1

5 0 0
                                    

May mga bagay na dapat mong itama... mga bagay na kahit mali, pilit parin itinatama..

ako? tama bang mahulog  ako sa patibong ng kanyang mga mata? kilos at lamig ng kanyang galawan?

Pero sa mga mata ko ang mga kilos n'yang 'to ang nag bibigay sa'kin nang paulit ulit na 'diko mawari na nararamdaman.

"Huy"

napaka gwapo n'ya talaga.. kahit saang angulo mo tignan napaka gwapo..

'yung labi n'yang.. mapupula.. manipis makapal na kilay.. at paburito kong tignan..

"Helllloooo!?"

mga mata n'ya na kulay kayumanggi na kapag nasikatan ng araw ay kumikinang sa ganda..

"Riva!"

Napatayo ako sa lakas ng sigaw ni Alice sa'kin..

Naka tingin na lahat ng tao ngayon  na malapit sa'amin! nakaka hiya tuloy!

umupo ako sa kahihiyan dahil naka tingin sila sa'min!

napatingin rin s'ya at ng mga kasama n'ya sa lakas ng sigaw ni Alice sa pangalan ko!

"Alice, ano ba, nakakahiya! naka tingin tuloy sila satin!"  yukong sabi sakanya dahil may mga ilang naka tingin parin sa'min.

Nandito kami ngayon sa Canteen, lunch time na at napag pasyahan naming dito na kumain kaysa sa lalabas pa kami.

"Hello, kanina pa kaya kita kinakausap 'no! naka tingin ka kasi sa long long ever of the year mong crush🤨"

"Pasens'ya na , saka hindi ko kaya s'ya tinitigan!" tanging sabi ko

"Ako pa lokohin mo, saka parehas lang kayo ni Dino na 'di nakikinig sa kwento ko 'no!.. hmpp nakaka tampo"

"Nakikinig ako, promise!" tinignan n'ya 'ko at pakunwaring ikot ng mata.

bumaling ang mata n'ya kay Dino na nag babasa..

Silang dalawa ang kaibigan ko simula pa nung elementary kami, mag best friend ang mama namin ni Alice.

Mabait si Alice at maingay talaga s'ya,  'yung tipong 'di mauubusan ng sasabihin

Si Dino naman ay grade 6 nung nakilala namin s'ya

binu-bully s'ya noon dahil sa palagi s'yang mapag isa at walang kaibigan..

Nakita namin s'ya ni Alice na binu-bully, kaya pinuntahan namin s'ya, pag sasabihin sana namin sila na hindi tama ang ginawa nila, eh kami pa 'to inaway

ang ending lahat kami napa punta sa office..

Dun nag simula ang friend ship naming tatlo

"Dino, diba tapos kana sa project mo?"

"yup" sabi n'ya sabay lipat ng pahina na binabasa n'ya

tinignan ko ang pag kainan n'ya at tapos na s'ya, actually parehas kaming tapos na. si Alice nalang ang hindi pa

"ikaw?" tingin n'ya sa'kin.

"ah.. oo kanina lang"

tinapos ko na kanina para hindi na 'ko tatambakan pag uwi ko ng bahay, marami pang gagawin eh

"ahh, bakit ang advance n'yo, sa friday pa kaya ipapasa 'yon"

sinulyapan ko ulit si Jiro na nakikipag usap sa mga kaibigan n'ya..

gwapo mo.

i want to take a photo of him.. but it's too obvious.. so wag nalang

"guyss, tara na. tapos ko na pag kain ko, balik na tayo sa room"

tumayo na kami ni Dino pag tapos sabihin ni Alice na umalis na kami. niligpit muna namin pinag kainan saka umalis.

nadaanan namin 'yung lamesa nila..

i look at him.. and as always he never look at me...

give me some luck, lord.

sumabay ako sa pag lalakad kila Dino dahil nahuli ako

class A si Dino at kaming dalawa ni Alice ay class B

sana class A nalang ako para nakikita ko s'ya palagi.. pero mabuti nalang para hindi n'ya makita katangahan ko

classmate lang kami nila Dino, at Alice sa isang sub.. dun lang kami mag kakasama and the  rest of  the sub kaming dalawa na ni Alice.

You're worth the riskWhere stories live. Discover now