chapter 1

15 0 0
                                    

Nightmare

Nasaan ako?? Bakit nandito na naman ako sa magubat na lugar?? Natatakot ako.

Habang naglalakad ay may mga kung ano akong naririnig, mga ungol ng isang hayop at mga sigawan ng mga tao.

Parang isang digmaan? Rinig ko pa ang mga wasiwas ng mga sandata, isang lumilipad na palaso at ang maingay na nanggagaling sa apoy.

Bakit? Bakit ako nakakarinig nito? Isa lamang itong panaginip, diba? Gusto ko na magising, ayaw ko na dito.

"Hanapin nyo sya!!! Dapat di sya makalayo dahil kung di nyo mahahanap ang babaeng may dalang sanggol di natin syang maaalay!!!" Rinig kong sambit ng isang tao??

"Sya nalang ang pag-asa natin!! Para makuha ang walang hanggang buhay sa mundo natin at mapagharian ang buong sangkatauhan!! HAHAHAHA" napaupo ako. Nabibingi ako sa sigawan nila. Parang nasisira ang eardrum ko dahil sa mga tawanan nila.

"Agrrr tama na!!!" Sa pagsigaw ko ay sya rin na pag-ilaw ng aking kwintas na suot.

"Ahhh!!" Napabalikwas ako ng bangon habang hingal ng hingal at napapagpawisan ako.

"Rico, jusko anong nangyari sayong bata ka??" Nag-aalalang tanong ni inay sa akin. Umiling ako sa kanya at takot na napakapit sa kanya. "Nananaginip ka na naman ba?" Tanong nito sa akin na ikinatango ko.

Napabuntong hininga naman ito at umupo sa kama ko bago hinaplos ang aking pisngi't noo.

"Anak, isang panaginip lang yan. At isa pa malabong mangyari yan" parang di ako kombinsido sa sinabi ni inay. "Tumayo ka na dyan dahil may pasok ka pa diba? Nakahanda na rin ang makakain mo sa kusina" tumayo na sya at lumabas ng kwarto ko. Pero bago ako tumayo ay narinig ko na naman ang boses nya.

My Nightmare Vampire Prince *on-going*Where stories live. Discover now