Chapter 1: Ang pagpaplano

9 2 0
                                    

"Ako nga pala si Amy Ferrero, at kasama ko ang aking mga kaibigan. Gusto lang namin ipaalala na abangan niyo ang video na iuupload namin sa pagbisita sa isang haunted place." Saad ko sa harap ng camera pagkatapos ay hininto ko.

Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon, magpaplano kami para sa pupuntahan naming isang haunted na lugar.

"hoy, sure na ba talaga kayo jan?" Tanong ni jona.

"Anong kayo? Tayo, tayo okay? Sure na tayo.." Pataray na sagot ni Cristy.

"Ang ingay niyo, magplano na nga lang tayo." Pagrereklamo naman ni Jannah.

Ewan ko ba sa mga babaeng ‘to, mukhang di kami matutuloy sa ganitong sitwsyon.

"Bago tayo pumunta don, dapat kumpleto mga gamit na dadalhin natin tulad ng flashlights or lighter, compass, medkit incase na may madapa kase malilim na lugar yon." Saad ko.

"Tama, tapos snack para incase na magutom tayo hehe." Saad naman ni Cristy.

"At huwag natin kakalimutan ang bibliya mga kapatid." Pamimilisopo ni jona.

"Mag kanya kanya na lang tayo ng dala, ang daming suggestion baka naman makalimutan din" pagrereklamo na naman ni Jannah.

"Alam mo Jannah wag ka na lang kaya sumama? Napaka reklamadora mo." Sagot ko sabay irap.

Wala na siyang nasabi at tumango na lamang.

----------------------------------------------------

Tapos na kaming magplano at dali dali naman kaming nagimpake ng mga dadalhin namin para bukas, habang nagiimpake ako tumatayo ang mga bulbol ko, I mean balahibo ko. Siguro dahil sa excitement, first time ko lang kase gumawa ng mga ganitong bagay kasama mga kaibigan ko.

"Mga teh, excited na ba kayo bukas? Ako kase oo tsaka alam niyo ba yung kwento na may nagmumulto raw doon sa lugar na yun." Saad ni jona habang naghahand gesture pa ang oa.

"Sos, wala yan dasal lang katapat niyan mga teh." Pamimilisopo ni Cristy.

"Matulog na lang tayo at maaga pa tayo bukas, para mas mahaba adventure natin sa haunted place na yon" Saad ni Jannah.

Tama nga naman siya, kailangan na namin matulog para may energy kami para harapin ang mga darating na pagsubok sa aming paglalakbay, ang oa na naman. Agad kaming humiga sa aming mga higaan, lahat sila ay mabilis na nakatulog.

Huminga ako ng malalim bago ipikit ang aking mga mata.

"Magkikita na rin tayo..."

The Missing LucianaWhere stories live. Discover now