Chapter 3

304 12 0
                                    

Nakasandal siya sa upuan at nagpapahinga dahil galing lang siya sa Black Society kung saan ang mga masasamang scientists pinag-eksperimentuhan ang mga bagong silang na sanggol para gawing human weapon. Inubos niya lahat ng mga taong may kinalaman dito at na-rescue ang mga sanggol na nakaligtas sa experiment at inuwi sa totoong mga magulang.

Lumipas ang tatlong araw simula nung magkita sina Bella at Hades ay hindi na ito nagkita ulit. Nasa mamahaling club si Hades at ngayon ay nakatitig ito sa picture ng dalaga sa phone niya. He took a pictures of her secretly kaya palagi niya itong pinagmamasdan ang mukha ng dalaga kahit sa cellphone lang niya ito makita o sa monitor.

"Don't worry, baby. I'll take you to my palace and you will be my Queen whether you like it or not."

Nung malaman niya na inaabuso ang dalaga sa sarili niyang ina at kapatid kaya nagplano siyang kunin ang dalaga at dalhin sa lugar kung saang hindi na makakatakas sa kaniyang bisig. He drank his expensive liquor but his eyes stopped seeing the girl who captive his heart. His eyes darkened at what he saw. Nabasag ang basong hawak niya na may lamang yelo at alak pa na nasa kamay niya dahilan ng pagdudugo at nakaramdam ng lamig sa kanang kamay niya.

"WHAT THE  F*CKING H*LL SHE'S WEARING?!"



< 3 HOURS AGO >

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang makilala ni Bella ang binata na si Hades. Gabi-gabing hindi siya makatulog ng maayos dahil sa huling sinabi ng binata sa kaniya.

'You're mine, baby. You. Are. Mine. Once I knew that there's any guy who talk to you, touch you, and look at you. I will kill them by myself.'

"Ate Bella, tawag po kayo ni Miss Savannah. "

Natigil sa pagluluto si Bella nang marinig niya ang sinabi ng isang katulong na si Jennie, ang anak ng mayordoma. Tinakip ni Bella ang kaniyang niluto at ini-off ang stove at pumunta sa kwarto ng kaniyang ate.

"At– Ma'am Savannah, pinapatawag niyo raw po ako?" Tanong niya sa kaniyang nakakatandang kapatid. Ayaw kasi ni Savannah na tawagin siyang ate kaya ganito ang tawag nito sa kaniya.

"Tsk. Obviously. Wear this," Sabi ng kaniyang ate at itinapon sa kaniya ang damit na agad niyang sinalo. "We're going to my friend's party and you'll come with me." Sabi ng kaniyang ate habang nagme-make-up.

Nang marinig yun ni Bella ay excited siya na sa wakas nakakalabas na rin siya sa mansion at masisilayan niya kung gaano ito kaganda. Tinignan ni Bella ang damit at napakunot ang noo niya sa maikling damit na halos exposed na ito pati kaluluwa niya.

"At– Ma'am Savannah, masyado po itong maliit." Sabi ni Bella habang sinusuri ang damit.

Ang damit na binigay ni Savannah ay isang itim na croptop at black na skirt. Masyado itong maliit at exposed na exposed ang hita nito at balikat.

"Okay, you choose, wear that clothes and come with me or ikukulong kita sa madilim na basement sa loob ng limang araw. Walang tubig, walang pagkain."

Nabalot ng takot si Bella sa tinuran ng kaniyang ate kaya wala siyang magawa ay sundin ito. Takot si Bella sa madidilim na lugar. Hindi niya alam kung bakit. Ang naalala niya ay nagkaroon ng black out sa kwarto niya at dun na siya natakot sa madidilim na lugar. At mas lalong hindi niya kakayanin na walang makain sa loob ng limang araw dahil hindi pa siya kumain simula kahapon.

(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠✧⁠*⁠。


"Stay here, I need to find my friends." Sabi ni Savannah at iniwan siya sa gitna ng mga taong nagsasayaw na parang wala sa sarili. Aangal na sana siya ngunit nawala sa paningin niya ang kaniyang ate.

Nasa club sila ngayon kung saan nandoon si Hades ngunit hindi alam ng dalaga na nasa malapit pala ang binata na dapat niyang iwasan.

Ilang beses na siyang nagsabi sa kaniyang ate na ibahin na lang yung susuotin niya ngunit minumura naman siya nito at binabantaan.

Walang alam sa ganitong lugar si Bella at gusto na niyang umiyak sa takot. Nanibago siya dahil first time niyang lumbas at first time rin siyang nakapunta sa ganitong club. Hindi niya kilala ang mga taong nasa paligid niya at hindi niya alam kung nasa tamang katinuan ba sila. Dahil sa malalakas na tunog ng disco music kaya tinatakpan niya ang dalawang tainga niya dahil masyadong malakas sa pandinig niya.

"So, this her you were talking about?" Napalingon siya sa gilid at nakita niya ang kaniyang ate na may kasamang mga hindi niya kilalang tao. Siguro mga kaibigan niya ito.

"Yes, this is my personal maid, Bella." Nang marinig yun ni Bella ay natahimik siya. Nasaktan siya sa binitawang salita sa kaniyang nakakatandang kapatid.

"Hi, bella, I'm Gary."

"Hi, I'm Susan."

"I'm James. Can I dance with her, Sav?" The guy smirked and look at her with lust.

Hindi na sana papayag si Bella ngunit nag-yes ang ate niya kaya wala siyang magawa ay kundi pumayag sa gusto niya. Pumunta sila Bella at James sa gitna ng mga taong sumasayaw na wala na sa katinuan at nagsimula na silang magsayaw kahit hindi naman alam ng dalaga kung paano.

Sa kabilang banda naman ay nag-aapoy sa galit si Hades habang pinagmamasdan niya kung paano inilapit ng lalaki ang katawan niya sa katawan ni Bella habang nagsasayaw sa gitna.

P*tangina!!!

Gusto niyang gilitan ng leeg ang lalaking humawak sa pagmamay-ari niya at ilibing ng buhay sa ilalim ng lupang karagatan. May tatlo na siyang ilibing doon kaya isusunod niya ito.

Tumayo siya sa kaniyang kinatatayuan at lumapit sa gawi nila at walang sabi-sabing sinuntok ang lalaki dahilan ng pagtumba nito. Dinaganan niya ito at sinuntok ito ng paulit-paulit. Ang mga tao ay napasinghap sa kanilang nasaksihan at hindi nga sila nagkakamali ay ito si Hades Chaos Maximilian, ang mafia boss at isang sikat na businesseman. Naaawa sila sa lalaking binugbog ni Hades yung iba naman ay sinasabing deserve niya yan dahil mali ang binangga niya kaya nakatikim rin siya ng mga walang-awang suntok ni Hades.

Si Bella naman ay nagulat ng may biglang humila at sumuntok kay James at walang-awang binugbog ito. Gusto niya itong pigilan ngunit natatakot siya na baka matulad siya ni James na walang-awang binugbog.

Nang ma-satisfy na si Hades sa pambubogbog sa binata ay tumayo na siya at hinila si Bella at umalis sa club. Inutusan niya ang kaniyang tauhan na kunin si James.

"T-teka saan mo ko dadalhin?" Nahihintakutang tanong ni Bella kay Hades na hila-hila parin siya palabas ng club. Nataranta siya dahil hindi niya kasama ang ate niya.

"To our palace, my queen."


Chapter End


©2024MicanegaAllrightsreserved.







His Little Obsession Where stories live. Discover now