Chapter 4: We dare you...

369 20 20
                                    

Chapter 4: We dare you...

Pagkaalis ko dun sa mga nagkukumpulang estudyante, nag-cutting na 'ko.

Wala na kong pakielam kung magalit sa 'kin si Kuya Caius, pero ayoko na talagang pumasok. -__-

Akalain niyo yun? First day ko dito, tapos ang dami nang galit sa 'kin? Buhaaaaay~! >__<"

***

Pumunta ako dito sa condo ko. Buti kamo malapit lang dun sa Emp. itong condo'ng 'to.

 Pagkarating ko sa unit ko, dumeretso ako sa kwarto at dumapa.

"Hayyy buhay! Ang saklap mo talaga sa 'kin! ARRGGHHHH!" sigaw ko habang nakadapa.

*RING* *RING*

Ano ba yan!? Tawag na naman?! >__<

Aish. Kairita. >___<

Sinagot ko yung tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino ang caller.

"Hello?!"

'Sabi ko hwag ka nang magka-cutting di ba?!'

"Oh and so?"

'Cut ang allowance mo this whole week. *smirk* Good luck my dear sister.'

"Hala k--- *toot* *toot* *toot*"

"Ay anak ka ng punyemas! Shibal! John Kier Caius Vega, shibal! Arrgghhhh!"

Great! Just great! >__< Cut ang allowance ko. Potek talaga yang demoyo kong kapatid! Aish!

*RING* *RING*

"Oo na! Cut na ang allowance ko! Kaya kung pwede ba, tigilan mo na ko! Demonyo ka talaga!"

'Tsk. Wawa naman si demonyita. Cut ang allowance. Hahahahaha!'

"Eh?" tinignan ko yung caller... Tae'ng yan. -___- CRAZIES!!!

"Kelangan niyo?" iritadong tanong ko.

'Wala naman. Yayayain ka lang sana namin mag-mall. Kaya lang, wala kang pera eh. Wahahahaha! Kawawang bata!' potek. Nai-imagine ko na ang pagmumukha nitong mga 'to habang tinatawanan ako. =__=

"Saan ba?" bored kong tanong.

'Bakit? Sasama ka?'

"Sa tingin mo Chiara, magtatanong ba 'ko kung hindi ako sasama?" tanong ko habang naghahanap ng mga damit na susuotin ko.

'Aba malay ko ba!? Malay ko bang kaya mo lang tinatanong kung saang mall ay para pasabugin ang mall na pupuntahan namin.'

"Hmmm. Not a bad idea. So, saan nga?"

'Letcheng to! So may plano ka nga talagang pasabugin yung mall? Tsk. Hwag ka nang sumama!'

"Leche ka din Chikari. Ibigay mo na nga kay Aqua. Mga wala talaga kayong kwenta kausap."

'Tss. Oh Tubig! Hinahanap ka ni Ms. Demonyita!' hula ko, naka-simangot to habang binibigay kay Aqua yung cellphone. =___=

'Tsk. Akin na! --- Oh bakit Mycenae?'

"Saang mall kayo ngayon?"

'The usual. Alam mo na yon.' bored niyang sagot.

She's a Devil in Angel's Form [SOON!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon