CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw crush ko pa rin siya. Hindi na lang crush I fell for him, ready to risk everything if it means that I can finally confess my unsaid feelings.

"Ready na ba kayo for later?" Tanong ni Jas na nasa tabi ko sa left side.

"Yeah ready na for this camping," Si Elaine sa masigla niyang tinig.

Nasa school pa kami break time namin mga 30minutes lang. Kaya hindi na kami lumabas ng school at bumili na lang ng makakain sa canteen.

Ready na kaming lahat para mamaya sa Camping namin. Doon ko rin planong umamin sa crush ko na si Raze. Alam ko naman ano ang makukuha kong sagot galing sa kanya; sasabihin ko pa rin tong feelings ko na to para wala akong tinatago, sa friendship kasi naman dapat walang sikreto, walang tinatago kaya ayaw kong may tinatago ako na ganto kasi friends naman ang turing namin sa isa't-isa nong umpisa pa lang lumagpas lang ako sa boundaries na yon na hindi naman dapat.

"Ok ka lang Mav?" Tanong ni Jas.

Tinanguan ko lang siya. Ewan ko ba wala talaga akong gana ngayong araw, pero baka mamaya mawala rin tong pagka bored ko at sumigla ang pakiramdam ko kapag nag camping na kami.

"Sino magluluto?" Tanong ni Jas.

"Si Raze, magaling yan magluto," Sagot ni Elaine.

Andito na kami sa camping site namin. Naka ayos na ang tent at ang iba pang kagamitan na gagamitin namin.

"Hey!" Pagtawag sa'kin ni Raze. Papalapit siya kung saan ako naka upo.

"You okay?" Tanong niya.

"Ayos lang naman, may iniisip lang," sagot ko sa kanya.

Binaling ko ang aking mga mata sa paligid naka tingin pala samin sina, Elaine, Jas at si Kuya Dave.

"Ikaw okay ka lang?" Tanong ko kay Raze.

"Okay lang, may iniisip lang din," Sabi niya. Narinig yon ni Jas kaya naman.

"Tama na ang kakaisip na yan lika na at mag enjoyyy!" Turing niya sa kanyang excited na tinig. Kaya natawa na lang kami.

Nag enjoy na kami dito sa bonding namin. Si Kuya Dave at Elaine nagluluto ng noodles tapos si Raze at Jas naman nag iihaw habang Ako taga tikim ng niluluto nila. 

“Tama na Yan oyy,” Saad ni Jas Kasi kanina pa’ko kain nang kain. 

“Sarap Kasi eh, diko mapigilan,” Sabi ko naman habang may ngiti sa labi.

“Yong nagluto masarao din ba?” Tanong niya sa’kin ng nakangisi. 

“Oo, masarap.” Sabi ko naman. Wala talagang filter bibig nito eh. 

“Yiee,” masarap ka daw ohh.

Nagtawanan lang kami. Hindi pa ngako umaamin hiyang-hiya na’ko. 

“Kain na guys,” Tawag ni Elaine sa’min

Nagtungo na kami doon sa table na prinepare namin kanina. Nandon lahat ng mga pagkain na niluto nila. 

Magkakatabi si Jas, Elaine at Dave sa right side habang kami naman ni Raze magkatabi sa left side ng table. 

“Pray kana Mav,” si Jas 

“Thank you lord for all the blessing you have given us and will continue to do so, and thank you lord you guide us to safely arrive here. Amen.”

“Amen.”

Kumain na kami habang may mga side talk kami na puro chika minute. Marami ka malalaman sa mga toh. 

“Aamin ka daw?” Si Elaine. 

“Oo sana ngayon, pero kinakabahan Ako,” sagot ko naman sa kanya. 

“E go mo na yan, kapag reject move on kapag walang sagot move on din. Wag kang aasa,” Saad ni Elaine. 

Umalis rin agad siya para pumunta don sa may bonfire namin, nandon si Dave, at Jas wala ron si Raze kaya hinanap ko siya. 

Kung saan-saan na’ko nagtungo Hindi ko pa rin siya makita Hanggang sa may nasilayan akong anino. 

Nakita ko na rin siya. Nakaupo siya don sa natumbang puno habang ang kanyang mga mata’y nakatingin sa kalangitan. 

Dito na’ko aamin bahala na anong kalabasan nitong confession ko sa kanya. I’m going to risk it all makaamin lang ako. 

LOVE FLOWS BETWEEN USWhere stories live. Discover now