CHAPTER 43

1.2K 14 2
                                    

Masaya ka ba?” tanong ni Mac kay Jude sabay halik sa noo nito. “Oo. Sobra..” si Jude. “Paano kung panaginip lang ito?” si Mac. “Hmmm.. Ito yung panaginip na ayoko nang magising..” si Jude. “Paano kung sa bandang huli mabangungot ka sa panaginip na ito?” si Mac. “Hmm.. Ayos lang dahil kasama naman kita..” si Jude. “Paano kung..” si Mac na hindi na natapos dahil may kumatok na sa kanilang kwarto.

“Mac.. Jude..” boses ni Amanda..

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Ohh update na akesh

Chapter 43

Bigla silang napaayos nang pagkakahiga sa kama. Agad na tumayo si Jude upang pagbuksan si Amanda. “Hi Jude. Anong ginagawa niyo?” usisa ni Amanda sa dalawa. Pumasok si Amanda sa kwarto at naupo sa kama nila. Parang may inaamoy si Amanda sa loob ng kwarto nila. “Weird. Bakit amoy Zonrox dito?” si Amanda. Biglang napatawa si Mac nang malakas dahil amoy tamod nga ang kwarto nila. “Oo nga no.. Amoy bleach..” dagdag pa ni Mac sabay tawa ng nakakaloko. “Ah-eeeh. Kakatapos ko lang kasi mag-shower. Nilinis ko na rin yung CR. Nakakahiya kasi..” agad na sagot ni Jude kay Amanda. Tiningnan ni Jude si Mac nang masama hudyat na pinatitigil ito sa kakatawa. “Ngek. Bakit naman naglinis ka pa e may housekeeper naman..” si Amanda. “Ayos lang yun. Sa bahay din naman e naglilinis ako..” sagot muli ni Jude. “Okay. Bumaba na kayo at magsisimula na ang inuman sa baba..” yaya na ni Amanda. “Ah-eh.. Sige susunod na din kame..” si Jude na napakamot na lamang sa ulo. “Lets go na..” si Amanda sabay hila sa kamay ni Jude. “Teka lang, Amanda. Mag-susuot lang ako ng pantalon..” si Jude sabay takip sa kanyang harapan dahil naka-boxers lamang siya. Nagulat na lang si Jude nang nasa likod na rin pala niya si Mac. “Wag na..” natatawang sabi ni Mac sabay tulak na rin kay Jude. Wala nang nagawa si Jude kundi mapasunod na lamang sa dalawa.

Pagkababa niya ay namangha siya sa naging ayos ng sala. May sleeping bags na nakalatag sa carpeted na sahig. May mga throw pillows na din. May malakas na sounds na pang-party. Habang ang center table ng sala ay punong puno ng pagkain tulad ng iba’t ibang chichirya, nachos, breadstix at chocolate fountain, roasted at fried chicken, at pizza. Nanduon rin ang mga bote ng alak, tequila, rum, San Mig Lights, Tanduay Ice. Nakahanda na rin ang mga chaser tulad ng Coke at lemon at asin para sa tequila. “Anong gusto niyong unahin? Jose Cuervo o Tequila Rose?” si Mickey hawak-hawak ang dalawang bote ng alak. “Anything..” si Amanda at naupo na rin katabi ng nobyong si Ace. Hinila na ni Amanda si Jude na maupo sa kanyang tabi. At hinila na rin ni Jude si Mac naman sa tabi niya. “See? Ayos lang naman yang suot mo. Tayo-tayo lang naman kasi ang nadito..” bulong ni Amanda kay Jude. Dama ni Jude ang pagdampi ng malambot na labi ni Amanda sa kanyang tenga. Medyo nakiliti si Jude sa pakiramdam na iyon. “Oo nga ano..” si Jude nang mapansin na pareho lang ang mga suot nila. Si Amanda at Ella ay naka-spaghetti strap at maikling shorts habang si Ann naman ay naka-baby tee at maikling shorts din. Sexy talaga ng tatlong babaeng ito. Habang ang mga lalaki ay pawang naka-boxer shorts at sando lang ang suot. Siya lamang at si Mavs ang naka-t shirt.

Nagsimula na ang tagayan. Tequila agad ang kanilang inupakan. Si Mickey ang naging tanggero ng grupo. Dahil madami silang nag-iinom ay hindi kaagad sila natamaan. Nagsayawan. Shot. Nagkantahan. Shot. Biruan. Shot. Masaya ang lahat. Nag-laro muna sila ng cards. Yung bluff game. Ang matalo magshoshot ng tequila. Medyo naparami na rin ang inom nila. Kaya kung ano-anong pinaggagawa nila. Sayawan kung sayawan. Sa pangatlong bote ng Jose Cuervo ay nag-suggest na si Mickey na mag-laro ng truth or dare. Dahil medyo tipsy na nga ang lahat, game na ang mga ito. Paikot ang pwesto nila. Si Ace katabi si Amanda na katabi si Jude – si Mac – si Mickey – si Ice – si Ann – si Mavs – si Jose – si Ella na katabi ni Ace. “Game lang to ah, walang personalan, walang pikunan. No pictures or whatever. What happens here, stays here. Alright?” simula ni Mickey dahil siya ang naging game master sa oras na iyon. “Yeeeees!!” sigaw naman nila sabay tawanan. Unang ikot ng bote. Si Amanda ang nabiktima. Sigawan lahat. “Okay, Amanda. Truth o dare?” tanong nila. “Dare..” si Amanda na game na game. “Alright.. I-kiss mo sa lips within ten seconds yung pinakagusto mo dito.. Except kay Ace..” utos ni Ann. Tawanan ang lahat. Nag-shot muna si Amanda ng tequila bago sundin ang utos. “Okay fine..” si Amanda sabay kabig sa mukha ni Jude sabay halik sa labi nito. Nabigla si Jude sa ginawa ni Amanda. Sinimulang kainin ni Amanda ang kanyang labi na parang sabik na sabik. First time niya na mahalikan sa labi ng isang babae. Si Amanda ang halos gumalaw sa halikan nilang iyon. Dama ni Jude ang pilit na pagpasok ng dila ni Amanda sa kanyang bibig. Kumapit ang mga braso ni Amanda sa kanyang batok. Hindi siya makagalaw sa oras na iyon. Hindi man lang siya nakapag-respond sa halik ni Amanda. “..Ten! Time’s uuuup..” bilang ng iba. Natauhan na lamang si Jude nang humiwalay ang labi ni Amanda sa labi niya. Malanding tumawa si Amanda pagtapos niyang sundin ang dare. “You’re lips are sweet..” bulong ni Amanda sa kanyang tenga sabay punas sa labi ni Jude. Tawanan ang lahat sabay shot ng tequila. Nahihiya si Jude sa nangyari lalo na sa boyfriend ni Amanda na si Ace. Napatingin tuloy si Jude kay Ace at nagulat siya dahil nakatingin rin ito sa kanya. May maliit na ngiti sa labi nito. Hindi mainitindihan talaga ni Jude ang lalaking ito.

Nasibak ni InsanWhere stories live. Discover now