Chapter 1

10 0 0
                                    

"hoy babaita!" sigaw ni Annie sa kabilang linya "sinasabi ko sayo, anong oras na, Jusko kang babae ka" tila may pagbabanta sa boses nya. "p'wede bang chill ka muna ghurl?" istress na sagot ko. "haynako! Pag Ikaw talaga pinatayo magdamag bahala ka!" inis na habol nya Bago putulin ang tawag.

Hayst! Anong oras na kase ako nagising, di pa ako ginising ni mama.

Hay nalang ang Buhay!!

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ng HUMMS student. Nasa hallway na ako ng building ng biglang "Ay! Naku po sorry!" paghihingi ko ng paumanhin sa nakabangga kong baba- tignan mo nga naman ang malas.

"Hoy! 'di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo hah!" hiyaw nito na halos ika bingi ko na sa lakas. Joke

"Hindi ko nga sinasadya Diba?" Agad ko namang sagot. Oh Diba natahimik ang impakta. Todo iwas kase ako sa Marie na yan, oo si Marie'ng batutay.

Kala mo naman kung sinong maganda na nag yayabang. Sarap balian ng buto. Hayst!!

Papasok na sana ako ng room kaso naalala ko ang bilin ni Kenzo. Ano nga yun? Ah dalawang zest-O. Tama

Dali-dali akong pumunta ng canteen para bumili, sakto rin at kakabukas lang nila manang ng canteen.

Bumalik na ako sa room dala ang dalawang zest-O ni Kenzo. Dirediretso lang akong pumasok papunta sa upuan ng utuserong lalake.

"Oh drinks mo!" hingal na hingal kong wika. "Tumakbo ka ba at hingal na hingal ka?" nagtatakang tanong nito. 'di ba obvious? "Ah-eh oo nakakainis ka kase, bakit saakin kapa nagpabili" irita kong sabi.

"Sayo itong isa!" Sabi nya sa malamig na boses. Hala!! May meaning ba to? Ay Wala? Assuming kase ako!

"Sige salamat!" tanging lumabas sa bibig ko.

Bumalik na ako sa upuan ko sa tabi ni Annie. Oo katabi ko ang pisteng best friend ko. Hindi pa man ako nakakaupo ay hinila na nya ako ka agad "Shet mare! Narinig mo ba Yung news na may lilipat Dito sa room natin galing kabilang section?" Huh? may lilipat? babae ba? "E-ewan saan mo na naman nakuha ang news na yan?"

Napahaba ata ang k'wentuhan namin, Buti 'di napapagod kaka daldal "tapos yun nga nga_" Hindi pa matatapos si Annie Ang sasabihin ay dumating na si sir Doni "Goodmorning class, especially to my new student, iho what's your name?" Sunos-sunod na Saad nito.

" Lionell Khiro Lyons Sanchez po" sagot nito kay sir Doni sa malamig na boses. Ano ba yan ang boboring ng mga lalake Dito sa room puro malalamig mag salita, galing ba Silang ref? Eme!

Nang matapos ang sub namin Kay sir Doni ay dumiretso kami ka agad ni Annie sa canteen. Daming tao!!!

Pagkatapos namin bumili ng pagkain ay umalis narin kami roon, napahaba naman kase ng pila at nagsisiksikan pa. Parang mga bata lang hah!

"Sa room nalang kaya tayo Kumain?" Aya ko sakanila nang mapansing umiikot ang mata ni Gelay at ni Annie.

Mukang naghahanap ng ma pupwestuhan. "Ih! Ayoko 'dun ang init kaya!" Ay ang oa! Mas mainit pa nga rito kase ang init ng sikat ng araw. Sarap sapakin!

"Dun tayo sakto umalis na ang mga naka'upo" Turo ni Gelay sa Lamesa na napwestuhan ng mag jowa.

"Guys sa room nalang tayo plss! Ang init init Jan" panrereklamo ko

Do I Really Need to Let You Go?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें