Chapter 1

4 1 0
                                    

Pag katapos 'kong mag hilamos at mag toothbrush ay bumaba na 'ko mula sa 3rd floor. Hanggang ngayon pala isipan pa 'rin kung bakit nasa 3rd floor ang kwarto ko kung may 2nd floor naman kami. Naalala ko dati nung bata ako feeling ko ako si Rapunzel dahil lagi akong nakakulong dito sa mansion at nasa 3rd floor pa ang kwarto ko. Ang pinag kaiba lang namin ay may hardin kami dito atleast nadadampian pa rin ako ng araw.

Never pa akong naka labas ng mansion simula nung bata pa 'ko dahil sabi ng parents ko may masasamang taong gustong kumuha sa'kin. May nangyari daw na aksidente sakin nung 5 years old ako, simula no'n hindi na 'ko pinalanas ni Mommy. 

Minsan naiinip na 'ko sito sa loob, nacu-curious sa mga bagay bagay sa labas. 'Yong mga bagay na hinihiling ko lagi namang nilang binibigay sa'kin, basta huwag daw ako lumabas ng bahay.

Ang mga nakaka salumuha ko lang dito sila Mommy at Dad. Nanay Selma, taga pangalaga ng bahay. Tatay Noel, ang asawa ni Nanay Selma, at hardinero, taga gawa din ng mga sirang appliances sa bahay. Dito na din sila nakatira since wala na silang anak dahil namatay sa aksidente. Tinuring na nila akong apo dahil may araw na wala talaga dito sila Mommy gawa ng trabaho nila. At syempre 'yong dalawa 'kong childhood friends.

Una, si Luciana Joy Salamanca. Siya 'yong pinaka madaldal sa aming tatlo kumbaga siya 'yong OA sa aming tatlo kami naman ni Riley is half OA and nonchalant. Long hair, 5'5 ang height niya, she had a dark brown eyes, matalino, maganda and pinaka friendly sa aming tatlo. Apo siya nila Nanay Selma at Tatay Noel, wala na 'yong mga magulang niya kasi namatay sa isang car accident. Nag iisang anak lang nila Nanay Selma 'yong mama niya kaya siya lang ang natitirang pamilya ni Lucy. Scholar din nila Mommy si Lucy, sila Mommy ang nagbibigay ng tuition, allowance niya kapalit ng ma-maintain niya ang good grades niya. Dito din siya nakatira katabing kwarto nila Nanay Selma.

Last one, si Antonia Riley L. Madrid. Ang pinaka matanda sa aming, tatlo 1 year older siya sa amin.. Tahimik sa ibang tao si Riley lalo't na kapag hindi niya kilala pero sobrang clingy niyan sa amin. Very 'Ate' siya kung kumilos kasi lumaki siya sa strict family tapos panganay pa. Same kami na mahaba ang buhok pero mas mahaba ng onti 'yong akin. 5'6 naman 'yong height niya which is same din kami. Black eyes naman ang meron siya, e ako dark brown eyes. Almost parehas kami ng appearance ni Riley pero mas boto 'yong dalawa na mas maganda daw ako. Kakaiba daw ang ganda ko kumpara sa kanilang dalawa. Well, ako lang 'to si Cianna Jade. Joke. Business partner nila Daddy 'yong parent niya kaya nag kakilala kami.

Lagi kaming nag bobonding dito sa bahay since bawal akong lumabas sila nalang 'yong napunta dito. Bata palang kami sinabihan na silang dalawa na bawal talaga akong lumabas gawa ng may masasamang taong gusto kumuha sa akin.

Pagka punta ko sa dining area ay nakita ko si Mommy na nag aayos na ng breakfast namin kasama si Nanay Selma.

"Oh, iha. Magandang umaga" bati sa'kin ni Nanay Selma.

"Good morning po" bati ko pabalik sa kaniya. "Good morning po, Dad" bati ko kay Daddy na kaka baba lang galing sa taas. "Good morning, Cia" bati ni Dad sa akin.

"Cianna, paki tawag na si Tatay Noel at kakain na tayo ng umagahan" utos sa'kin ni Mommy at tumango lang ako. Umalis na 'ko sa dining room at lumabas na ng bahay. Nahagip agad ng mata ko si Tatay Noel na nag didilig ng mga halaman ni Mommy.

"Tatay Noel!" sigaw ko sa kaniya at lumapit. Tumingin naman agad siya sa akin

"Magandang umaga po, tara na po kakain na po tayo ng umagahan" ani ko.

