Ice cream
Mas lalo siyang nainis sa 'kin because I poked his braso. I looked at him as innocent as possible, I don't have naman kasalanan. Hindi din naman ako nag-conclude agad. That's why nga I told him to ask ang sarili niya.
"Wag mo nga akong sinusundot," masungit na sabi niya sa akin.
Mabilis akong tinago sa aking likuran ang pointing finger ko na pinangsundot ko sa kanya.
Tumawa ang mga friends niya, but hindi ko na alam kung ano pa ang pinagtatawanan nila. I will go back na sana sa table kung nasaan sila Daddy pero pinigilan ako ng mga friends niya. They said na pwede akong umupo with them and mag-talk with them.
"Ibig sabihin galing ka sa Manila? Doon ka nag-aral?"
Marahan akong tumango while sipping sa juice na ibinigay sa amin ng mga nags-served.
"Uh huh...with my cousins. But I have one cousin pa here. Baka you know her...Callista Herrer."
Agad silang nagtanguan na para bang they knew her too well.
"School mate namin siya," they said pa.
Naunang bumalik ng Sta. Maria sina Tito Cairo and Tita Tathriana. Kagaya ni Daddy ay ginagawang bayan ni Tito ang Manila at Sta. Maria. Minsan lang naman sila pumunta sa Manila, pag super important ng kailangang gawin doon.
Habang nakikipag-kwentuhan ako sa mga friend ni Jacobus ay pansin ko ang masungit niyang mga pagbaling sa akin. Lalo siyang sumusungit at may pagtikhim pa everytime napapatawa ako ng mga friends niya.
"Mabait ka naman pala, Gianneri. Sumama ka na sa amin lalo pag nagsimula na ang klase," sabi ng mga kaibigan niya.
We talked a lot na pero hindi ko pa din alam ang mga names nila. Looks like wala ding plan ang katabi kong si Mr. Masungit na feeling old na ipakilala ako sa mga friends nila. For him, sapat ng they know who I am, pero it's not fair naman. I need to know their names too.
It's nakakabastos for them.
"Ang ganda ng ngiti mo. Ang ganda ng ngipin," they said pa kaya naman naramdaman ko ang pag init ng magkabilang cheeks ko.
I received a lot of different compliments, In all aspect. But it's my first time na marinig sa ibang tao na I have a good set of teeth. They are very observant for that.
Mas lalo tuloy naging big ang smile ko, everytime tuloy nag-smile ako feeling ko iilaw yung teeth ko parang sa toothpaste commercial because of what they said.
"Tigilan mo nga 'yan," Jacobus said while being very irritated.
Kanina pa siya wala sa mood the moment I joined their group. I feel like I'm accountable tuloy sa pagiging grumpy niya kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.
"Tigilan ang what?" tanong ko sa kanya.
Mas lalong tumilim ang tingin niya sa akin, I saw kung paano bumaba ang tingin niya sa aking teeth. Nag double ang sama ng tingin niya doon na para bang he remembered something.
Kung makatingin siya ng masama sa teeth ko ay para bang kinagat ko siya dati. Hindi naman kaya, I'm super innocent nga.
"You can visit sa Villa namin. We can ride a horse, or if you want pwede din tayong mag-pick ng mga mangoes...and it's libre na," yaya ko sa kanila.
Natuwa ang ibang mga kaibigan ni Jacobus but ang iba naman ay napangiwi na parang bang it's too boring for them.
"Wag na 'yon. Tsaka may plano tayong magpalipad ng saranggola bukas di ba?" sabi ng mga girls sa kanila.
BINABASA MO ANG
To Take Every Chance (Sta. Maria Series)
RomanceSta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING