3: Starvelle's Decision

123 8 15
                                    

A/N:

Hello there to my Fellow Readers!!
Congrats sa lahat ng nakapag secure ng kanilang Tickets sa Pagtatag Finale Concert ng ating MAHALIMA!!

Sanaol, hahaha! Pero Hopefully maka attend na ako sa susunod na concert.

Anyway this is Chapter 3! Enjoy po.

-bbmariatinnie

VELLE's POV

Papasok na sana ako sa kwarto ni Stell sa Ospital ng marinig ko si Mama na umiiyak habang kausap ang kakambal ko na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

"Nak, nasosobrahan ka na ng tulog, nakakalamang ka na sa pahinga. Bumangon ka na." Kahit na dinadaan sa biro ni Mama ang lahat, alam ko na nasasaktan siya. Nag-aalala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Stell.

"Nak, hinihintay ka na ng A'tin, hinahanap ka na ng mga kaibigan mo, excited na silang lahat na bumalik ka, pero paano mo iyon gagawin kung ganito ang itsura mo? Kaya Please naman Stell anak gumising ka na."

"Nag-umpisa ka pa lang abutin ang mga pangarap mo, hahayaan mo ba na mawala na lang sayo ng ganun ganun lang ang mga pinaghirapan mo ha, Anak?" patuloy pa rin ang pag-iyak ni Mama habang kinakausap niya si Stell.

Dahil ayokong makaistorbo, nagdesisyon muna akong bumalik sa Nurse Station pero hindi ko inaasahan na marinig sina James at Xi-Ann habang may ka video call sa cellphone.

"Ano bang nangyayari ha? Bakit hindi sumasagot si Stell sa mga tawag namin? May problema ba ha, James? Xi-Ann?" Tanong ng kausap nila sa kabilang linya.

"A-Ahm w-wala naman Pab! Ahm kasi...s-siguro ayaw lang magpa istorbo ni Stell, t-tama! Ganun nga! Gusto daw niya ng privacy... Hehehe..." Pamemeke ng tawa nito.

"Ano? Anong privacy? Nasa Japan siya, at kilala siya diyan! Paano siya magkakaroon ng privacy? Kailangan namin siyang makausap ngayon. Nasaan ba siya?"

"H-ha?! Ah--eh,w-wala siya ngayon dito eh, umalis."

"Umalis? Hindi kayo sumama?! Akala ko ba pinapunta niya kayo diyan kasi gusto niyang magpasama sa inyong dalawa? Yun nga ang dahilan diba kaya namin kayo pinayagan lumipad diyan?"

"Ha? Eh kasi ahm, nung nagsing kami kanina, nakalaalis na siya,, b-baka nag jogging, Jah."

"James, Xi-Ann, may nangyari ba? meron ba kayong hindi sinasabi sa amin ha?" tanong ng isa pa, iba na namang boses iyong nagsalita, mas malalim ang boses nito.

"Ahm.. w-wala Ken, wala." Sabi ni James. Nakita ko naman na napapailing nalang at nakatungo si Xi-Ann.

"Oh siya sige, basta mamaya tatawag kami ha, kailangan kasi namin siyang makausap okay?" Nakita ko naman kung paano nagkatinginan yung dalawa, pareho silang hindi alam ang gagawin.

"Ahm Josh, kasi...hala siya! Pinatay na?! huhuhu...Xi, anong gagawin natin? mababaliw na ko bhie, hindi ko na alam kung anong gagawin natin, hinahanap na nila si Stell." Namomrooblemang sabi ni James.

Magsasalita na sana si Xi-Ann pero napansin niya akong nakatayo sa hindi kalayuan mula sa kanila." Ate Velle." tawag nito sa akin.

"Nakapagpahinga na ba kayo? pwede naman kayong uuwi muna, kami na lang ni Mama ang bahala mag bantay kay Vester." sabi ko. Hanga din ako sa dalawang ito. Nakikita ko na totoong kaibigan talaga nila si Vester.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now