CHAPTER 8

36 5 0
                                    

ETHAN POV:

Nandito na kami sa dorm kasama ko sa dorm si val kasi kada dorm Tig tatlo kasi pero sabi ni val wala pa daw dito yung isang ka roommate namin at wala din sya alam dito.

Pumasok na ako sa kwarto ko at inayos kuna mga gamit ko. Dahil natapos na ako ay natulog na muna ako kasi mamaya pa naman yung welcome greatings sa mga bagong student sa akademya na to.

Nagising ako dahil sa katok sa pinto kaya bumangod na ako at binuksan kung sino ito. Bumungad nga sakin ang mukha ni val sa pinto.

"Mag ayos kana Ethan kasi pupunta na tayo sa dining hall." Sabi ni val sakin.

Doon kasi gaganapin ang welcome greatings at pagpili ng guild sa mga baguhan na studyante dito.

Ilang saglit lang ay natapos na ako mag ayos at pag labas ko ay nakita ko din si val palabas ng kwarto nya kaya sabay na kami pumunta don.

Pagdating namin sa dining hall ang daming student dito at may napansin din ako na bawal lamesa ay may kanyang kanyang groupo. Nakuha ang atensyon ko sa pang limang lamesa na tatlo lang sila, habang yung apat na lamesa ang dami.

Natigil lang ako sa pag obserba ng magsalita ang head mistress. "Maligayang pagdating sa celestial academy mga bata. Ako nga pala ang inyong head mistress Minerva Winchester. Ngayon sisimulan natin ang pagpili ng guild nyo. Ilagay nyo lang ang mga kamay nyo sa bola dito saharapan at kung anong kulay ang lalabas yun ang magiging guild nyo."

Ito ang paliwanag samin ni head mistress. May limang guild dito ang una ay ang ROYAL DRAGON GUILD na kulay gold, para ito sa mga noble at royalties. Pang galawa ang DARK ANGEL GUILD na kulay violet, pang gatlo naman ang LEGENDARY FOX GUILD na kulay green, pang apat naman ay ang PHOENIX KNIGHT GUILD na kulay pula at ang pang uli ang EAGLE SPHERE GUILD na kulay blue. Ito din ang laging nahuhuli at binubuo lang ito ng tatlong membro dahil walang gusto pumili dito. 

Sabi naman ni head mistress na pwedi naman daw lumipat ng guild pero dapat mag paalam muna kung bakit lilipat ka ng guild.

"Oras na para pumili ng guild nyo, magsilapit lang kayo sa limang bola kung saan nyo gusto. Ang kulay violet na bola ay ang, dark angel guild, green ang legendary fox guild, gold ay ang royal dragon guild para lang ito sa mga royalties at noble na may dugo. Ang red ay ang Phoenix knight guild at ang pang huli ang blue na eagle sphere guild." Salaysay ni head mistress samin.

"Sige na at pumili na kayo" pag comperma ni head mistress. Agad naman nag sipili sila ng guild. Napansin ko lang na walang pumili sa pang limang bola na kulay blue ito ang eagle sphere guild.

"Anong guild pipiliin mo?" Tanong sakin ni val hindi lang ako tumongon sa tanong nya sakin.

Ng naka pili na ang lahat except samin ni val. Dahil sa na curious ako sa guild na eagle sphere, agad ako pumunta don at sumunod naman sakin si val. Kala ko naka pili na to kaso hindi pa pala.

Nakita ko nalang yung iba na gulat at puro mga bulongan kiso bat daw namin pinili ang pinaka mahina na guild at basura. Di ko na lang sila pinansin pa. Nabigla naman ang tatlo dahil may pumili sa guild nila.

"Congratulations dahil nakapili na kayo ng guild. Ngayon aalis na ako dahil meron pa ako gagawin" Ani ni head mistress sakin at umalis na ito

Pumunta kami sa ika limang lamesa dahil don daw ang pwesto ng guild namin. Masaya naman ang tatlo dahil may pumili sa guild nila pero agad naman nawala yun dahil sa pinag sasabi ng isang lalaki na taga dark angel guild.

Napag alaman ko na ang pangalan nila ay si Rose ann yung babae at yung katabi naman nito si Richard na magkapatid. Tapos yung isang lalaki naman nalaman ko na siya si Steven.

"Ako nga pala si Rose ann isang rose manipulation at take over magic. Ito naman ang kapatid ko na si Richard isa siyang healing magic at thorn manipulation. Ito naman isa ang kaibigan namin si Steven isang middle at copying magic." Pakilala ni Rose Ann samin.

" Ako naman si Ethan isang summoner at necromancer at ito naman si val isang blood manipulation at string manipulation." Pakilala ko sakanila.

Nagulat naman sila dahil kunti na lang daw ang summoner at necromancer dito dahil sa malawakang digmaan na naganap noon. Nalipon na daw ang lahi ng mga summoner at necromancer dahil sa isang taong gahaman.

"Grabi di ako maka panilawa na may necromancer at summoner user sa guild." Galak nitong sabi.

"Kung nakita mo lang yung huling pag susulit nako mapapahanga ka dahil sa kanyang na summon" Ani ni val Dito

"Talaga? Wow naman ang lakas mo pala" mangha na sabi ni Richard dito.

" Bat nyo pala napili itong guild na to? Alam nyo naman siguro kung bakit ayaw nila sa guild na ito kasi mahihina lang kami tapos kami laging kulilat kapag may laban sa bawat guild" Ani naman ni Rose Ann samin dalawa ni val.

"Wala naman na curious lang ako. Kung ganon edi sisikapin natin palakasin itong guild na to" ngiti kung sabi sakanila

Nandito na kami ni val sa dorm namin at nakahinga na ako sa kama ko. Bukas na ang simula ng pasukan kaya dapat na ako matulong.

Patulong na sana ako ng bigla nag pakita si eca ito yung babae na tumulong sakin sa pagsusulit.

"Magandang gabi master, nandito ako ngayon upang maging opisyal na kitang master."  Sabi nito sakin.

"Ano ba dapat kung gawin?"you tanong ko Dito

Kinuha nya ang kamay ko at bigla nya sinugatan ito at pati ang palad nya ay sinugatan nya din at pinag isa nya ito. May na buo na liwanag dito at agad itong lumakas at nawala. "Ngayon opisyal na kitang master, paalam hanggang sa muli natin pagkikita. Tawagin mo lang pangalan ko para ma summon moko "  Sabi nya sakin.

Dahil sa antok na ako at pagod ay nakatulog na ako.

THE CELESTIAL PRINCEWhere stories live. Discover now