CHAPTER 5(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

0 0 0
                                    

Pero ginagawa lang ito ni Macky kapag walang ibang nakakarinig.

Siguro ay ayaw ni Macky na mapagalitan.

"Hoy, Yaya! Patulugin mo na iyang mga babies! Kantahan mo! Gusto mo bang sabunutan kita, Ang tamad tamad mo!"

Kumanta naman sya. Sabay sabay niyang ipinaghele Ang tatlong magagandang manika.

Kunwari naman ay kinakausap ni Macky Ang Isa pa niyang baby, Ang manikang itim na itim at kulot Ang buhok.

Nagenglish SI Macky. "You is not good. Why is that? You doesn't love me , that is your mother!".

Nakangiti niyang pinaalalahanan si. Macky tungkol sa mali-mali nitong English. "Macky, ayos sa natutunan ko sa school, kapag you dapat ay are Ang katambal. You are, ganoon dapat.

" Saka hinde that, dapat ay who. Ganito: you don't love me anymore, who is your mother. "

Galit na Galit sa kanya SI Macky.
" Alam ko! Huwag mo akong turuan!
Hinde ka mas matalino kaysa sa akin, Gaga! "

Ang sama talagang loob nya.

Bakit ba ganito SI Macky? Wala siyang sinabing ikinasisiya nito.

Pero kahit ano pa Ang trato sa kanya ni Macky ay tinitiis at nililihim lamang ni Ella.

Kasi Hinde miya nakakalimutan Ang banta ni Macky na kapag nagsumbong
Siya sa mga magulang niya ay magsusumbong din ito sa mga magulang nya.

Pero kapag isinumbong na ni Macky Ang mga ito kina Tito Julian at tita sandra, magkakagulo pa rin.

Mapapahiya pa Rin Ang kanyang inay at itay.

At baka magduda pa Rin sa kanya Ang mga magulang ni Macky, pati na Rin Ang kuya nitong SI revon ... Kapag
Nagsalita SI Macky ng mga masasamang Bagay tungkol sa kanya.

Takot siyang nangyari iyon.

Ayaw niya kasing bigyan ng problema Ang inay at itay niya.

Kawawa naman.

Hands siyang magtiis. Siguro naman kapag Malaki na sila ay magbabago na SI Macky.





Nadagdagan ng labing isang taon Ang panahon.

Very busy Ang mga Pernejo sa debut ni Maria Catherine o Macky. Isang garden affair ito na mismong sa napakalawak na bakuran ng mga Pernejo gaganapin.

Mula sa eight layer fondant cake Hanggang sa orchestra na pangunahin sa pilipinas.

Ang gown ni Macky ay naka display na sa malaking silid ng dalaga. Pinatawag ni Sandra Pernejo SI Derta.

"Ma'am bakit Po?"

"Busy ka ba, Derta?"

"Syempre ma'am. Tinitiyak Kong ayos lahat Ang kilos ng mga kasamahan ko sa kusina , sa Hardin, at ma'am .... Iyan na Pala Ang gown ni macky! Napakaganda naman!"

"Gawa ni inno sotto! And I love it! Kaya nga pinatawag kita para Makita mo Rin!"

"Tiyak na babagay iyan sa inyong dalaga, ma'am!"

"Kaybilis ng panahon, derta! Ganap ng dalaga na Ang anak ko, ganoon din Ang anak mo sa susunod na buwan! Magkasundo Ang debut nila!".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Heart Series (Overdose On Love)Where stories live. Discover now