Chapter 4: Run or Die

8 1 0
                                    

–Read at your own risk.

-------------------------------------------------

Ilang oras din kami sa bathtub nang maramdaman ko na nakatulog na si Luciano. Dahan-dahan akong bumangon sa bathtub kahit ako ay damit. Lumabas ako sa banyo at dali daling humanap ng pampalit, nakita ko ang damit ni Luciano at ito na lamang ang aking isinuot.

"Tangina, kailangan ko nang makalabas dito at babalikan ko pa sila Jona." Saad ko habang nagmamadaling lumabas sa kwarto.

Nang makalabas na ako ay dumiretso kaagad ako sa main door ngunit may mga kahoy na nakaharang. Sinubukan kong tanggalin ngunit masyadong mabigat at mahigpit ang pagkakapako sa pintuan.

"Bwisit naman oh! Ang malas talaga" pagrereklamo ko.

"Saan ka pupunta Amy?" Biglang sulpot ni luciano sa aking likuran.

"A-ah...may narinig kasi akong kumakalabog sa pintuan kaya naisipan kong tingnan, kaso may harang pala." Palusot ko.

Nanlaki ang aking mga mata dahil naglabas si Luciano ng kutsilyo sakanyang likuran at dahan-dahang lumapit sakin. Wala akong magawa kundi ang maestatwa sa aking kinatatayuan.

Pinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil alam ko na katapusan ko na. Ngunit nagulat ako nang biglang napahinto to Luciano. May kutsilyo na palang nakasaksak sa kanyang tagiliran at nung nilingon ko kung sino ‘yon, ay agad kong nakita si Luciana. Hinatak niya ako palayo kay luciano at kami ay tumakbo sa bakod.

"Luciana...patawarin mo‘ko, kasalanan ko kung bakit wala ka na.." humahagulgol ako habang kami ay tumatakbo.

Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha habang hinihila ako palayo ni Luciana sa lumang bahay. Ilang oras din ang aming takbo nang napagtanto ko na nasa gitna na kami ng gubat. Napatingin ako kay Luciana na nakatayo lamang sa aking harap.

"Luciana... sorry... Isama mo na lang ako sayo, patawarin mo si ate.." Saad ko habang hinahaplos ang kanyang malalamig na mukha.

Bigla niya akong niyakap. Kumirot ang aking dibdib nang marinig ko siyang umiiyak. Ginantihan ko ang kanyang pagyakap habang hinahaplos ang kaniyang likuran.

"Ate, umalis ka na rito. Iligtas mo ang sarili mo. Hindi na kita kayang protektahan dahil isa na akong kaluluwa." Bulong niya sakin.

"Hindi, dito lang ako sa tabi mo Luciana...sasama ako sayo." Sagot ko.

"Umalis ka na ate, iwan mo na ang mga kaibigan mo, traydor sila ate. " Saad niya.

"Anong ibig mong sabihin? Traydor sila? Paano?" Tanong ko.

Lumayo saakin ng kaunti si Luciana habang nakayuko, tumingin siya sa aking mga mata bago magsalita.

"Kasabwat nila si kuya ate. Si Jona, may relasyon sila ni kuya. Habang yung dalawa ay pinatay ko na bago ka pa nila mapatay." Saad niya.

Napaatras ako dahil sa aking narinig. Hindi ko inaakalang magagawa akong traydorin ng tatlong yon!

"Hindi mo dapat pinatay sila Cristy at Jannah." Saad ko.

"Si Cristy lang ang sigurado akong patay na, si Jannah ay siguradong buhay pa kasama si Jona." Sagot niya.

"Umalis ka na ate, nanganganib na ang buhay mo kung mananatili ka pa rin dito." Dagdag pa niya.

Tumango ako at aalis na sana, ngunit bago pa man ako makaalis ay naririnig ko na ang pagtawag saakin ni luciano sa di kalayuan.

"Amy! Lumabas ka jan, magpakita ka sakin! Wag na wag kang maniniwala kay Luciana!" Sigaw nito.

Nang nawala sa paningin ko si Luciana ay agad akong kumaripas ng takbo at nagtago sa isang puno. Siguro pwede na ako magtago rito dahil malaki naman.

Tinakpan ko ang aking bibig habang pinakikiramdaman ko si Luciano. Naririnig ko ang kanyang mga yapak ngunit hindi ko alam kung saang direksyon siya papunta. Huminga ako ng malalim dahil nawala ang kanyang mga yapak. Nang biglang may humila sa aking mga braso, sisigaw na sana ako ngunit mabilis nitong natakpan ang mga bibig ko. Nang lingunin ko kung sino ito, si Jannah lang pala.

"Bilisan mo na ang pagkilos gaga ka!" Saad nito.

"Bitawan mo ako Jannah, traydor kayong tatlo!" Sigaw ko.

"Si jona tsaka Cristy lang.. naipit lang din ako sa walang kwentang bagay na to." Saad pa niya.

"P-pero, si Luciana...nakita ko." Bulong ko.

"Alam ko...kaya wag mong sisisihin ang sarili mo na ikaw ang pumatay sakanya." Saad niya habang kami ay tumatakbo pa rin.

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Ako ang pumatay sakanya at pinagsisisihan ko yon." Saad ko habang tumutulo ang mga luha ko.

"Baliw ka talaga....hindi ikaw ang pumatay sakanya, akala mo lang ikaw ang pumatay dahil napaniwala ka ni Luciano.." Dagdag pa niya.

"Kung hindi ako ang pumatay, edi sino?" Tanong ko.

"Malalaman mo rin yan, sumama ka muna saakin kailangan muna nating makalayo rito." Saad nito sabay hatak ulit saakin palayo.

Kung hindi ako ang pumatay kay Luciana, edi sino?

------

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 04 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Missing LucianaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