Cupid

339 15 22
                                    

This is a work of fiction. Any names, places, events, etc. were purely coincidental. All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without written permission from the copyright owner—except for the use of quotations in a book review.

Cupid © 2024 by Tearsarcsm

MOST of the time, naaalala lang natin si Kupido kapag araw ng mga puso—at kapag nagkakamali siya sa pagpana. Just for the sake of having someone to blame when we fall in love with someone we don't want.

It made me think of a memory which happened a year ago, when I started to believe things that happened in a short amount of time wasn't something anyone would cherish... it only matters to those who think it does.

With my black short hair and white clips on its side, green tube top, denim skirt, and white boots, I don't look like Cupid at all. But for a month, I will play like him to repay a girl.

Huminto ako sa paghahalungkat ng mga naka-hanger na damit sa clothing store na pinasukan namin nang may maalala.

"Anong..." Umakyat ang inis sa ulo ko sabay hila sa suot niyang long sleeves polo para dalhin siya pabalik sa women's section. "Bakit nasa men's section ka? Gagawin ka nga kitang girly, 'di ba?"

Nahihiya niyang binawi ang tela ng damit niya na nalukot ko yata. Okay, ang harsh ko sa part na 'yon.

"M-mapupunit..."

"Hindi mo na naman susuotin 'yan after this," sabi ko. "May naisip na akong style na bagay sa 'yo."

Maganda siya pero lalaki maglakad at manamit. Chinita at maputi. Wolf cut 'yong buhok. Biniro ko nga na gayahin ang gupit ko kaso nag-tantrums. Ka-offend nang slight. Cute siya lalo kapag ngumingiti kasi may maliliit na dimples sa magkabilang pisngi. Matangkad siya sa akin. May braces ang ngipin at panay lip bite. Siguro para hindi tumulo laway niya, char! Laging nakapameywang na parang tatay na sinisiguradong maayos ang lahat kapag magta-travel. Mahiyain at awkward, nadadala ko naman ang moments namin. Boyish. Boyish ulit. Actually, cool nga, e. Laging naka-rolex, iba-iba pa. Mayaman. Mas marami pang panlalaking rolex 'to kaysa kay Kuya Dustin, e. He's my cousin who is this girl's crush.

"May mali ba sa mga damit ko?" Nag-aalala niyang tanong.

Ngumiwi ako. "Wala, 'yong isa mo ngang polo LV, e. Walang mali. Ano lang..."

"Ano lang?" ulit niya.

"Ang type ng pinsan ko, feminine. Tipong madadapa kapag hindi inalalayan."

Natawa siya sabay takip sa makintab at mapula niyang labi. "Tumambling pa 'ko."

"E 'di, tumambling ka? Paano ka ika-crush back ayaw mo naman yata talagang mag-effort? O sige, kahit ako na sa effort ikaw na lang sa pagiging masunurin."

Ngumuso siya at tumabi sa akin habang sinisilip ang ginagawa ko. May nakita na kasi talaga akong top at mahabang skirt kanina na bagay sa kaniya, hindi ko lang natabi kasi hinanap ko siya.

Tinapat ko ang naka-hanger at puting knitted top sa katawan niya. Sinunod ko ang purple at floral skirt na nakita ko. "Mga ganito na ang isusuot mo simula bukas. Palitan mo lahat ng rubber shoes, boots, at panlalaki mong black shoes ng flats at heels. Huwag masyadong mataas kasi hindi ka pa sanay."

Nakangiti lang siya habang nakatingin at nakikinig sa akin. Parang nanloloko lang.

"Here, isukat mo." Inabot ko sa kaniya ang mga damit. "Hanap tayo ng accessories at shoes later. Kailangan mo 'yon sa inayos kong date niyo bukas."

One Shot: CupidWhere stories live. Discover now