12th April 2024

3 0 0
                                    

Alam mo, hindi ko na alam. Crying my heart out for the past few days. Ang daming nasa isip ko ang hirap i-process. Yung pati ako mismo naguhuluhan. Meron yung nasa imagination ko lang nandoon si Dey tapos naiiyak agad ako hindi ko alam bakit pero basta related sa love. Tapos factor na din yung lagi kong naaalala si mommy at si daddy. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.

Pero masaya naman ako kasi hindi naapektuhan ang performance ko sa school. Namemaintain at manage ko naman. Salamat kay Lord. Hindi ko alam, parang nalalayo ako sakaniya. Yes, nagdadasal padin ako before I sleep pero hindi kasing emotional at deep ng connection unlike noon. Siguro dahil din ganoon nalang ako ka-open kay mahal. Kahit pagsusulat hindi ko na magawa. Gusto ko si mahal kausap ko, kaso hirap sa time. Ngayon nalang muli nagsulat. Hindi ko na nga maalala ang way ng pagsusulat ko. Hindi na napapractice pa. Ang masasabi ko lang ay pangarap ko nalang sa buhay ang nagho-hold sa akin kaya ako nagpapatuloy. Hindi ganito habang buhay, naniniwala ako doon. Nasa akin padin ang desisyon ano ang mangyayari sa akin sa hinaharap. Pero totoo, hindi ko maiwasan mapaisip bakit ganito ang buhay sa akin? Tangina. Bakit ganito si mommy? Si daddy hindi man siya mabuting ama at hindi ko din naranasan ang magkaroon ng mabuting ama. Noong bandang huli na bedridden na siya ay nagkaayos at nagkalapit kami. Kaya siguro ganoon nalang ko siya ma-miss. Yung pagaalaga ko sakaniya na noong una parang labag pa sa loob ko kasi ang baho, matrabaho, ang kulit niya etc. turns out biyaya pala in disguise. Kahit na ang hirap doon, ang hirap ng harassment i-handle. Ang hirap i-handle ang awayan at pagiging narcissistic at manipulative mga tao doon. Kay mommy naman, hindi ko maispelling ang pag-uugali niya. Nakakapagod. Hindi naman ako lumaki na may believe sa sarili kasi hindi ko naranasan. Pinipilit ko lang i-exert sa sarili ko ang confidence at lahat-lahat dahil kailangan. Hindi ko maiwasang maisip, oo masaya mabuhay at nabigyan ako ng pagkakataon na masilayan ang mundo. Masarap mabuhay na may malakas na pangangatawan. Pero bakit ganoon nalang makatiis mga taong 'yon? Bakit ganito sila? Grabe ang heartbreak ko naranasan ko na sakanila na mismong magulang ko. Yung kapatid ko pinalaglag, what if ako 'yon noh? Tutal hindi ko naman kaya ang magpakamatay eh. Natatakot ako kay Lord. Kaya magpapatuloy nalang ako. Sa sinabi ko kay ate alyza, that is true. Lesson gone wrong literally. Dahil sa mga nangyari, napatunayan ko lang na hindi ako ganoon kahalaga sakaniya. Hindi ko na alam ang next step na gagawin ko, hindi ko na alam. Si Lord nalang ang bahala.

Pero magpapatuloy nalang ako. Sisikapin nalang. Nalulungkot ako sa pinagdadaanan ng ibang tao, naaawa ako kay mommy at nahihirapan ako sa sarili ko. May mga maliliit na bagay na maliit man ito para sa akin ay hindi ito maliit. Medyo nadadamdam ko. Ang hirap mag-address. E mismong ako hindi ko nga maintindihan yung nararamdaman at naiisip ko. Ako nga mismo nahihirapan ihandle ang sarili. Iba pa kaya. Ayaw ko lang namab maging burden sa mga taong tumutulong at umuunawa sa akin. Gusto ko pati na mamanage din maganda 'yong relasyon na meron kami. Hindi ko alam, tamang takbo sa unan at kay Lord nalang ako. Itulog nalang. Okay na ito. Bumabalik ang mga nakaraan, ang bigat sa pakiramdam. Ang bigat na dala dala ko.

Isa lang ang alam ko. Dapat kong ubusin ang luha na ito para gumaan ang nararamdaman kong ito. Hanggang kailan ko iiyakan ang mga ito?

Sign na ito, need ko ulit lumapit kay Lord. Humingi ng lakas. Hindi ko ulit ito kakayanin magisa. Gaya ng dati, dasal at iyak sa gabi. Yakap unan, muni muni magisa. Magsulat. Pero pag sobrang bigat na talaga. Tanging pagsimba at dasal lang ang kailangan ko. Sariwang hangin. Kausapin si daddy out loud ng malakas. Hindi ko alam, iba ang gaan na meron pagdating kay Lord. Palagi kong ipapagpasalamat na kailanman ay hindi niya ako pinabayaan. Kahit mahirap ang buhay, nagpapasalamat ako na hindi ko naranasan magutom ng sobra-sobra, matulog sa lansangan. Hindi man ako perpekto, pero palagi ko itong ipapagpasalamat. Never niya kaming pinabayaan ni mommy at mga mahal ko sa buhay. Napansin ko lang, hindi na ako kagaya ng dati na panay imagination. Masaya ako sa achievement kong makaescape sa comfort zone ko. Iimagine ang mga bagay na sana nangyari, hindi yung totoong mga pangyayari. Nagagamit ko yung imagination sa pag-aaral, sa mga bagay na mas makabuluhan. Paghahanda ng sarili sa mga posibleng mangyari. Hindi na gaano gaya ng dati.

Nang makilala ko si Dey, natutunan ko muli magtiwala ng buong buo. Pero dahil kagaya nga ng sabi kong "life is full of surprises." Pag hindi nangyari thank you Lord, pag nangyari ay surprise yon. Nakakawalang tiwala ang buhay minsan, pero dahil kay Dey nagrerecover naman.

Naalala ko pa noon, puro ako alone time. Only me, I and myself lang nakakahandle e. Tamang salita magisa either nagdadasal o nagpapahatid ng mensahe kay Lord para kay Daddy. Nagmumuni, nagpapahangin, nagpapakalma, at lahat-lahat na. Tuwing lalampas sa isipan ko ang sumuko, biglang si presensya ni Lord humahatak sa akin na "wag." Tuwing nalang may galit sa akin, ipinagdadasal kong mawala sa puso ko. Hindi ko pinapairal kahit na may nararamdaman ako, hindi ko ineentertain o manlang pinapansin kaya nawawala siya ng kusa. Pero kailanman ay hindi malilimutan. Tamang magpatawad lang kahit hindi humihingi ng tawad. Isa sa best na nangyari ay nakapagsorry ako sa mga taga bangar bago umalis. Kasi mali man sila, ako din ay may pagkakamali.

Hindi ko naman iniwan si mommy para kay Dey. Nagoffer ng tulong sinambot ko. Bonus talaga na magkasama kami. In fact, slight lang para kay Dey pero ang hirap kasi ng kay mommy na yon. Goal ko talaga ay tulungan.

Basta, si Lord na ang bahala sa lahat. Maganda na ito, nakapaglabas ako ng ilan sa mga bagahe. Dasal nalang palagi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The RoadWhere stories live. Discover now