PROLOGUE

9 2 1
                                    

"Miss, wala kang kasama? Gusto mo hatid ka namin?"


Napa-atras ako nang biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa harapan ko. 'Di ko pansin ang pag-dating nila.


"Nah, I'm fine naman po. Thanks," kalmado kong pagtanggi kahit sa totoo kabado na ang dibdib ko.


Gabi na, mahangin, walang katao-tao sa paligid, pundi pa ang ilaw, malayo sa kabahayan. Kung kailan problemado pa 'yung tao saka naman may ganito? 'Di ba puwedeng bukas na lang to? Yung walang ibang iisipin kundi eto lang, 'di gumagana ang utak ko sa gantong sitwasyon. Shet!


"Nagmamagandang loob lang kami, Miss." Sabi nung isang lalaki, kahit madilim naaninag ko pa rin ang mga muka nila. Takaw pansin kasi ang kulay nilang mabuti.


Panay pa rin ang aking atras habang hinalukay ang cellphone sa bulsa ng palda ng uniform ko. Shet! kung kailan need ko eto saka naman na lowbat!? Puro malas! Halos nabanggut ko ana ang lahat ng mura sa isip ko ngunit di pa rin gumana. Ano gagawin ko?


"Wala kang makikitang ibang tao rito, Miss kundi tayo lang tatlo," ani ng isa nung napansin niyang panay tingin ko sa gilid ng daanan. "Bango niya, pre."


Muntik na akong mawalan ng balanse ng marinig yon galing sa kanila. Ako, mabango? Ako? Inamoy ko ang aking uniform pero normal lang naman ang amoy ko, normal na pabango. Anong klaseng tao ba sila!?


Kagat labi akong napahawak sa backpack ko, "sino ba kayo, Mr?" kabado ngunit 'di ko iyon pinapahalata. "I don't need your help naman po, saka kaya ko naman umuwi mag-isa."


Imbes sagutin ako, ngumisi sila at sa isang iglap nahawakan nang isang lalaki ang magkabila kong balikat. 'Di agad ako nakapag-react dahil gulantang at pagkalito ko kung paano yon nangyari? Tao ba sila? O ano, hayop?


"Ang bango mo talaga, miss," bulong nung humawak sakin na ikina-taas ng balahibo ko. "Tikman ko kaya dugo mo," dagdag niya, tumawa kaya pumiglas ako.


"Bitiwan mo 'ko!" ginalaw ko ang magkabila kong balikat ngunit parang wala lang to sa kanya, wala lang yong lakas ko. "Maawa kayo, gusto ko na umuwi!"


"Sa palagay mo makakauwi ka pa sa inyo?" halakhak nung isa, dinig na dinig ko ang bawat paglapit niya. "Siguro nga makakauwi ka sa inyo pero wala ng buhay, gusto mo yon?"


Pagkakasabi nya 'don, nawalan ako ng lakas para magpumiglas. "Please, gusto ko pa mabuhay..." tunog pagmamakaawa na ako.


Gusto ko pa mabuhay kahit ganito ang buhay na meron ako ngayon. Gusto ko pa mabuhay kahit hirap na hirap na. Dami ko pang pangarap sa buhay. Kung gusto ko man mamatay di sa ganitong paraan.

Dahil sa wala na ako sa sarili kakaisip kung paano ako makaalis ay namalayan ko na lang na nasakal na ako nung lalaking nasa harapan ko habang hawak-hawak pa rin ako nung isa. Panay ubo ko at napaiyak na, 'di ko na magawang huminga sa higpit nang pagkakahawak niya sa leeg ko.


"Uhmm, bango..." napapikit, nandidiri nung unti unti niyang binaba ang ulo niya papunta sa aking leeg, panay naman tawa nung nasa likod. "Anong klaseng dugo ba ang meron ka?"


Pilit kong ibaling sa kabila ang muka ko para 'di tuluyang dumampi ang labi niya sa leeg ko. Help... Hindi ko alam pero yan ang unang lumabas sa isip ko ang paghingi ng tulong even though walang nakakarinig. Ayoko pa mamatay.

