mabanggit ko na 'yung " in.

Pero, puchaaaaa.

" Okay then, your partner will be Aiden Keegan Aguarin, good luck. Bawal na magback-out, magbabayad 10k " Namilog ang mata ko?! Amputa, matatapos na ang college life na wala na kaming communication sa isa't isa since then WTF, ano 'to  bakit ganito??!!

Sheesh, tulala nalang akong napaupo sa upuan ko hanggang sa matapos ang klase ngayong araw. ano update? Tangina pa rin talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

if he wanted to, he would.Where stories live. Discover now