CHAPTER 20

157 5 0
                                    

Armando POV

Hindi kona alam ang gagawin ko paano nalang kung malaman ni Fern na nagsisinungaling ako?paano Kong malaman niya na isa ako sa tauhan ni Sean.

Mahal ko ang anak anakan ko.Oo tama kayo ng narinig si Fern ay hindi namin tunay na anak.Kinuha lamang siya ng papa ni Sean dahil sa sobrang pagmamahal nito sa bata.

Tandang tanda kopa noong ibigay sa akin si Fern sobrang saya ko dahil sa wakas ay naranasan ko ding magkaaanak at maging isang tunay na ama.

Namatay daw ang mga magulang ni Fern sa isang car accident kaya naman wala silang choice kundi alagaan Ang bata.

Walong taong gulang si Sean noong malaman ng papa niya na mayroon itong sakit na Obsession disorder kaya naman simula ng makita niya si Fern ay ayaw na niya itong pakawalan pa ngunit hindi pumayag angg don dahil dito ay nangako siya na ibibigay si Fern kay Sean sa tamang panahon dahil ang buong akala ng don ay magbabago pa ang isip nito ngunit mali kaming lahat dahil napamahal na talaga si Sean kay Fern hanggangg sa magbinata na ito ay si Fern pa din ang gusto nito,dahil doon ay bumuo kami ng plano.

Isang plano na alam kong dudurog kay Fern pero para din naman ito sa kaniya.

Ang plano lang talaga ay ang hintayin na lumaki sina Sean at Fern upang ipakasal dahil bibilhin ng don ang lupain namin pero naging palpak ang plano dahil sa pagdating ni Aedan kaya ayun nadamay siya.Hindi totoong si Sean ang pumatay sa kaniya,hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ni Sean at siya Ang umako noon.

Habang lumalaki din si Sean ay mas lalong lumalala ang pagnanais niyang makuha si Fern.Nanjaan yung minsang maghapon niya lang itong pinagmamasdan mula sa malayo dahil doon daw siya masaya.

Natatakot ang Don nun kaya pilit sana naming ilalayo si Fern pero huli na ang lahat dahil si Sean na ang kumikilos,nalaman din ng don na balak nitong bumili ng isla para sa kanilang dalawa hindi naman kami Tutol doon ang ikinatatakot lamang namin ay baka hindi siya makapag kontrol baka masaktan niya si Fern,lalo pa at natuklasan naming mas lumalala ang pagiging obsessed niya,ayaw naman naming mapahamak si Fern sa kamay niya kaya pinipilit naming gumawa ng paraan upang mailayo ang natatanging bagay na nagtitrigger sa sakit niya.

Pero gaya nga ng sinabi ko huli na Ang lahat.

Huli na para protektahan siya.

Masyado kaming naging kampante.

Wala na huling huli na kami.

Huli na para maitakas siya sa kamay ni Sean Ezekiel Velazco.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kwarto,Kahapon pang umalis si fern dito upang pumunta sa lola niya na nandoon sa Mindoro,hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon pakiramdam ko ay may masamang nangyare sa kaniya.

Sana naman ay wala dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling mayroon man.

Napatayo ako ng biglang mag ring ang cellphone ko.

Nagulat ako ng pangalan ng Don ang nakalagay dun,nakakagulat dahil kapag emergency lang naman siya tumatawag.

May nangyare ba?

Sana naman wala.

"D-on?may i-papagawa ho ba kayo?"nagaalangan pa ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako komportable sa kaniya.

"Wala naman nais lamang kitang kamustahin."Nawala ang kaba ko nooong malaman ko ang pakay niya.

"Maayos naman Don,kayo ho ba?"tanong ko, napapangiti na ako dahil sa nalaman kong wala naman palang masamang nangyare.

Hindi siya sumagot maya maya pa ay bigla akong nakarinig ng kalampag at malakas na sigaw.

"Where the hell did she goo!"Sigaw sa kabilang linya at kahit hindi niya sabihin ay alam at kilala ko kung sino yun.

Maya maya pa ay biglang namatay ang tawag, doon na ako tuluyang nanghina.

Nagsisimula na ang kinatatakutan kong mangyare.

Baka dumating ang araw na si Sean pa mismo ang pumatay kay Fern.

Yun ang hinding hindi ko hahayaang mangyari.Dahil sa oras na saktan at alipinin ni Sean si Fern ako na mismo ang makakalaban niya.Lahat ay gagawin ko para sa anak ko kahit na kapalit noon ang sarili kong buhay.


ESCAPEWhere stories live. Discover now