Chapter 19

17.1K 942 87
                                    


(Adele Medina POV)

Mula sa bahay namin, sinundo ako ng isang magarang sasakyan na pagmamay-ari pala ng mga Chua. Pasado alas-syete ng gabi nang makarating kami sa Fabelous Hotel at pagbaba ko, agad akong sinalubong ng mga magulang ko.

Tinitigan nila akong maigi. Nag-aalangan pa nga sila kung anong itatawag sa akin. "Adele? Bunso ko, ikaw na ba 'yan?"

Napangiti akong lumapit sa kanila. Gaya ng madalas kong sa kanila kapag naglalambing, sinundot ko sila sa baywang nila. "Mama, Papa. Ako na po 'to."

Hindi pa rin sila makapaniwala sa milagrong nangyayari. Hindi na nga rin nila napigilan ang maluha dahil sa kaligayahan. Nagyakap kami ng mahigpit. Sinabi nila sa akin ang labis nilang pangungulila dahil sa pagkawala ko.

Ngunit gustuhin man naming lasapin ang oras ng muli kong pagbabalik, alam nila na pansamantala lamang ito at sandaling oras lang ang mayroon ako.

"Kanina ka pa rin inaabangan ni Xian."

"Halina sa loob. Bawal tayong magsayang ng oras."

Pagpasok namin sa loob ng hotel, natanaw ko na sa kinatatayuan niya si Xian. Nakatayo siya na parang 'di mapakali. Natawa pa ako dahil parang nagpa-practice pa siya na magpakilala sa akin.

Nang mapansin na niyang palapit na kami, agad niyang inayos ang sarili. Pero hindi rin maalis ang nag-aalangang tingin niya sa akin. Tulad nina Mama at Papa kanina, syempre ang nakikitang anyo ni Xian ay ang Ate ko.

"Adele? I—ikaw na ba 'yan?"

Ngumiti at tumango naman ako biglang sagot.

"Ikaw nang bahala sa bunso namin," habilin ni Mama.

"At wala kayong curfew kaya enjoy and take your time," aprubado namang dagdag ni Papa.

"Yes, tito, tita. I'll take care of her."

Hindi ko alam pero parang sa kasal 'yung peg ng eksena nang ipinaubaya na ako ng parents ko kay Xian. Natawa na nga lang ako dahil pasimple pa sila nagpunas ng luha nila.

"Let's go inside?" pag-aya ni Xian. Pinapakapit niya rin ako sa braso niya kaya sabay na kaming pumasok sa loob.


(Author's POV)

Kung hindi mapakali si Xian habang hinihintay ang pagdating ni Adele, ganun din ang pakiramdam ni Louie—doble pa nga ang kaba niya.

Naniniwala naman siyang magiging maayos ang lahat. Nagbantay siyang maigi habang inaayos ng lahat ang surpresa kay Adele. Bawat detalye sa dream date na ito, sinigurado niyang hindi papalya.

Ilang sandali pa, dumating na ang mga Medina. Agad na napaayos sa kanyang sarili si Xian ngunit narinig ni Louie ang pagbulong nito, "Si Adele na 'yun... si Adele na 'yun..." At nang magkalapit na sila, "Adele? I—ikaw na ba 'yan?" naniniguradong tanong pa nito.

Ang nakikita ng lahat na kasama ngayon ni Xian ay si Giselle. Ngunit sa paningin ni Louie, kitang-kita niya si Adele. Ang pagkakaiba nga lang, hindi naman siya nito napapansin ngayon. Kahit pa kumaway na siya sa mukha ng dalaga, walang kaalam-alam si Adele sa presensya niya ngayon.

"Ikaw na siguro si Louie?"

Biglang nagulat si Louie nang may magsalita sa kanyang gilid at makita ang kaluluwa naman ni Giselle. "A—ako nga... hello po..." nauutal nitong bati.

"Ate Giselle. Pwede mo akong tawaging Ate tulad ni Adele."

"Ate... hehe..."

"Mas gwapo ka rin pala sa Kuya mo."

Match Made After Life ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat