Chapter 02

8 1 0
                                    

TAPOS na ang meeting namin at kakaunti lang talaga ang umattend.Sabay-sabay na kaming magkakaibigan na umalis kasama ang kaklase naming tumatayong ate ng section namin.

Nadaanan namin ang bahay ni Athena naikwento pa ng kaklase naming iyon ang tungkol sa film project na ginawa din namin doon nina Sloane at kung paano kami napagalitan dahil late na kami nakapagpasa.Natawa nalang kami sa memories na'yon.

Natauhan nalang ako nang sagiin ako ni Desi."Kailan nyo ba talaga balak mag-ayos?Teh,ayan na sya ohh.Nasa harap mo na.Bakit hindi mo pa kausapin?"tanong niya sakin habang ang mata ay na kay Sloane katabi si Athena na nakaupo malayo-layo sa'min.

"Teh,ilang taon na 'yung nakalipas.Antagal-tagal na nung nangyari 'yon hindi pa'rin ba kayo makakamoveon?This is the right time para kausapin mo uli sya."sabat ni Sam sa usapan.Hindi ako nakasagot at napabikit-balikat nalang.

"Asa kayong papakinggan nya 'ko"sarkastikong sagot ko.

"Jusme!Lori naman!Hindi na kayo mga bata!"pabulong na boses ni Samara pero dinig ko ang panggigil nya."Ayusin nyo na yan,wag mong hahayaang lilipas na naman ang mahabang panahon and tapos ano?!Manghihinayang ka na naman hindi mo nasabi at kesyo hindi mo naamin!"dagdag nya at pagkasabi nya nito tyaka sya nag-walkout.

DUMATING na ang araw ng reunion namin,sa tingin ko kaya maraming umattend ay dahil siguro nalaman na aattend kami ni Desi.Mabuti nalang school namin ang naging venue dahil nga malaki na itong school namin.

Kinalabit ako ng kadadating lang na si Athena.At nakuha ng atensyon ko ang umiinit na tensyon sa pagitan ni Desiree at ng dati naming kaklase na si Gaten.Nasa harap lang naman namin sila kaya umawat rin kami.

"Ambilis naman ng pangyayari, parang nung bago ako mag-cr,ayos pa ah.Nagvlo-vlog lang si Desiree kanina?Bakit naman nag-away?!"nagtatakang sabi ni Athena na napakamot sa ulo.

"Simpleng lang naman,I only ask for two words and I want to see it from you.Do it."sarkastikong sabi ni Gaten.Iyan ang naabutan kong pinaguusapan nila.

"Gawin ang alin?"pabulong na tanong ko kina Athena at Samara.Sinaway naman nila ako.Wala naman akong narinig mula kay Sloane, tanging pag-awat kay Desi ang ginawa.

"Ayaw tumigil nito ahh!"bulong ni Desi kay Sloane na may halong pang-gigil.

"Pwes!Dalawang salita lang din ang masasabi ko.Manigas ka!"pang-aasar niya naman kaya mas lalong nag-init ang ulo ni Gaten.Ihahampas pa sana ni Desiree ang phone stand nya pero kinuha ito ni Sloane at pinigilan sya.

Napabuga nalang kami ng hangin pare-pareho dahil kung kelan sa pagkakataon na nagkikita kami uli tyaka pa sila nagtatalo-talo.Maya-maya pa nang nawala na ang gulo ay bumalik naman uli kami sa tawanan at kwentuhan lalo na kaming magkakaibigan.At sa mga oras na 'yon ay di ko maiwasan na pagmasdan si Sloane.

AFTER a week when the reunion ended, I decided to go home because of many things I left behind in States. My friends, especially Sloane, drove me to airport. But before that, I wrote her a letter. I put it in the backpack that she will wear while she's busy. I know that when she sees it, she'll think it's just a piece of paper, so it's unlikely she'll throw it away.As what says in the famous line 'Bahala na si Batman'.

"Kanina kapa jan search nang search sa facebook?Sino ba yang hinahanap mo?"dinig kong sabi ni Desiree at nagulat ako dahil bigla silang sumulpot.Break time na'rin namin kaya siguro sila nag-papaikot-ikot na sa classroom.

"Sus,baka iniistalk nyan yung crush nya HAHAHA!"pabirong sabi ni Samara habang nakaakbay kay Sloane.

Saglit ko silang nilingon at pinanliitan ng mata bago ko uli binalik ang atensyon ko sa pag-tatype sa search bar."Hindi 'noh!Papa ko hinahanap ko."

Open Up Your Heart (City Of Hearts#1)Where stories live. Discover now