CHAPTER 7

12 5 4
                                    


" May balak ka bang lunurin ang mga halaman moana? " Tanong ng kung sino sa aking likuran kaya mabilis kong nabitawan ang hose na dala ko at napatingin halaman na dinidiligan ko at nakitang nalulunod na ang halaman. Jusme athara!

Dali dali kong inayos ang halaman at dinampot ulit ang hose ngunit may umagaw sa kamay ko non. Napatingin ako kay Senyorito Dale at nginisihan ako habang pinagpatuloy pagdidilig.

Humakbang ako at akmang aagawin ko ang hose sa kanya ngunit itinaas niya yon at sumabog ang tubig pataas at nag mistulang ulan yon at napasinghap ako ng makitang basa na siya." S-senyorito nababasa po kayo.." Kabadong sabi ko at akmang aagawin ko yon ng lalo pa niyang itaas at pareho na kaming nabasa.

Ngumisi siya at saglit kaming nag katinginan, at napatitig ako sa kanyang mukha, wala na ang pasa don na nakita ko nung nakaraan, napatingin ako sa kanyang magagandang mata, may pagkakahawig sila ni senyorito Rome ngunit parang malambot niyang bersyon si senyorito Rome, habang siya ay unang tingin mo palang ay aakalain mong masamang tao at kaya kang paluhurin sa mga titig.

Napabalik ako sa wisyo ng maramdamang basang basa na kaming dalawa hinawakan ko siya sa braso para ibaba ang hawak niyang hose ngunit ayaw niyang ibaba yon. Naiinis ko siyang tinignan.

"Senyorito baka po mag kasakit kayo akin na po, ibigay niyo na po sa akin." Sabi ko at tumingkayad para maabot ang hose." You will take care of me when I get sick, right? " Nakangising niyang sabi at ayaw parin ibaba ang hose.

Adik ba ang isang ito?  Bakit naman parang masaya pa siya na makasakit siya? " And don't call me senyorito, call me by my name. " Sabi niya at napakunot ang aking noo, seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? At bakit naman ayaw niyang tawagin ko siyang senyorito? Hindi ba ay ayos lang dahil amo ko naman siya?

" Hindi po maari senyorito. Amo ko po kayo." Sabi ko at humalakhak siya. " No, you will call me by my name Moana, at wag mo akong i po masyadong nakakatanda." Sabi niya at wala na akong nagawa at tumango.

" Opo sen- dale.. " Nahihiya kong sabi at nakita ko ang pag awang ng kanyang labi at nakita ko ang pag kamangha sa kanyang mata. "Good.. now go inside, and change you might get sick." Nakangiting sabi niya ngunit umiling ako." Ibigay muna sa akin yan, trabaho ko po yan bilang katulong dito, ikaw nalang po ang magpalit. " Sabi ko at narinig ko ang buntong hininga niya at dahan dahang iniaabot sa akin ang hose.

Napatingin ako sa kanya ng makitang titig na titig siya sakin. " Eres tan hermosa, Moana." Tila namamangha niyang sabi kaya napakunot ang aking noo, Ano bang sinasabi niya? Minumura niya ba ako gamit ang ibang lenggwahe?

Magsasalita na sana ako ng may tumikhim sa aming likuran at pareho kaming lumingon at nakita kong nandon si Senyorito Rome nakapamulsa at madilim ang titig sa amin. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Mabilis siya nag lakad papalapit sa amin. Napatingin siya kay dale ." What are you two doing?" Malamig na tanong niya sa kanyang kapatid .

" I help her, kuya." Maangas na sabi ni Senyorito Dale kaya nakita ko ang pagigting ng panga ni senyorito Rome. "You have a lot to do, don't you?  Why are you still here? " Seyosong sabi ni Senyorito Rome.

Malokong ngumisi si senyorito dale at pinasadahan ng kanyang daliri ang basang buhok. " Chill kuya! I'm just helping her, Right Moana? " Tanong niya at akmang mag sasalita ako ng sumabat si Senyorito Rome." Stop calling her Moana, She has a name dale." Malamig na sabi ni Senyorito Rome.

Kinabahan ako sa boses ni Senyorito dahil masyadong seryoso yon, tumaas ang dalawang kamay ni senyorito dale na para bang sumusuko at sumulyap sa akin napaawang ang labi ko ng kumindat siya sa akin bago umalis.

Napatingin sa akin si senyorito napasinghap ako ng bumaba ang tingin niya aking dibdib at nakita kong lalong dumilim ang kanyang tingin doon at mabilis siyang nakarating sa aking harapan at mabilis niya nahawakan ang palapulsuhan ko at hinila sa likod ng mansyon.

"S-senyorito. "Nagpumiglas ako sa hawak niya ngunit masyadong madiin yon kaya wala akong magawa. Dumiretsyo kami sa pamilyar na daan at yon at patungo sa kwarto namin ni Tiya.

Nang tumapat kami sa pintuan ng aming kwarto ay marahas niya binuksan yon at nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako papasok. " S-senyorito! b-baka po pumasok si Manang Cecil b-baka kong ano isipin! " Natatarantang sabi ko at nagpumiglas sa hawak niya, Nagtagumpay naman akong alisin yon at umatras.

Madilim pa din ang titig niya sa akin at umiigting ang kanyang panga, ano bang problema niya? "I don't care, Magpalit ka..I can see your bra athara." Mariin niyang sabi kaya napatakip ako sa aking dibdib, at dali daling tumalikod at nag lakad patungong banyo.

Mabilis kong sinarado ang pinto at napahawak sa aking dibdib, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

Mabilis akong naligo at kinuha ko ang tuwalya at napasampal ako sa aking noo ng maalalang hindi ako nakapag dala ng pamalit. Wala akong nagawa ng itinapis ko sa aking hubad na katawan ang tuwalya at dahan dahang binuksan ang pinto.

Wala nanaman siguro si senyorito hindi ba? Saka mahihiya- Nalaglag ang panga ko ng makita siyang naka upo sa aking kama at naka dekwatro at magkasalubong ang makapal na kilay. Mukhang naramdaman niya ang aking presensya kaya napatingin siya sakin.

Mahigpit kong hinawakan ang tuwalya ng makita kong gaano kalagkit ang kanyang titig sa akin, nakita kong pinagmamasdan niya ng tingin ang kabuohan ko at napalunok at mabilis tumayo at umiwas ng tingin.

" P-pasensya na po senyorito, a -akala ko po kasi lumabas na kayo, kukuha lang po ako ng pamalit pasensya na po.." Sabi ko at dumiretsyo sa likudan  niya para kunin ang damit sa cabinet ko.

" Damn.." Bulong niya ngunit hindi ko masyadong madinig dahil medyo malayo siya sa akin, binilisan ko ang pagkuha ng damit at dali daling pumasok ng  banyo.

Matapos kong mapalit ay lumabas ako at nakahinga ako ng maluwag dahil wala na don si Senyorito.

Her Shattered Heart ( La Vierda Series #1)Where stories live. Discover now