Kabanata 1

3 0 0
                                    

Kabanata 1

Maybe







Hindi ko alam kung bakit si Kuya lang ang may blue eyes at ako ay hindi.


Hindi rin naman blue ang eyes ni Mommy kahit si Daddy. I still can't get it. Pero malabo naman na may kabit si Mom because she really loves my father!

Pero mas mahirap ma-gets ang lesson sa math. Hirap talaga kapag ganda lang ambag mo sa mundo.

"Isa na lang mananalo kana sana! Sayang!" Nanghihinayang na sinabi sa akin ni Belen habang papalapit sa akin at halatang imbyerna siya. Akala naman niya siya ang naglalaro at natalo kung maka react.

Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay pinunasan ko ng bimpo ang noo ko at leeg ko.

"So hot in here," maarteng sambit ko at umupo sa bench at uminom sa tumbler ko.

Tumabi naman sa akin si Belen at nag de quatro at ibinalik ang nakamamatay na tingin sa field.

"Sayang naman iyong laro kanina. Sure akong nagpatalo ka lang kay Helen! Ang galing mo kaya sa badminton." Halata sa timbre ng boses niya ang matinding inis kay Helen na dinudumog na ngayon ng mga kaklase namin na proud na proud sa laban kanina dahil natalo lang naman niya ang isang katulad ko.

Kalmado lang akong sumandal sa bench habang nakahalukipkip at matamaang nakatingin kay Helen na malaki ang ngiti sa labi at halatang proud din sa sarili.

Biglang lumakas ang tilian nila nang may lalaking dumating na may dala-dalang boquet of roses habang nakangiti kay Helen.

I know that guy. He's Danilo, and he's a fvcking playboy and a fvckboy too.

Na rinig ko ang pag ismid nitong katabi ko dahil sa pag dating ni Danilo at biglang pamumula naman ni Helen na animo'y nahihiya pero halata namang kinikilig at makapal ang mukha.

"Kapal ng mukha, inagaw niya lang naman 'yan sa akin!" Gigil na sabi niya at kulang na lang ay tirisin na parang kuto ang dating kaibigan.

Magkaibigan sila ni Helen, kaso itong si Danilo tinuhog ang dalawa sa iisang stick.

Actually magkakaibigan kaming tatlo. Trio kumbaga. Pero sa aming tatlo si Helen ang matino, ganoon lang ako mag describe sa kaniya dahil nakakainis ang pagiging mabait at mahiyain niya. At ang mas nakakainis kasi ikinukumpara kaming dalawa ni Belen sa kaniya na natural lang ang ganda.

Well, maganda naman talaga ako kahit walang make up. Pero mas natatabunan ng make up ang tunay na emosyon ng mukha mo.

Ang pangit naman ng taste ng lalaking ito, sa mahiyain pa nagkagusto at nanligaw. Hindi ba halatang inosente si Helen? At hindi din ba niya alam na hindi sila bagay?

For fvck sake he is Danilo Caller Bilarmino Serra! At kilala bilang playboy at fvckboy dito sa loob ng campus at mapasa labas.

At hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa utak ni Helen para magpaligaw sa Danilo na iyon at mukha pang sila na.

Napa de quatro ako at bahagyang tumabingi ang ulo habang pinapanood ko sila.


Lalo na ang ngiti ni Helen. Napakalaki nun at sa sobrang laki 'yong pakiramdam niya siya na ang pinaka suwerteng babae sa mundo.


You know nothing, dahil wala kang alam at wala kang dapat malaman at para hindi ka mahirapan wag mo ng alamin.

"Tingnan mo gurl napaka landi talaga niya," matabang na sinabi ni Belen na gigil na gigil sa tabi ko.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Hearts (Rush Beast Series #6) Where stories live. Discover now