Kabanata 4

28 9 0
                                    

//Nickname//

Nagulat nga ako nang tawagin niya ako sa totoong nickname ko. Parents ko ang tumatawag lang sa akin no'n at minsan sa second name ko naman kapag si Mama. Pero nakakapag taka dahil kahit isa sa mga kaibigan ko ay hindi alam ang totoong nickname ko ay Lynn.

Kaya kasi Lynn dahil sa pangalan ko na Eileen. Ai-lynn kasi ang basa doon sa pangalan ko. Pero madalas talaga is Ai-lin yung pronounce nila sa name ko. Nakakainis minsan kapag tinatawag ka ng ibang tao na mali ang pronunciation sa pangalan ko. Pero hinahayaan ko nalang. Gano'n talaga eh.

Hindi naman gano'n ka unique ang first name ko at bakit ayon pa ang pinangalan sa akin ng Mama ko? Sounds like marites in the kanto lang ha. Charot!

"Uhm... P-paano mo nga pala nalaman yung nickname ko? Hindi ko kasi sinasabi sa ibang tao 'yan," wika ko sa kanya.

Gulat ang mukha niya sa sinabi ko about doon sa palayaw ko nga. Bigla naman siyang napakamot sa batok niya at hindi mapakaling tingin ng tingin sa paligid. Mukhang naghahanap ng irarason sa akin.

Stalker kaya siya? Joke lang!

"Ano, uhm.." nauutal siya. "Gano'n naman talaga kadalasan ang mga nickname ng tao kapag ganyan ang pangalan tulad ng sa'yo."

Nickname nila Mama ko iyon sa akin eh. Baka naman pwedeng baby nalang or love nickname ko sa kanya. HAHA! Assumera nga lang talaga ako.

I looked at him, not convinced. "Sure?"

"Uhm," napakurap-kurap pa siya. "Ano ba gusto mo itawag ko sa iyo? Eileen nalang ba? Lee? Lynn, or..." pagbibigay pa niya ng idea.

"Baby. Charot!" Pagpapatawa ko at pagbibiro.

Natawa naman siya sa joke ko. Uy! Napatawa ko siya. Akin ka nalang. Aangkinin na kita kahit walang pasabi-sabi ka pa. Char!

"Pwede naman." Sumangayon nga siya! "...Baby,"

HOY!

Kaya ayokong nagbibiro eh. Lahat nalang pinapatulan mga cracky jokes ko. Kahit mukhang jologs. Charot! Pero grabi si crush ha. Gusto niya ata talaga akong tawagin na baby.

Pwede naman.

I volunteer as your baby.

"Huy joke lang 'yon! Ikaw naman, pinapatulan mo," natawa ako.

"I don't take jokes." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Hala siya oh. Grabe kana crush. You're making my heart kabog kabog ha. Mas lalo akong maffall sa'yo nito, sige ka.

"So.." he cleared his throat. "Have you eaten already?" He asked.

Caring ha.

Tumango ako bilang sagot. "Oo. Katatapos lang. Nilibre ako ng kaibigan ko,"

"A friend? Who?" Kunot noo niyang tinignan ako.

"Si Zola. Mukha namang kilala mo na dahil tatakbong mayor 'yan sa susunod na eleksyon." Crack naman ng joke ko. Pero syempre kahit gago natatawa ako sa sarili ko ding jokes. Baliw nga 'di ba?

"Yeah. I know her already. She's quite famous. Low-key famous in this school." Saad niya.

Mas sikat pa ata si Zola kaysa sa akin ah. Well, social butterfly kasi siya. Mas friendly pa kaysa sa akin kahit maarte, maldita tsaka masungit. Ako kasi ang first impression ng mga tao sa akin ay mataray talaga before ako maging kalog at kanal ang humor ko 'pag nagtagal na.

"Did you eat breakfast?" Pagtatanong niya ulit.

Kulang nalang maging jowa ko siya para laging updated kung kumain na ba ako o hindi pa. Willing naman ako na mag update everyday sa kanya eh.

Sweet Nothing (Scale of Love Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant