Chapter 1: Ang Paglisan

4 0 0
                                    

Sanggang Dikit: Twisted Fates, Stolen Lives

Original Concept by: Jax Baldivia


Character References
Josh Cullen Santos- Kalenz Santiago
Ken Suson- Kenzo Saavedra
Jaxie Belmonte- kababata ni Kalenz
Destiny Alfuerte- katrabaho ni Kenzo
Special Cameo Appearances:
Stell Ajero- Junard Asejo
Pablo Nase- Paul Navarro
Justin De Dios- Austin De Jesus





Kalenz: Kenzo?Dapat mong malaman di tayo ang magkalaban dito!

Kenzo: Kalenz, wag mo akong gawing b*bo! Di mo ako mapapaikot sa mga kamay mo!

Kalenz: Kenzo o Kalix? Kalix yan ang tunay mong pangalan. Di mo ba talaga natatandaan? Magkapatid tayo, ako ang Kuya Kaka mo!

Kenzo: Sinungaling! Kahit kelan sinungaling ka!

**** Flashback****

15 years ago, Imus, Cavite


Jaxie: Kaka,si Kalix tignan mo nasa tindahan na naman ni Aling Puring tinititigan ang toycar na gusto nya.

Kalenz: sunduin natin par, mamaya umiyak na naman yun.

Nasa tapat ng estante na babasagin na puno ng mga laruan si Kalix at doon nga ay tahimik na nakatitig sa pulang kotse na de remote control.

Kalenz: Kalix! Nakatulala ka na naman jan?

Kalix: Kuya Kaka, kelan ba tayo magkakapera?

Kalenz: Bukas na! Babalik na sina Mama at Papa galing Maynila malay mo binilhan ka na nila ng ganyan baka mas Malaki pa jan!

Kalix: Weh, sabihin mo tumawag dali!

Kalenz: Teka, teka check naten kung may pangtawag pa tong iniwan nyang cellphone. Hmm..ayun nagriring!!

Kalix: Dali-dali kausapin ko na agad!
Kalenz: Mama, hello?

Walang sumasagot pero may nag-uusap, tinalasan ni Kalenz ang kanyang pandinig parang may naririnig siyang umiiyak..

Kalenz: Mama!..

Inagaw ni Kalix ang cellphone.

Kalix: Mama, yung toy car na red ha saka…

Cellphone: Kausap mo ba anak mo? Hello!

Kalix: Kuya Kaka, di naman to si Mama e panget ng boses!

Agad na inagaw ni Kalenz ang cellphone at patuloy na nakinig

Cellphone: “nanghihingi ng laruan yung anak mo, gusto mo siyang makasama? sabihin mo na sa akin kung saan nyo tinago mag-asawa ang painting!” “Kaka,Kalix DragonShield”(Bang!!!!)

Kalenz: Hindi!!!!!! Papa!!! Mama!!!!! Huwag nyong sasaktan ang mga magulang ko!!!!!!

Mangiyak ngiyak na humandusay si Kalenz sa kanyang narinig at binitiwan ang cellphone. Dala na rin ng pagtataka kinuha ni Kalix ang cellphone at pinakinggan ang boses.

Kalix: Asan ang mama at papa namin?

Cellphone: Ikaw bata!!! Walang toy car dito, baril lang! pakinggan mo totoo to! “wag mong idadamay ang mga bata!!!” Bang! Bang! Bang! Patay na ang papa at mama mo! Magtago ka na ikaw ang susunod namin! Ahahaha”

Di man lubos maintindihan ni Kalix ang narinig, alam nya pa rin ang ibig sabihin ng salitang patay kaya alam na nya na di na niya makikita ang kanilang mga magulang. Ang mga boses na yun at ang mga putok ng baril ay paulit ulit na naririnig sa kanyang isipan. Sigaw siya ng sigaw, kinuha ni Kalenz ang cellphone at tinapon sa sahig at tinapak tapakan nya para masira.

Jaxie: Kaka! Ano bang nangyari bakit ganyan si Kalix? Kanina pa siya sigaw ng sigaw!

Kalenz:Jaxie.. may alam ka bang lugar na mapupuntahan na malayo dito sa Cavite?

Jaxie: Sandali ano ba ang nangyayari?

Kalenz: Kailangan makaalis kami agad ng kapatid ko! Saka na ako magpapaliwanag!

Jaxie: Magbyabyahe kayo ng kayo lang dalawa? Kinse ka pa lng, si Kalix dose.. baka kailangan ng guardian?

Kalenz: Didiskartehan ko na lang yun.

Jaxie: May alam ako yung tiyuhin ko sa Pasig. Ipangako mo mag iingat kayo ha! Alam mo naman yung number ko di ba?

Kalenz: Syempre par, kabisado ko yun. Yung isang cellphone ang gagamit ko para makausap ka. Kailangan talaga naming umalis.

Pagkatapos magbigay ng impormasyon ni Jaxie sa kababata niyang si Kalenz ay agad na pumunta ng terminal ang magkapatid.

Kalix: Kuya Kaka nagugutom ako

Kalenz:Ako rin e, Kalix makinig ka kay Kuya Kaka.. pag di ako yung nagsabi at di ako kasama wag na wag kang aalis dito sa upuan ah?

Kalix: Opo, dito lang ako Kuya Kaka.
Di alam ni Kalenz pero may pakiramdam siya na gusto nyang yakapin ang kapatid.

Kalenz: Kalix, payakap nga si Kuya Kaka.

Agad namang niyakap ni Kalix ang kanyang naglalambing na kuya. Maya-maya ay umalis na si Kalenz para bumili ng maiinom na tubig at biscuits.

Tindero: Iho, gusto mo ng kendi?

Kalix: Ayaw po, may binili ang kuya ko

Tindero: Saan na ba ang kuya mo? Gusto mo ng donut?

Kalix: Dito lang po ako

Pabalik na si Kalenz mula sa isang tindahan ngunit nagpalinga linga siya sa paligid ng upuan kung saan niya iniwan si Kalix.Wala doon ang kanyang kapatid.

Kalenz: Kalix!!!!!!!!!!


Itutuloy....






Ipagpapatuloy ang pagbabasa sa aming exclusive group.
Sali ka dito 👇
https://www.facebook.com/groups/1595317247950664/
Sanggang Dikit Chapter 1-3 only on KAAL Premium Crib 💙💙💙

💫Join us on our hub and immerse yourself in a world where dreams collide with reality, and the magic of SB19 knows no bounds.
💫Don't miss out on this exclusive opportunity to explore the limitless possibilities of fanfiction with SB19 and other PPop Groups.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sanggang Dikit: Twisted Fates, Stolen LivesWhere stories live. Discover now