Room 07 Part9

0 0 0
                                    

Napaisip ako, na beshy baka wala na doon si Third last year pa huling naka-usap ni Andeng, ang layo pa mandin ng byahe ha. Pero sinabi naman ni Andie na sigurado daw s'yang nando'n lang si Third dahil hindi na daw ito umuwi pa ulit sa probinsya namin nang magpakamatay si Yassy wala daw s'yang mukang maihaharap sa mga nakakikilala sa kanila at hindi n'ya kayang tanggapin ang galit ng pamilya nito.

Pagkalipas nga ng mahabang oras ay nakarating na kami ng Pangasinan at dumiretso na kami kila Third bago pa kami abutan ng sobrang dilim na paligid, mabilis lamang matunton ang kanila dahil hindi naman ito kalayuan sa bayan at may mga pumapasada pa na tricycle papunta sa lugar nila. Malapit ng mag-alas-otso ng gabi nang matunton namin ang tinitirhan nila Third. Nagulat ang mga ito ng makita si Andie at kaming dalawa ni Russell,  s'yempre ang ganda ko kaya at ang pogi ni Russell (haha kidding aside) pero nagulat talaga sila dahil nakita ulit nila si Andie after ilang years at alam ni Third na may sadya ito kaya napadpad kaming tatlo doon. Hindi lingid sa kaalaman n'ya ang mga naiwang kababalaghan sa Room 07.

Ipinaghanda nila kami ng hapunan sa kubo sa likod ng bahay nila at tanging dalawang gasera lang ang ilaw namin doon, malawak ang bakuran at may mga malalaking puno sa paligid, sinag  ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa kagubatan, maiingay na ang mga kuliglig at iba pang pang-gabi na mga hayop. May mga alaga rin na mga hayop sa loob ng bakuran nila at ang kasama nila sa bahay ay Ama't Ina ng kinakasama n'ya ngayon na si Heidi, malaki na ang bata na sinasabing anak nito halos apat na taon na rin ito, kasing tanda ng mga panahong lumipas mula noong hindi na s'ya bumalik kay Yassy.

Agad kaming hinarap ni Third sa kubo para alamin kung ano ang sad'ya namin dito pero bago iyon ay ipinakilala muna kami ni Andie sa kanya. Habang isinasalaysay ni Andie ang mga kababalaghan sa Room 07 matapos magpakamatay si Yassy ay lumakas ang hangin at lumamig ang paligid, tumahimik ang mga kuliglig sa paligid at iba pang humuhuning mga hayop at para bang biglang bumigat ang pakiramdam sa paligid, nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo, at alam kong nakaramdam din ng takot si Russell dahil nagpalinga-linga s'ya sa paligid na para bang may hinahanap, nang makita n'ya akong nakatingin sa kanya ay agad s'yang umisod palapit sa 'kin. Hindi n'ya alam na sobrang lakas na ng kabog ng puso ko sa takot na pareho lang kami ng nararamdaman at naiimagine baka biglang may sumulpot na kung ano sa gitna ng dilim
at ilang sandali pa ay parang biglang sobrang lungkot ng pakiramdam sa paligid, hinayaan din ako ni Andie na magkwento tungkol sa nangyari sakin pero hindi pa ako natatapos ay bigla na lang napa-iyak si Third na kani-kanina lang ay pakuskos-kuskos lang ng mata. At ilang sandali pa ay hindi na n'ya napigilan ang sarili at nagkwento na s'ya.

(Third's POV)

Nagsisisi akong iniwanan s'ya sa ganoong kalagayan, hinayaan ko ang sarili ko na lamunin ng pagsubok na naging dahilan ng paghihiwalay namin, wala s'yang ginawa noon kung hindi ang alagaan at mahalin ako. Sobrang tanga ko dahil hinayaan ko s'yang mag-suffer dahil sa pag-aakala na hindi ko na s'ya mahal, akala ko rin hindi ko na s'ya mahal pero nagkamali ako, nagkamali ako. Walang nakapantay o makapapantay sa kanya, walang makapapantay kay Yassy.

(Kasabay ng pagtulo ng luha ni Third habang nagsasalita ay umiyak din ang langit. Marahan ang pagbagsak ng ulan na para bang nagpapahiwatig ng nakatagong hinagpis na ngayon lamang nailalabas.)

(Third's POV)

Tatlong taon pagkatapos isilang ni Heidi ang dinadala n'ya, napag-alaman ko na hindi pala ako ang tunay na tatay ng bata. Kung hindi ko pa s'ya nahuling may kausap sa cellphone ay hindi pa n'ya ipagtatapat sa 'kin ang lahat. Hindi ko maiwan ang bata noon dahil napamahal na s'ya sa akin at ako ang nakilala n'yang ama, pero ngayon ay sobrang komplikado na ng sitwasyon dahil hinahabol ng tunay na ama ang kanyang anak na inilihim dito ni Heidi ng ilang taon sa pag-aakalang hindi s'ya nito pananagutan— Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay pinipili kong manatili pa dito kahit alam kong hindi na dapat, hindi na ako para dito.

(Nagkagulatan pa kami sa kubo ng biglang sumulpot si Heidi ng hindi namin namamalayan dahil sa may kadiliman nga ang paligid at maingay ang patak ng ulan. Ilang beses s'yang humingi ng tawad kay Third at sinabing pinalalaya na n'ya ito, kahit kailan n'ya gustuhin ay pupwede na s'yang umalis at gawin na n'ya ang matagal na n'yang gustong gawin. Yumakap pa si Heidi dito at mababakas ang patuloy na  paghingi nito ng tawad, walang naging kahit anong tugon  si Third. Nakita ko na lang ang sarili  ko na nagpupunas ng mga luha at gano'n din sina Russell at Andie. Lalong lumakas ang ulan at ibinagsak nito ang lahat hanggang sa huling patak.

Pagkatapos kumain at mapag-usapan ang aming sad'ya ay agad na kaming nagpahinga, dahil paggising sa umaga ay babalik na kami sa Manila kasama si Third para muling balikan ang lugar kung saan nasira ang lahat ng mga pinapangarap nilang dalawa ni Yassy.

Room 07Where stories live. Discover now