PROLOGUE

26 0 0
                                    

"Why are you crying?" Someone asked me. As I continued crying and wishing to God that he'll remove all the pain and struggles that I am having and experiencing right now.

"I maybe a stranger to you but, I will not judge you." That's when I opened my swollen eyes then looked at her. At first, I thought she's just an imaginary person.

"A-are you real?" I asked her, still blinking my eyes.

She just looked at me for a seconds then she started laughing while pointing her finger at me. Huh?

Kusang kumunot ang noo ko habang nag tatakang naka tingin lamang sakaniya dahil patuloy pa rin ito sa pag tawa sa akin.

"S-sorry, it's just that—" Hindi niya na ulit natuloy ang sasabihin dahil halos umupo na ito sa damuhan habang tumatawa pa rin.

"Girl, you are crazy." Naka ngiwing wika ko rito saka dali-daling iniwan siya doon sa damuhan. Bahala siya doon, maganda sana kaso baliw.

"Hey, I'm real. Do i look like a ghost to you?" Medyo lumakas ang boses nito dahil naka layo na ako sakan'ya. "Or I'm just too pretty—" Humarap ako ulit sakaniya.

"Yes, you are pretty." I said then looked at her eyes then to her body.

Biglang na mula ang pisnge nito dahil nakita niya ata kung paano ko tignan ang mata nito pababa sakaniyang katawan. What? I'm just admiring her beauty.

"Pervert!" She said then walk out. Sa kabilang daan siya dumaan kaya nag tatakang tinignan ko na lamang siya. Madilim na kasi sa bandang doon.

"May multo diyan, Miss!" I shouted. Ngunit hindi man lang ito lumingon at nag tuloy-tuloy lamang, hanggang sa hindi ko na ito na kita.

Hindi malamig kanina ngunit biglang humangin nang malakas at biglang nag sitayuan ang aking buhok sa batok.

Noong tignan ko ulit ang pinag larakan nito ay bigla akong kinilabutan kaya dali-dali na lang akong tumakbo at umalis doon. Ngunit bumalik lamang ako ulit dahil naiwan ko pala ang cellphone ko sa damuhan.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Gusto ko mang gumalaw ay hindi magawa. Gusto ko lang naman mag drama lord, bakit naman ganito?

"A-ah, oo.." Pilit ang ngiti ko rito habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin, gusto kong tumakbo pero para lang akong statue dito!

"Here, take it." Naka ngiti ito kaya't kinuha ko agad ang cellphone sakaniya at binulsa.

"Salamat, mauna na ako." Pilit kong pinatatag ang boses at inihakbang ang paa. Nakaka apat pa lamang akong hakbang ay naramdaman ko na agad ang malamig nitong kamay sa aking balikat.

AHHHH, LORD!!!

"Oh, bakit nanginginig ka?" Tumawa ulit ito, ngunit hindi na gaya kanina noong nakita niya akong umiiyak. Medyo malamig ang tawa niya at halos atakihin na ako noong pilit niya akong iharap sa kaniya. "Natatakot ka ba?"

"H-ha? Hindi, ah!" Tumawa ako, kabadong tawa. "T-totoo ka naman kaya bakit ako matatakot s-sayo?"

"You are real, right?" Tanong ko ulit, naka hinga na ng malalim noong kusa niyang alisin ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"No."

Bigla akong napa atras, ilang atras hanggang sa sumusunod na rin siya sa pag hakbang ko. "Wag ka namang mag joke diyan, M-miss..."

Ngunit ngumiti lamang ito sa akin, maganda sana kung hindi lang siya nakakatakot ngumiti!

Malapit na sana ulit siya sa akin ngunit tumakbo na ako agad, walang lingon-lingon. Takte, maiihi ako rito sa takot e!

Ngunit bago pa ako makalayo ay may huli pa siyang sinabi na mas lalo kong kinakilabot.



"Even if I'm NOT REAL,"







I am sure that what I'm feeling for you right now is REAL, Rizza..."



Mas lalong bumilis ang takbo ko at hindi na ito muling narinig na mag salita. Napa hinto na lamang ako sa pag takbo noong marami na akong nakikitang tao sa paligid.

Biglang tumunog ang aking telepono kaya kinuha ko ito sa aking bulsa.

Unkown number? Kunot noo kong tinignan muna ito bago sinagot. Hindi ako nag salita at hinayaan lamang ito hanggang sa may nag salita...

"Even if I'm real or not, you are mine. Rizza..." WHAT THE FUDGE?

Bigla kong napatay ang tawag, paano niya nalaman ang number ko? She's crazy and creepy!

Hindi pa ako nakaka bawi sa gulat ay may nag text na naman sa akin, ayoko sanang buksan ay hindi ko na napigilan ang sarili.

From: Unknown number

Go home Rizza, it's already dark.. Or you want me to sent you home, baby?

Pagka basa ko pa lamang ay dali-dali na akong pumara ng sasakyan. Hanggang sa makauwi ay hindi ako mapakali. Nag bihis lamang ako at nag kumot.

"Sino ka bang baliw ka? Pati ako nadadamay sa kabaliwan mo. Pag ako hindi naka tulog, iiyak talaga ako dito."

Paano niya nalaman ang pangalan at number ko? Nanginginig na wika ko habang naka titig sa message nito kanina sa akin.

Real or Not Where stories live. Discover now