03

15 1 0
                                    


SHERYLE'S POV:

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, agad kong kinusot ang aking mata at bumagon. Pagkabangon ko tumadtad agad sakin ang salamin

Tiningnan ko ang kabuuan ko,di na ako nagulat ng nakasuot ito ng maikling kasuotan puno ng kalarote ang muka ngunit hindi ko maaakila na maganda ang pangangatawan at kutis ng totoong katawan ko

Agad akong bumangon at pumunta sa restroom upang tanggalin kung ano man ang nakapagay sa muka ko dahil ang lagkit neto, hindi ako sanay na may ganto sa pangangatawak ko dahil hindi naman ako nag susuot ng ganto nung nasa mortal world pa ako

Pagkatapos ko maligo tiningnan ko ang replection ko sa salamin, kamukang kamuka ko siya, walang pinag bago ang muka ko sa mortal at muka ko dito mas lalo lamang ako pumuti at ang mga labi ko ay mas lalo lamang mapula, ang mata ko naman na dating color black ngayon ay kulay blue ang ganda ng mga mata ko

Pagkatapos kong purihin ang sarili ko ay lumabas na ako pag kalabas ko ay tumungo na ako sa lagayan ng mga damit pag ka bukas ko neto ay tumadtad sakin ang magagarang mga damit at magagandang kasuotan

Ang dami niyang magandang damit bakit kailangan niya mag suot ng malikling damit? Tanong ko sa sarili ko

Hindi ko na lamang pinag tuunan ng pansin un at kumuha ng damit na alam kong babagay sa akin

Pagkatapos ko mag ayos ay humarap sa salamin na tumadtad saakin pag katayo ko, bagay na bagay saakin ang damit na eto, kulay blue ito nababagay sa buhok at mata kong color blue din

Sinuklayan ko ang buhok kong mahaba na hanggang bewang ko, may dark blue linings ang buhok ko. Bumagay ito lalo na't light blue ang buhok ko

Habang nagsusuklay ako ay may lapastangang pumasok sa aking silid ng hindi kumakatok, i expected it lalo na't kahit naman kasambahay ay hindi siya nirerespeto at yun ang babaguhin ko, lahat sila ay luluhod sakin

Tiningnan ko ng malamig ang lapastangang pumasok saaking silid at nakita kong mataray na babae ang andun na nakatulala habang hawak ang hawakan ng pintuan

Bago pa naman siya mag salita ay inunahan ko na siya "lapastangan, sino ka at bakit ka pumapasok sa silid ko ng hindi kumakatok?" Sambit ko habang ginagamit ko ang boses kong walang papantay na lamig, muka namang natinag siya at natakot

"Pi-napa-tawag po ka-yo sa silid ka-inan ma-hal na prinses" nauutal at mahina netong sambit habang nakayuko

"Mauna ka na susunod ako dama, at sa susunod na papasok ka sa silid ko ng walang pahintulot ko aasahang mong lalabas kang walang hininga" sambit ko tumango tango naman ito at kumiripas ng takbo, napangisi naman ako sa salamin dahil sa ginawa niya

Pagkatapos ko mag ayos dun ko lang naalala wala nga pala akong alam sa lugar na ito bat kasi pinauna ko yung babaitang iyon? Agad akong lumabas sa aking silid at lumakad papuntang hagdan na nakita ko

Pag tungtong ko sa hagdan ay kitang kita ko mula dito ang lawak ng lugar na ito, hmm interesting napakayaman pala namin

Ang pag kaalala ko ay ang kapangyarihan namin ay hangin ang pangalawang malakas sa mundong ito ay apoy naman ang una

How comes that fire is more stronger than air? Air can kill someone by not giving them an air and it can kill fire? Well i get it sometimes fire get more stronger when there's an air

Pinag patuloy ko ang pagbaba ng hagdan, habang bumababa ay nararamdaman ko na may pangit sa hangin saaming palasyo ibig sabihin lang nun ay may traydor

Alam ko ng gamitin lahat ng kapangyari ko, oo lahat dahil hindi lamang isa ang kaya kong manipulatahin kundi limang elemento

Minutes had pass and finally nakababa na ako ang haba ng hagdan na un ha hindi ba pedeng gawing eskelator na lang un

Nilibot ko nanaman ang pangingin ko ang lawak ang daming tao at ang ganda ng lugar na ito

Lahat ng mata ng tao ay nakatuon sakin ngunit hindi ko na lng ito pinansin alam ko naman nagtataka lang sila dahil hindi na ako nag susuot ng maikling damit at kolorote

"Ang ganda pala ng prinsesa bakit kailangan niya ito itago sa paggamit ng make up?"

