CHAPTER 7: Sorry

2.1K 124 18
                                    

"Wow, may brace na si Lynpen?" Namamanghang bulong ng katabi kong si Tamg.

Nandito kami ngayon sa bakanteng classroom dahil may announcement daw na gagawin ang mga officers. Lahat ng grade 7 students, nandidito ngayon.

"Diba? Nakita niyo? Kita niyo ba?" Kinalabit ni Tamg sila Gail at Linken na nasa likuran at gilid lang namin.

"Oo, color purple." Tumango si Linken. "Bagay sa kaniya. Malamang lalo siyang gaganda kapag maayos na yung ngipin niya."

"Actually, I like her teeth. It's so unique."

"Edi ikaw, ipasira mo ngipin mo."

Bumusangot ako habang pinapanood itong magsalita sa harapan. Actually, pareho kami ni Gail. Nagagandahan din ako sa ngipin ni Lynpen kahit na hindi ito pantay. Bagay sa kaniya e, lalo na kapag tumatawa siya.

Kasalukuyan kaming nakaupo lahat sa sahig, mga nakalinya by section bawat estudyante. Pero si Gail at Van katabi namin, pare-pareho kasi kaming na-late ngayon. At masyado nang masikip at maraming tao para sumingit at magpunta pa sa section namin.

I was just listening to what the officers were saying when suddenly Lynpen rolled her eyes at me.

My lips parted.

"Hindi parin ba kayo bati, Sabrina?" Bulong ni Linken. Mukhang nakita niya ang ginawa nito.

"Hindi. Hindi niya nga ako kinakausap." I rolled my eyes.

"Nag sorry ka na ba?"

"Bakit ba ako? Wala naman akong ginawang kasalanan ah?" Nagsimula nanaman akong gapangan ng inis.

"E si Lynpen na 'yan e, dapat talaga ikaw nag so-sorry."

"Anong connect?!"

"Ssshhh!" He slapped my shoulder when I shouted.

Nakakapikon kasi, hindi niya makuha ang punto ko. Ang sa'kin lang naman, bakit ako ang mag so-sorry e ako naman ang walang ginawang mali? Ano? Palagi ako nalang ang magpapakumbaba?

"Huwag ka sumigaw, baka mapagalitan tayo-"

"Yung mga maingay sa likod, paki busalan ang bibig. Hindi na nga nakikinig nang-iistorbo pa."

"Sorry, Lynpen!" Tinaas ni Linken ang kamay niya. Tapos ay binulungan ulit ako. "Sabi sa'yo, e."

Umirap ako at yumuko nalang. Nakakairita talaga! Sobrang pangit ng ugali niya! Gusto niya kami lagi ang iintindi. Akala ko ba mature siya? Bakit nagpapaka-immature siya ngayon?

"Ang ganda ng brace sa kaniya, lalo siyang nagmukhang IT girl." Si Tamg na patuloy sa pagfa-fangirl dito.

Hindi niya ba makita kung anong totoong kulay nito?

Naiirita ko itong tinapunan ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Totoo nga naman kasing maganda si Lynpen. Yung ugali lang ang hindi.

"That's all. I hope you comprehend exactly what this announcement is all about. You may now proceed to your class silently while still forming a straight line."

Tumayo na ang lahat. Isinukbit ko ang strap ng itim kong bag sa balikat at hinintay na dumaan ang pila ng section namin.

"Hi, Sabrina!" Nginitian ako ni Zamika pagdaan ng section nila.

Ngumiti ako rito at kinawayan siya. Buti pa 'to kahit na nasungitan ko, hindi nagtatampo. Nagchat lang ako sa kaniya at nanghingi ng sorry at ipinaliwanag ko na nawala lang talaga ako sa mood. Sabi niya naiintindihan niya raw, hindi ko raw kailangan manghingi ng sorry.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now