54

75 5 0
                                    

Jared Sevilla
11:00 PM

Peter:
Pre

Jared:
Ano?

Peter:
Bday ni Jewel bukas

Jared:
Alam ko kapatid ko yon

May pustahan uli kami, ipanalo mo ko

Peter:
Ano ba pusta mo?

Jared:
Na aamin ka

Peter:
Hahatdog

Jared:
Nangyan talo na naman ata

Peter:
Ayoko sirain ang birthday tsaka kung hindi yan mutual edi parang
iiwas lang sya sakin sa sarili nyang birthday

Jared:
Hindi mutual??? May mata ka ba

Peter:
Malamang

Jared:
What if mutual kayo sige nga

Peter:
Edi ayos

Jared:
Do you think mutual kayo?

Peter:
Ewan ko

Siguro oo, siguro hindi

Jared:
Tama nga si Oliver, manhid ka nga

Peter:
Wala lang sa sistema ko umasa

Jared:
Nakikita naman yon!

Peter:
Tingin mo may gusto sakin si Jewel?

Jared:
I'm not one to talk

Peter:
Tsaka ewan ang tanda na non

Jared:
Tanda?

Peter:
Nag matured na nang sobra

Sa madaming aspeto

Parang ang hirap din simulan na naman lalo na't ang dami na nyang gustong gawin

Jared:
Tanga kala mo magulang
kung magsalita

Alam mo kung palaging yang utak mo inuuna mo, wala kang mapapala

Kesyo nagiintay ng tamang timing o nagiintay na parehas kayo ready

Eh kelan? Mamamatay na kayong dalawa, di ka pa rin umaamin dyan

Peter:
Hindi naman halata na boto
ka sakin para kay Jewel

Jared:
Lalayo pa ba ako e ilang taon ka
na nagtitiis dyan kay Jewel

Peter:
Kakabaliw amp

Jared:
Bahala ka

Peter:
Magpapaalam lang sana ako na
ilabas sya mamayang 4 am

Hapon pa party nya diba?

Dadalhin ko sa dagat

Jared:
Ginaw ng ligo niyo

Peter:
Maghihintay lang ng sunrise

Mga 7 pa liligo

Jared:
Ge inform ko sila Mommy

Peter:
Nagsabi ako kay Tito nung nakaraan, paalala mo nalang din

Jared:
Ayt got it

Peter:
Salamat

Estranghero (Epistolary)Where stories live. Discover now