Chapter 3 - Andres

427 26 3
                                    

"Ate Liza?" Tawag ko sa taong nagluluto sa kusina pagkapasok ko.

Napangiti ako ng sobrang lapad pagkakita ko kay Ate. Pinsan ko ito at siyang pinaka-close ko sa amin magpi-pinsan.

"Oh My God Martin!" Malakas na sigaw niya sa ako niyakap ng mahigpit at magkahawak kamay kaming nagtatalon sa tuwa. Para kaming mga bata. " I miss you so much bakla, ang laking bulas mo na."

"I miss you too Ate. Gagu, tanggalin mo yung word na bakla, baka may makarinig," gigil ko rito saka umakto naman itong nabigla at tinakip ang kamay sa bibig at parang jina-jidge buong existence ko sa mundo. Napailing na lang ako sa kaartehan nito.

"Okay, as you wish bunso," sabi nito sa bumalik sa pagluluto.

"Ano niluluto mo Ate?" Tanong ko rito pagkalapit, ang bango kasi.

"Adobo, paborito mo ito diba?" Nakangiting tanong niya sa akin, napatango na lamang ako rito. "How are you? Where is Angelo and Aarron?" Dagdag tanong pa nito.

Di ako agad nakasagot sa tanong niya dahil nabigla at natameme ako ng mabanggit niya ang pangalan ng taong ayaw ko ng makilala at gusto ko ng kalimutan.

"Is there something wrong?" Tanong niya ulit sa akin ng mapansin niya ang biglang pagtahimik ko.

"No, Ate. Wala po," nakangiti kong sagot dito. "Si Angelo po ay umuwi na ng Spain kasi buntis si Selena. Si Aarron naman ay nasa condo ko, natutulog pa dahil nagpakalasing kagabi," kwento ko rito.

Nakatingin parin siya sa aking ng taimtim, para ako nitong sinusuri, nagtatanong kaya napatanong ako rito.

"What?"

Napailing na lang ito saka nagsalita, "wala, I though I miss something."

"Ikaw ate, kumusta ka?" Balik tanong ko rito habang isinasalin na niya sa maliit na 555 stainless steel ang adobong niluluto niya.

"Good, better than before," simpleng sagot nito saka humarap sa akin at ngumiti, "tikman mo nga luto ko kung papasa na ba bilang good wife bunso," nakangiti nitong sabi na agad ko naman tinugunan.

Habang tinitikman ko ito, natatawa ako sa hitsura ni Ate dahil di ito mapakali, ang sarap ng luto niyang adobo pero mas masarap ang lalaking papalapit sa amin.

"Masarap," sabi ko habang nakatingin sa lalaking papalapit at narinig niya ito kaya napangiti ito. "Ang luto mong adobo ate," dagdag ko pang sabi saka umiwas ng tingin nung malapit na siya sa amin.

"Talaga?" Excited niyang sabi na parang bata, kaya tumango na lamang ako na ikinangiti niya ng sobrang laki.

Napatingin siya sa lalaking naglagay ng kamay sa bewang niya saka siya hinalikan sa labi, diko alam pero nakaramdam ako ng sakit, nasasaktan ako pagkakita sa kanila.

"Bunso, Martin. This is Andres, my husband." Pakilala niya sa akin.

Di ako nakapag-react agad dahil para akong nabingi sa sinabi ni Ate Liza, parang nagpa-ulit-ulit ng ilang beses sa taenga ko ang my husband.  Parang may kutsilyo na tumarak sa puso ko na diko maintindihan.

"Bunso?" Tawag ni Ate Liza sa akin kaya napabalik ako sa huwisyo.

"Ate?" Tanong ko rito at napatingin ako sa kanyang mukha na nagtataka.

"Ok ka lang? Nakatulala kana," sabi pa nito kaya umiwas na lang ako ng tingin kay Andres na may seryosong tingin sa akin, para ako nitong hinuhubaran sa tingin niya, may halong pagtatanong at parang hinahalungkat ang buong pagkatao ko sa tingin niya.

"I am okay Ate," sabi ko kay ate at pekeng tumawa, " it just that. Nasurprise ako sa sinabi mo, di ko man lang nabalitaan na kinasal ka."

"Mahabang kwento Tin, iku-kwento ko sa iyo soon kung bakit diko nasabi sa iyo, pati kila Tito at Tita." Sabi nito, ramdam kong nakatitig parin si Andres sa akin kaya naiilang ako, "saka mahaba pa ang oras. Babe, siya si Martin, I know nakilala mo na siya sa labas, siyang ang besfren ko at kalaro ko ng bahay-bahayan nung mga bata pa kami," dagdag pakilala pa ni Ate Liza.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love on Eclipse (M2M) (SPG18+)Where stories live. Discover now