Kabanata 7

2 0 0
                                    

Transferee


Sa sunod na mga araw  ay di ako nakakasabay sa pagpunta sa eskwelahan kay Kyre.Nauna ako sa kanya papunta sa eskwelahan.

Maraming gagawin kasi kaya di ko na sya nahintay naging hectic na dahil natamabakan ng mga project halos di ko alam ang uunahin ko

Kaya minsan di na kami nakakatambay inuuna ko muna ang  mahalagang gagawin.Ganun din sya sa chat ko na lang rin nalalaman.Kahit maliit lang ang lugar ay di kami nagkakasalubong dahil minsan na rin lang ako nakakalabas kung lalabas ay sa school lang.

Kung sa school naman ay wala ring time para makapagtambay kami.Natambakan rin daw kasi sila Kyre ang eleven.

Sino rin ba ako para paglaanan nya pa ng oras? Friend.Friend lang kami!

"Balita ko nga may transferee daw sa grade eleven gas."Malakas na saad ng studyanteng kaaedaran ko lang.

"Oo nga maganda daw ehh!" Kwentuhan nila habang naglalakad.Hindi ko na lamang inintindi sila at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hanggang chat lang kami ni Kyre minsan hindi pa ako nakakareply at kahit sya ay hindi rin nakakareply...Busy ata sa mga activity  na gagawin...

Kahit ako ay busy rin, kami nga ang maglelesson sa A.P. Ito ang performance task na ibingay sa amin ng guro...

Sa biyernes  na nga rin ang lesson namin eh.Nakakainis kagrupo ko naman si Kai.
Kaya di na mahirap dahil close ko na sya ng kunti kahit papaano.

Naging close ko sya, beacause with Kyre.     
Mabait rin sya tulad ni Kyre.

"Sabrina gagawa daw mamaya ng  ilelesson sa bahay." Alam ko na rin ang kanilang bahay kaya di na mahirap sa akin puntahan sila.Ang kopya ng ilelesson para may makopya kahit papaano ang mga kaklase namin.

"Sige mamaya!" Sabi ko sa kaswal na tono.
Si Kai ay may kapatid rin apat sila sya ang bunso dalawang babaeng magkasunod at ang panganay ay lalaki.Kwento sa akin ni Kyre noon.

Matalino si Kai kung sana di lang pasaway.        Maganda kausap  pero kaibigan na ang turingan namin sa isa't isa.

Pero ang pagiging kaibigan ni Kyre ay iba, iba sya kung paano sya maging kaibigan.
Si Kyre lang ang naging sandalan ko napagsasabihan ng mga hinanakit ko sa aking buhay.

                                            •••

Pagtapos ko sa gawaing bahay ay kaagad na akong pumunta kila Kai.Malapit lang ito sa amin, pero noon di ko pa alam ang kanilang bahay nalaman ko lang nong sinama ako ni Kyre sa bahay nila.Katapat lang nga ng bahay nila Kyre eh ilang hakbang lang ay bahay na nila Kai.

Hindi ko naman mabisita si Kyre dahil pareho na busy kami sa mga projects namin sa bawat subjects, sure ring maiintindihan naman ni Kyre iyon.

Si May naman naglalaro lang sa kapitbahay kalaro dahil may kaklase syang kapitbahay kaya di na ako magaalala sa kanya.

Nagdala lang ako ng sampung piso at baka kailangang magambagan.Naglalakad na ako papuntang bahay nila Kai nang may nadatnan akong pamilyar na bulto ng tao.

It was Kyre, like he was with someone and waiting.Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang  lumabas ang maputi at may katangkarang babae. Sa pintuan siguro ito yung bagong sinasabi nila sa grade eleven gas.Di ko nakita ang mukha kaya di ko na rin pinansin ang babae.

"Kyre!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi ata nya narinig.Hindi ata ako narinig ramdam ko ang hinanakit sa aking dibdib tampo lamang ito pero wala! Wala akong karapatang magtampo dahil kaibigan lamang kami..

Why Can't You Love Me Back?Where stories live. Discover now