CHAPTER 25

118 4 0
                                    

Fern

Matapos kong mahugasan ang lahat ay dumiretso na ako sa labas upang tumulong sa pagseserve ng pagkain total ay hanggang 6:00pm ako dito e kailangang marami akong magagawa.Ayoko namang maging tambay lang dito baka sabihin nila inaabuso ko ang kabaitan ng boss namin.

Lunch na at hindi pa din dumadating si Raj medyo nagaalala na ako kase sabi ng mga katrabaho ko ay never daw yung nalate.

"Fern kain kana!"aya sa akin ni Maya katrabaho ko,tulad ko ay tumigil na din ito sa pagaaral dahil sa hirap ng buhay.

"Sige lang susunod ako!"nakangiti kong tiningnan si Maya habang nagpupunas ng lamesa.

...........

Natapos ang shift ko ng hindi dumadating si Raj kaya nakaramdam ako ng lungkot.*erase*

Pasado alas sais ng lumabas ako sa restaurant,medyo nakakapagod pero kaya pa naman para bukas,pipikit pikit pa ako habang naglalakad ng biglang may sumabay sa akin hindi lang isa kung hindi apat.

"Fern kamusta ang First day mo?"nakangiting tanong ni kenan habang kumakain ng kendi.

"Ayus lang,kaya pa naman"natatawa kong sagot habang hinihimas ang aking ulo.

"masakit ulo mo?"Turan ni Eli napalingon din yung tatlo sa akin kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Hindi ahhh medyo pagod lang,tara nanga baka kanina pa tayong inaantay ni nanay Lourdes."pagiiba ko sa usapan.Sumakay naman Yung apat kaya naman nagsimula na kaming maglakad,medyo binilisan namin dahil nagbabadya ang malakas na ulan.

mag aalas syete na ng makarating kami sa  bahay naabutan pa naming nagluluto ng panghaponan si nanay Lordes  ako naman ay nagpalit ng damit at tumulong sa pagluluto total ay marunong naman akong magluto kahit papaano.

"Nay tulungan kona kayo"saad ko habang papalapit sa kaniya nagagayat kase siya ng sibuyas.

"Nako wag na nandun na si Dem siya na daw ang magluluto."sagot ni nanay Lordes kaya rumihistro ang gulat sa aking mukha.

"Marunong po si Dem??"wala sa sarili kong usal,maya maya pa ay lumabas si Dem nakangiti ito sa akin.Shit ngayon kolang siya nakitang ngumiti ang gwapo niya.

"Oo naman, masarap kaya ako este masarap akong magluto"natawa nalang ako sa kaniya....

"Sige titikman ko nga kong masarap kangang magluto"natatawa pa ako habang nakatingin sa kaniya,bumalik siya sa ginagawa niya habang ako naman ay natulong kay nanay lordes sa pagagayat.

"Ang galing po ni Dem no?marunong pala siyang magluto"natatawa pa ako habang ginagayat ang bawang,umiling iling naman si nanay lordes kita ko sa mata niyang masaya siya.

"Ngayon lang yan magluluto ni minsan nga hindi yan tumulong sa kusina"tugon nito na ikinatigil ko.

"Talaga po?"

"Oo siguro ay masaya lang siya kaya siya na ang magluluto.Ayoko namang sirain ang mood niyan"natatawang saad ni nanay."Oh siya sige na tawagin mona sila ijah at kakain na."tumayo agad ako upang tawagin Yung tatlo.

"Astral,Kenan,Eli kakain na!!"pagtawag ko dahil nakasarado ang pinto,walang sumagot kaya tumawag ulit ako.

"Kakain na!"pagtawag ko ulit ngunit walang sumagot kaya bumalik nalang ako sa lamesa.

"Oh nasan na sila?"bungad ni nanay Lordes

"Wala pong nasagot baka tulog pa"sagot ko naman.

"oh siya sabay na kayong dalwang kumain sasabay nalang ako doon sa tatlo mamaya"tumango nalang ako dahil nakakaramdam na din ako ng gutom.

Sinimulan kona ang paglalagay nang plato.Dalawang piraso lang total ay dalawa lang naman kami ni Dem ang kakain.

ESCAPEWhere stories live. Discover now