CHAPTER 3: SABAY TAYO

15 6 0
                                    

SABAY TAYO

Khai's POV

Khai: "Oo, ako nga! At kung hindi ako nagkakamali ikaw si Lily...... Martinez? Ummm Mansano... Huli na tong hula, Marquez??"

Pautal-utal kong sinambit sa kanya.

Lily chuckles a little bit sa mga hulang apilido ni khai sa kanya.

Lily: "Haha.... Ako si Lily Mendoza, yung bagong transfer sa school na ito at ako yung bago niyong classmate." Masaya niyang sinabi sa amin.

Habang nag sasalita siya ay para nanamang tumigil ang senses ko sa katawan, nakakaramdam nanaman ako ng kaba at ilang sa kaniya.

Bakit kaya ganon? Kapag kasama ko siya at kaharap ko siya ay kinakabahan ako at nawawala ang mga senses ko sa aking buong katawan.

Lily: "Pwede ba akong maki upo?"

Khai: "Paalis narin ka..."

James and Khent: "sure!" Pagsingit nila sa aking sasabihin.

James: "Dito kana sa tabi ni Khai oh, tutal wala naman siyang katabi." Patawa niyang sinasabi.

Khai: "Magsitigil nga kayong dalawa diyan!"

Lily: "Ay sige wag nalang babalik nalang ako sa upuan ko." Mahinhin niyang sinabi sa akin.

Khai: "Ay wag na dito kanalang umupo." Sapilitan kong sinabi at pautal-utal.

Lily: "Meron lang akong tanong khai?"

Khai: "Ano iyon Lily?"

Lily: "Ikaw ba yung lalaking..."

[Ding!]

Biglang tumunog ang kampana na ang ibig sabihin ay bumalik na sa bawat silid aralan, at hindi na naituloy ang sasabihin niya sa akin noong oras na iyon.

Pagkabalik namin sa classroom hindi ko mapigil na isipin siya.

Hindi ko sinasabing nag kakagusto na ako sakanya kasi alam nyo namang na I believe in a quote that "love Will Get You Killed, That's Why I Show Love So Different".

Pero napasok talaga sa isipan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, parabang hihinto ang lahat ng senses ko sa buong katawan diba ang hirap. Bakit kaya?

Sana dumating sa point na malaman ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya.

[Ding!]

Tumunog na ang kampana na ang ibig sabihin ay uwian na.

James: *sights* "sawakas uwian na!"

Khent: "Tara sabay sabay na tayong umuwi."

Khai: "Sige mauna na kayong dalawa tatapusin ko lang itong mga pinapagawa sa atin nila Ma'am."

James: "Ahh ganunba."

Khent: "Masyado kasing masipag ehh." Pabiro niyang sambit sa akin.

James and Khent: "sige una na kami."

Khai: "Ingat kayo sapag uwi."

James: "Ikaw rin."

Habang ginagawa ko iyon ay napansin kong nasa likod kolang si Lily na nagawa rin ng mga pinapagawa ng aming mga guro.

Nakaramdam nanaman ako ng oras na iyon ng kaba at hiya sa kaniya.

Kaya't minadali ko nalamgang ang aking mga ginagawa upang makauwi na ako.

Khai: "Sawakas natapos narin!"

Habang nililigpit ko ang aking mga gamit ay naririnig ko ang isang nag lalakad na papunta sa aking direksion.

Lily: "Pwede ba tayong magsabay pauwi?" Palambing niyang tanong saakin.

Khai: "Oo naman..." Utal-utal kong sagot sa kaniya.

Habang palabas kami ng School ay naiilang akong kausapin siya, ngunit bigla niya akong kinausap.

Lily: "Hello!"

Khai: "H...hi"

Lily: "Alam mo para kang familiar sa akin."

Khai: "Ah ganunba, ikaw rin ehh parang familiar yung mukha mo."

Khai: "Hmm..."

Khai: "Ikaw ba yung babaeng nakapulot ng compass ko?"

Lily: "Ahh.. ikaw nga!"

Lily: "Ikaw nga yung lalaking nahulugan ng compass"

Khai: "Oo ako iyon!"

Lily: "Sabi ko na nga ba, kaya pala familiar yang mukha mo sa akin."

Lily: "Kala ko ikaw na yung kababata kong kaibigan" pabulong niyang sinabi.

Khai: "Huh? Ano iyon?"

Lily: "Wala wala."

Khai: "Ahh ok, kala ko may sinasabi ka."

Khai: "Alam mo kaya pala familiar yang mukha mo ehh ikaw pala yung babaeng iyon."

Khai: "Salamat pala ahh, hindi ako nakapag salamat sayo noon kasi bigla kang umalis ehh..."

Khai: "At nahihiya ako noon" pabulong ko ring sinabi sa kanya.

Lily: "huh? May sinasabi ka?"

Khai: "Wala wala ren."

Lily: "Sige sige dito na ako, bye!"

Lily: "Ingat ka sapag uwi!"

Masigla siyang nag paalam sa akin.

Khai: "Bye..." Naiilang kong sinabi.

Khai: "Ingat ka ren... Feeling ko hindi nya na iyon narinig"

Khai: *Hayst* "sarap ng humiga sa malambot na kama at mag pahinga."

Habang nag lalakad ako pauwi ay naiisip ko parin siya at iniisip kung ano ba yung sinabi nya kanina, feeling ko talaga meron siyang sinabi nun hininaan lang niya, pero nevermind nalang.

Natapos rin ang mahabang paglalakad nung oras na iyon at naka uwi na ako sa aming bahay.

(Humiga ako sa malambot na kama)

Habang nakahiga ako at nakatitig sa kisame ay iniisip parin siya, ewan ko ba kung bakit napasok siya sa isipan ko.

At habang iniisip siya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

*To be continue*


The Glimpse of a Reminiscent Love Where stories live. Discover now