"Sige, apo"  sambit niya sabay tumango at sumunod sa 'kin papasok sa loob ng bahay.

Pag pasok ko ng dining area ay biglang may pumutok ng party popper.

"Happy birthday to you, happy to you, happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!" pag kanta nila sa'kin.

Nilibot ko naman ang loob ng dinning area, andito ngayon si Mommy, Daddy, Nanay Selma, nasa likod ko si Tatay Noel at nandito din sila Tita Rachel at Riley, syempre si Lucy din.

"Happy birthday, Cianna!" sabay na bati nila Lucy at Riley.

Lumapit naman sila Mommy sa'kin na may hawak na cake. "Happy birthday to my lovely daughter" naka ngiting sabi ni Mama sa'kin. "Happy birthday, Cia my dear"  ani ni Dad. "Make a wish na"

"Thank you, Mom and Dad" ani ko. Pinikit ko naman ang aking mga mata at pinag dikit ang dalawa kong kamay para mag wish.

'Sana..

sana pwede na 'kong makalabas.

I wanna live a normal life.'

Binuksan ko naman ang aking mata at hinupan ang candle ko. Nag palakpakan naman silang lahat sa'kin.

"Salamat po sa surprise at thank you po Tita Rachel sa pag punta ng gantong ka aga" naka ngiting sabi ko.

"Na 'ko, wala 'yon. Si Lucy nga ang pinaka exited dito, eh. Akala mo siya ang may birthday " ani niya sabay tingin kay Luci.

"Syempre naman, Mi. Importanting araw 'to kay Cia" sagot naman kay Tita Lira.

"Cia, hindi pala nakapunta sila Mommy kasi may important meeting pa silang pupuntahan pero nag padala naman sila ng gifts " sabi ni Riley. Kinuha ko naman 'yon.

"Paki sabi kela Tita, thank you" I said and Riley nodded.

"Sige na, kumain na tayo baka lumamig ang mga pag kain" biglang singit ni Nanay Selma. Agad naman kaming tumngo sa lamesa at umupo. Nasa may gitna si Dad habang nasa kanan naman si Mom at katabi ako na katabi ko din sila Nanay Selma at Tatay Noel. Nasa kaliwa naman sila Tita Rachel at Lucy pati Riley.

Masayang kaming nakain habang nag kwekwentuhan nang biglang mag tanong si Tita Rachel sa'kin.

"Cianna, anong b'ang ni wish mo? At sobrang bilis naman" tanong niya sa'kin. Medyo kinabahan naman ako dahil baka masira ang mood sa dining room. Bigla naman akong tumingin kay Mommy at tumango lang siya na parang sabihin ko na.

"Uh, g-gusto ko pong-" nauutal 'kong sabi.

"What is it, Cianna?" tanong ni Daddy kaya nadagdagam ang kaba ko. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Lucy, nginitian niya din ako.

"I want to go outside na po" sagot ko sabay tungo sa pinggan ko.

Binalot kami ng katahimikan. Sabi ko na eh, kaya ayoko sabihin 'to baka magalit lang sila dahil naka tatak na sa utak ko na bawal ako lumabas.

"Kaya nga, Caroline. Baka pwede mo nang palabasin si Cia dito" basag ni Tita Lira sa katahimikan. Tumingin naman ako sa kaniya at nginitian siya.

"Oo nga po, Tita. tutal legal age na po siya" sambit ni Lucy.

"Please po, Tito, Tita. I think Cia is old enough na para makalabas" Riley said.

"Caroline, Joe. Simula nung bata ba si Cianna hindi siya nakaka labas ng mansion. Pag bigyan mo na ang anak mo" ani ni Nanay Selma. "Oo nga, nak. Tuparin mo na ang matagal ng hinihiling ni Cia" sunod na sabi Tatay Noel.

Tumingin ako lahat sa kanila at nginitian sila ng sobrang laki. Buti nalang nandyan sila, para may kakampi ako.

Bumuntong hininga naman si Mommy at tumingin kay Dad na seryoso lang ang mukha.

"Sige, anak" ani ni Dad.

Sige?!!

Nag tinginan kaming tatlo nila Lucy at Riley.

"Payag po kayo?!" napatayo ako ng upuan ko at agad niyakap silang dalawa. Ito na siguro ang pinaka magandang regalo na natanggap ko.

"Yes, matagal na naming napag-isipan nito ng Daddy mo" Mom said.

"Pwede ka ng lumabas, anak. Wala namang makakakilala sa'yo" Dad said while looking to Mom.

My Very First Time Where stories live. Discover now