Tuluyan nang nawalan ako ng pag-asa nung naramdaman kong may kung anong matulis na bagay ang dumampi sa bandang leeg ko. Pangil? Anong, pa'no nangyari-


"Who told you na hawakan mo ang babaeng yan?"


I was startled to hear that deep and authoritative voice. Napahawak ako sa leeg nang nawala ang kamay na humawak doon, maski both arms ko free na rin. Dahan-dahan akong nagmulat at doon ko nakita ang nakahandusay na lalaking duguan at wala ng malay. Butas ang kaliwang bahagi ng dibdib.


Imbes na magpasalamat, nangilabot ako sa nakita. Napatakip ako sa bibig at dahan-dahang umatras, napaluha. Ano ba 'tong nangyayari sa akin ngayong araw?


"Who are you?" simpleng tanong pero ang lakas ng hatak sakin na para bang kung hindi ko eto sasagutin manganganib buhay ko. "I am asking you."


Nanginginig ang boses, napaluha na sumagot. "Ah-ako-"


"Face me."


Bago ko nasunod ang gusto niya, bigla akong nanghina at sa anomang segundo matutumba na. Maski paningin ko medyo blurred na, mabagal na rin ang bawat paghinga ko.


Mamatay na ba ako? Ganito na lang? Pathetic na buhay.


Napatawa ako ng mahina nang matanong yon sa sarili. Ngunit bago man ako tuluyang natumba, nawalan ng ulirat ay may brasong sumalo sakin. Pilit kong binuksan ang mga mata ko, kahit malabo na eto kita ko pa rin ang kanyang itsura.


Hindi siya tao, hindi normal na tao.



"Gab! Fuck, sino yan?"


Mahina kong dinig, boses ng lalaki na bagong dating ata.


"I don't even know, I just fuckin' found myself here," sagot nang katabi ko.


"Erase mo memory niya, bilis!"


"But she's unconscious, dude!"


"Eat her then," pang uutos nung isa. Eat? kakainin nila ako? "Her blood is strong, Gab, we need her blood."


Bigla akong kinabahan ng humigpit ang hawak niya sa braso ko, bumaba ang tingin niya sakin at doon ko naaninag ang kabuuhan ng muka niya. The word perfect is not enough to describe his face. Ngunit ang pinagtataka ko, bakit naging kulay red ang mga mata niya?!


Talagang kakainin niya ako? Papatayin niya ako?


"Please, don't..." halos bulong kong sabi, 'di ko batid kung naririnig niya iyon sa sobrang hina, "ayoko pang mamatay."


Ngunit hindi iyon tumalab nang gigil niyang binaba ang muka patungo sa leeg ko. Wala siyang pinagkaiba sa unang dalawang lalaki na nagtangkang pumatay sa akin.


Niligtas niya ako para siya ang papatay sa akin? Niligtas ba talaga ang tawag do'n? Pero ba't di ako natakot? Dahil ba gwapo siya kaya ayos lang na siya papatay sa'kin? Are you out of your mind, self?!


"Fuck, I can't..." habol hininga niyang sabi. Ilang segundo akong napahinto nang dumampi sa balat ko ang kanyang hininga. "Sino ka ba? What did you fucking do to me?" tanong niya na ikinataka ko. "I want to suck your fucking blood until you lose your breath but fuck, there's something about you that I can't do."


"Bago eto, dude! 'Di ikaw yan," sabat naman nung isa ng makita sigurong di ako kayang patayin ng kasamahan niya. "If you don't want her then give it to me, I'll finish her. She already knows a lot about us."


"Shut the fuck up, Josh!" nararamdaman kong umiba na ang awra ng lalaking Gab ang pangalan. "Don't touch her nor look at her."


Sasabat na sana ako sa usapan nila nang naramdaman ko na may maginaw na bagay ang dumampi sa leeg ko. Labi niya.


"Sleep, lovey..." he whispered, "you're safe now."


Boses niya ang huli kong narinig bago tuluyang dinalaw ng antok ang mga mata ko.






New beginning , new journey sa pagsusulat ko hihi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crimson BloodWhere stories live. Discover now