Chapter 2 - Momentum

2 1 0
                                    

Kaboring naman nitong si madam, antagal ng oras ugh! Kaantok, want ko tuloy matulog... Ampotchi! Mga tulog na ibang kaklase ko, pati tong si Seriña.

Hays... mag sketch nalang ako ng mga damit dito. Pangarap ko talagang maging fashion designer since marunong akong mag drawing, pero may nag-uudlot kasi sakin na mag writer ako, since magaling din akong gumawa ng mga stories, in short story maker talaga ako eme...

*Time Skip*

Buti naman last subject na, kaantok talaga si madam mag turo, atsaka first day palang ha? turo agad? Tapos may assignment agad sakanya grrr! Naiihi tuloy ako.

"Ma'am may I go out?" Elio

Pumayag naman ito kaya dali-dali akong lumabas ng pinto, pero bago pa man ako makalabas ng pinto ay nadulas ako, buti nalang at sinalo ako ni Alexander. Hala... Parang k-drama lang ha, bigla kaming nag slow-mo ron.

Buti na lamang ay nasalo niya agad ako, nakahawak ngayon ang kanyang kanang kamay sa aking bewang, habang ang dalawang kamay ko naman ay naka hawak naman sa dibdib niya.

Bigla naman nagsitilian 'tong mga kamote, shit! Mashiship kami nito. Okay lang, gusto ko naman eh ehe! Eme lang.

"Tahimik! Oh kayong dalawa diyan, tapos na ba ang mala k-drama niyo? Atsaka, akala ko ba magbabanyo ka?" Pambabasag ng aming teacher sa momentum namin ni Alex.

Ano ba itong si mam basag kilig naman, dinadamdam ko pa nga eh! Hmph!

"A-ah sorry po." Tumayo na ako ng tuwid at bago ako maka-alis ay binulungan ako ni Alex.

"Be careful next time." Gosh! Yung boses! Ang pogi!!! So deep like arghhhhhhhh! Lord, ibigay niyo na siya sa'kin! Like nag-iisa lang ba talaga si Alexander Reyes sa mundo? Wala na ba siyang kambal? Hehehe eme! Eto na nga! Magc-cr na!

After magcr...

Okay, andito na ako ngayon ulit sa classroom, inaalala pa rin yung nangyari kanina. Shemay talaga! Parang akong baliw dito na nakangiti ngayon, aminin mo~ Dalawa na tayong nakangiti rito ngayon bwehehehe...

*Time Skip*

Okay, so far so good naman ang first day ko ngayon kahit may sumirang asungot kanina.

Buti naman at uwian na, kaya nung asa labas na ako ng classroom namin at bakas sa mga mukha ng mga kaibigan ko ang mapang-asar na ekspresyon. Ito na naman tayo...

"Kinilig betlog nito ni bakla." Pagsisimula ni Seriña.

"Gago!" Elio

"Ikaw ha~ sabi mo sa'min hindi mo na gusto, eh ano yung mukha mo kanina?" Ally

"Oo nga, namumula ka pa kanina." Xia

"Oh scratch it guys! Just forget about it, it's so nakaka-"

"Nakakakilig? We already know that." Katherine

"Tama nanga kakaasar sakin, uuwi na ako." Naaasar na tono ni Elio.

Nauna na akong maglakad pababa at lumabas ng school and after that I bid my goodbye to my friends and lumiko na dahil malapit lang naman ang bahay ko sa school.

Pagkaliko ko agad kong nakita si Alex, grabe kahit likod ang gwapo! Agad kong binilisan ang paglalakad ko at tinapik siya sa likod.

"Oh, Hi." Tipid nitong sabi.

"Hi Alex! Sabay na tayo."

Habang naglalakad kami, nakaramdam ako ng awkwardness between us, haha... grabe ang awkward pala nito, ano pwedeng itopic?

Ay! Alam ko na, since may agenda ako this weekend, yayayain ko siya para naman may thrill ang aming pag-iibigan eme!

"Ah... Alex." Elio

"Hmm?" Alex

"Are you free this weekend? May gala kasi ako sa Saturday, and wala akong kasama kaya niyayaya kita." Please, sana pumayag ka.

"I'm always free naman kapag sa'yo." Ha? Ano raw? Bingi na ba ako? Tama ba yung pagkakarinig ko? Lagi siyang free pagdating sakin? Omg! Eto na ba yung era na kung saan yung straight nafafall na sa bakla? Eme! Kaka-au ko ito eh!

"Ganun ba? Haha... sige gala tayo." Ito na siguro.start ng love story namin, eme lang!

Pagkatapos nang pag-uusap namin ay lumiko na siya at ako'y dumiretso na pauwi.

Hays... Wala na, masaya na naman ako, baka sa sobrang saya ko bigla akong mamamatay dahil sa saya at kilig, eme! Hay na'ko wala naman kaming ginawa pero napagod agad ako, nakagawa na nga na dapat gawin para tuloy nalang mamaya.

*Next Day*
4:30 A.M

Grabe ang aga ko magising ngayon ha, ganito ba kapag may inspiration pumasok dahil may crush? Bwehehehe...

Oh gosh! I forgot to tell you guys na pang-umaga ang pasok namin pero minsan may schedule kami na whole day.

Anyway, mag ready na nga ako. Papasok ako nang nakangiti, papasok na mabango at papasok ng maganda!!!

Nang matapos ako ay lumabas na ako, nang madaanan ko ang street nina Alex ay nakita ko siya na papalabas sa bahay nila, kaya tumayo lang ako ron at hinintay siya.

"Hi Alex! Good morning!" Elio

"Morning Eli." Alex

Grabe! Araw araw pogi, never ata 'tong naging panget since birth eh.

And again, the awkward atmosphere comes, wala na namang topic.

Pero okay lang, atleast kasama ko siya ngayon, at okay na sa'kin iyon kahit walang nagsasalita samin. I like this peaceful morning with him and the cold breeze air na nararamdaman ko ngayon.

Habang naglalakad kami, may biglang mabilis na motor ang dumaan samin at muntik pa akong masagasaan, buti nalang at nahatak agad ako ni Alex.

"Hey! Hindi mo ba kami nakita?! Muntik mo na kaming mabunggo oh!" Galit na sabi ni Alex.

Nang binaba ng lalaki ang helmet niya, nagulat kami.

"TRISTAN?!" Sabay namang sabi.

"Tsk, sweet niyo naman."

To be Continued...

Maybe, Not Today?Where stories live. Discover now