"Walang kapantay na ganda ang mayroong ang prinsesa Sherylle"

"Mas maganda pa siya sa ibang prinsesa"

Well is there's a good comment ofcourse there's also have bad comment na walang ginawa sa buhay kundi mag bigay kumento sa buhay ng ibang tao

"Kahit anong muka mayroon yan malandi at mahina parin yan"

"Psh feeling maganda mahina naman"

"Hindi parin siya magugustuhan ng mga princess and princessa"

Agad akong tumigil dahil sa pinag sasabi nila "bulong pa ba ang ginagawa niyo or sadyang hindi niyo lang alam ang proper whisper?" Sambit ko mukang nagulat naman sila sa lamig ng boses ko

"Pag may narinig pa akong salita galing sainyo ay tatanggalan ko kayo ng hininga, Prinsesa parin ako sa kahariang ito na tinutuluyan niyo kaya give some respect dama" sambit ko at saka nag patuloy sa paglalakad

Hindi pa ako nakakailang hakbang nang may narinig akong bumulong na naririnig naman na kina pintig ng tenga ko

"Pano niya tayo tatanggalan ng hininga eh mahina nga siya at powerless nagpapatawa ba siya"

"Manahimik ka baka marinig ka ng mahal na prinsesa"

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo"

Lumingon ako sa babaeng ito at saka ko tinaas ang kanang kamamy ko upang tanggalan siya ng hininga

Nagulanta naman ang iba sa nakita ng makitang namumutla na ang dama at nahihirapan na huminga, napangisi naman ako dahil sa pagmamakaawa nila

"Tama na mahal na prinsesa mawawalan na ng hininga si Nicole"

"Pigilan niyo ang mahal na prinsesa baka mapatay niya si Nicole"

"Tawagin niyo ang mahal na hari at reyna dalian niyo"

Hindi ko pinag tuunan pansin ang sigawan nila bagkus ako ay nag salita at kinausap ang sinasabi nilang Nicole kunnu

"Diba't sinabi kong pag narinig ko pang may sinasabi kayo sa likod ko ay tatanggalan ko kayo ng hininga, ganyan na ba kayo kawalang respeto para suwayin ang utos ng isang Prinsesa?" Malamig kong sambit sa babaeng nanghihinalo na

Napangisi ako ng kita kong papikit pikit na siya ngunit nawala un ng nawala ang epekto neto dahil sa may kung ano ang nag bigay sakanya ng hangin

Kita ko naman na nag sialisan sila kaya kami kami na lamang ang natira ako, royalties at ang mga pamilya ko kunnu

Napatingin ako sa lapastangan gumawa nun, ang mahal na hari huh? Napa ikot na lang ako ng mata dahil doon

"At anong ginagawa mo at kumikitil ka ng buhay ng inocenteng tao?" Sambit ng mahal na hari na a.k.a. Ang aking ama

"Kelan at pano mo na control ang kapangyarihan mo anak, ako'y natutuwa dahil alam mo na itong gamitin" sambit naman ng aking ina a.k.a mahal na reyna

Ngunit hindi ako tumugon sa mahal na reyna bagkus tingnan ko ng malamig ang mahal na hari

"Kung makapag salita ka ay parang hindi ka kumitil ng taong inocente, kinalimutan mo na ba ito o sadyang kinalimutan mo lamang?" Malamig na sambit ko dito na siyang nagpagulat sakanilang lahat at walang makapag salita dahil totoo ang sinasabi ko

Pamilya ng babaeng nasa katawan ko nung nasa mortal wolrd pa ako ay pinatay niya

"Wag kang mag salita na para bang ikaw ang pinaka mabait dito saatin dahil alam natin na may kini-"hindi ko pa natatapos ang sinasambit ko ng may sumabat

"Sheryl tumigil ka nga at mag bigay respeto sa ating ama" sambit neto hindi ko siya kilala pero namumukaan ko siya, bumaling ay paningin ko dito at mukang nagulat naman siya ng makitang walang kabuhay buhay ang aking mata

Tumalikod ako bago mag salita "hindi ako magbibigay respeto sakaniya dahil wala akong ama, matagal ng patay ang aking ama sa aking puso't isipan" sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad

the powerful princess is back (ongoing)Where stories live. Discover now