CHAPTER 4

15 1 2
                                    

                         CHAPTER 4

   There are times in our life that once became both a misery and a happiest days of ours.

   Just like, a solar eclipse. From where it is said to give us an opportunity to witness something extraordinary view, from where the world seems hold its breath. But, on the other side, it is to give us a warning belief that on that time, the universe will let us experience an eerie twilight, from where the world will be in complete darkness.

   Tangina naman, Matthias! Hindi na kita maintindihan! Winawaldas mo ang pero mo kahit saan, tapos uuwi ka rito na mainit ang ulo?! Aba tangina!” Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa aking tenga at tinakpan ito ng mabuti ng marinig kong nagsisigawan na naman sina Mama't Papa.

   “Pagod ako Sharmine, huwag mo akong simula!” Kita ko kung paano akmang pagbuhatan ng kamay ni Papa si Mama. Mabuti at mabilis ang nagawang pag-ilag ni Mama dito.

   Nanatili na lamang ako sa aking kwarto, umiiyak, habang pilit na iwinawaksi ang sigawan ng aking mga magulang.

   Maingat kong kinuha ang alaga kong pusa at marahang hinaplos ang balun-balunan nito.

   Kase pagod na ako, at ang sakit sakit na! Ayokong makita ang anak ko! Nabitawan ko ang pusang hawak hawak ko, at lumapit sa may pinto para mas pakinggan ang kanilang usapan.

   Unti-unting bumigat ang paghinga ko. Noon pa lang, lagi na akong dahilan ng kanilang pagtatalo. Ang sakit, masakit marinig sa bibig ng pinakamamahal kong ama ang mga hinanakit na naidulot ko sa kanila.

   Sobra na ba talaga ang pamimirwesyo ko sa aking mga magulang?

   “Baka marinig ka ng anak mo, Matthias!Saway ni Mama kay Papa.

   Binuksan ko ng kaunti ang pinto at tahimik na sumilip sa siwang nito. Lugmok na napaupo si Papa habang hinahaplos ni Mama ang kaniyang likuran, pinipilit pagaanin ang nararamdaman ni Papa.

   Nahihirapan akong makita na paunti-unti ay nalalagas na ang buhok ng anak ko, na paunti-unti na siyang mawawa—” Kaagad na tinakpan ni Mama ang sasabihin ng aming ama. Tama si Papa, unti-unti na akong nakakalbo, unti-unti na, ngunit hindi ibig sabihin no'n ay iiwan ko sila. Lalaban ako, lalabanan ko ito.

   Acute Myeloid Leukemia, twelve months to live, ito ang diagnosis ng doctor sa akin. And I am on my chemotherapy treatment, kaya unti-unti akong nakakalbo. Pero hindi ang cancer na ito ang magdedesisyon na matatapos na ang buhay ko.

   Patawarin mo ako kung mahina ako, Mahal. Nawa'y patawarin din ako ng anak ko, ngunit talagang hindi ko na kaya. Patawad.” Napatingala si Mama ng tumayo si Papa at dumeretso ito sa kanilang kwarto.

Senior High Series #6: A Tale Of Pens And Pans(A collaboration Series)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz