Naabutan pa ni Dominic at ng barkada niya si Aiana na maya-maya ay matatapos na sa kanyang shift. Nang magtagpo ang mga mata nila ay biglang umaliwalas ang mukha ni Dominic pero napayuko nalang siya nang makita niyang nag-iwas ng tingin ang dalaga at dali-daling pumasok sa staff room. Napabuntong-hininga nalang siya bago nakipag-beso kay Alfia, ang may-ari ng bar.
“Hindi niyo naman shift ngayon, ah,” komento ni Alfia na nabigla sa biglang pagsulpot ng mga ito sa bar niya.
“Na-miss ka lang namin, love,” agarang sagot ni Ferdinand na nakaani ng kurot mula kay Alfia. “Mahal mo talaga ako, no?” Tanging sagot lang ni Alfia ay kurot at irap.
“Mateo, mukhang matino ka naman. Ano ba ang sadya niyo rito?” Tanong ni Alfia na pinagliliksihan pa rin ng mata ang nobyang si Ferdinand.
“May brokenhearted kasi,” sagot ni Mateo sabay tingin kay Dominic. Nagkibit-balikat lang si Dominic at umupo na sa bakanteng upuan.
Mabilis ang hakbang ni Alfia patungo sa pwesto ni Dominic na may matamis na ngiti sa mga labi nito. “Ang sarap sa feeling ma-basted ano?”
Walang emosyon pa rin na nakatingin si Dominic sa pintuan papasok sa staff room habang kinukulit siya ni Alfia. Nang mapansin ni Alfia na wala siya sa mood ay tinapik nalang nito ang balikat niya sabay sabi ng “good luck”.
As if naman magbabago ang paningin ng isang iyon sa akin. Good luck talaga sa akin HAHAHAHAH
“Aia’s shift will end in an hour, so, galaw-galaw na,” Alfia suggested bago siya bumalik sa station niya.
Tipid na ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Dom pero nang makita niyang palabas si Aiana sa pintuan ay biglang lumiwanag ang mukha niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang epekto ng dalaga sa kanya na kung tutuusin ay hindi naman sila ganito dati. Napapailing nalang ang dalawang kasama niya.
“What should I do, mga pare?” Biglang tanong ni Dominic habang sinusundan pa rin ng tingin si Aiana. Nagkibit-balikat lang ang dalawa niyang kasama kaya napailing nalang siya.
“Drinks on you, di ba?” Tanong ni Ferdinand at tumango naman si Dominic. “So, tara na at maglasing tutal wala namang pasok bukas.”
"Tss. Kaya niyo na pala akong ipagpalit sa alak."
"Wag kang oa, pre," sagot ni Mateo sabay batok sa kanya.
Sumang-ayon naman ang lahat sa suggestion ni Ferdinand pagkatapos ng asaran. Minamasahe pa niya ang area kung saan siya binatukan ni Mateo.
PAGKALIPAS ng isang oras ay tila nagsisimula nang malasing sina Dominic. Nakasandal na si Mateo sa pader at nangangapa na habang naglalakad pabalik sa upuan nila. Si Ferdinand naman ay kanina pa sunod nang sunod kay Alfia na kinukurot naman ng huli. Si Dominic naman ay nakatungo na sa lamesa kung saan sila umiinom.
Kanina pa napansin ni Aiana na nakatungo na si Dominic at tila nakatulog na sa sobrang kalasingan. Ginawa ba namang parang tubig ang iniinom na alak. Kanina pa talaga dapat nag-end ang shift niya pero dahil nakiusap si Alfia na baka pwede siyang mag-extend dahil busy masyado si Barbara at Alyna. Hindi na tumanggi pa si Aiana dahil nakita naman niya kung gaano karaming tao ngayon sa bar at kulang talaga sila ng mga staff dahil lasing na rin ang tatlo.
“Uuwi ka na, Aiana?” tanong ni ate Alfia nang makita siya nito na nag-eempake ng kanyang mga dalang gamit. “Can I ask for another favor?”
Mahinang tumango si Aiana na medyo may idea na kung ano ang pakay ni ate Alfia.
“Could you help me move Dominic sa couch sa office ko? Please,” pakiusap ni Alfia at tumango naman siya bilang sagot.
"Lalasing-lasing tapos di naman pala kaya. Naku, itong si Ferdy, sakit sa ulo. Buti pa si Mateo, tahimik lang yan sa tabi," komento ni Alfia na nakaani ng tawa mula kay Aiana.
Nagising si Dominic nang sinimulan nilang igalaw ang ulo nito mula sa pagkakatungo. Magkaharap sila ngayon at magkalapit ang kanilang mga mukha kaya tila nabingi si Aiana sa nasa paligid niya at tanging pintig ng puso niya ang naririnig niya. Hindi niya inakala na darating ang panahon na ganito kalapit ang mga mukha nila.
“Why won’t she believe na I like her?” tanong ni Dominic sa kanya na siyang ikinabigla niya. “Alam ba niya kung paano ako naging statwa habang nakatingin sa kanyang tumatakbo papalayo?”
So, I'm the reason bakit siya umiinom ngayon?
Malamyos ang musikang maririnig sa paligid nila pero naiwang tahimik si Aiana habang nakatitig sa maamong mukha ni Dominic.
“Alam mo, kamukha mo si Aiana. I bet disappointed siya sa akin dahil naglasing ako dahil lang sa nangyari.” Mapaklang tumawa si Dom at hindi mapigilan ni Aia na hindi maawa sa kalagayan ng binata.
No, hindi ako disappointed, slight lang. Pero dapat alam mo rin ang limit mo sa paglalasing. Paano nalang kung napano ka?
“I have loved you for too long pero ang hirap kasing ipagkatiwala ang puso ko sa’yo. I’m sorry, Dom,” bulong ni Aiana kay Dominic na may ilang butil ng luha rin na tumulo mula sa mga mata niya.
YOU ARE READING
Paper Flowers (an epistolary)
Teen Fictionan epistolary. Mad Queen Club Series #1 Aiana Therese Cabrera, a business management student with a flower delivery business, bumps into Dominic Ortiz, an engineering student who's allergic to flowers. Like paper flowers, beautiful yet impermanent...