CHAPTER 30

117 3 0
                                    

Fern

Umaga na pero wala pa din akong balak bumangon tinatamad ako,malungkot din sa kabilang banda dahil sa sinapit ni papa.Hindi ko alam ang rason kung bakit niya iyon ginawa kay papa eh sa pagkakaaalam ko magkakampi sila.

"Ijah bangon na!kumain kana dine"narinig kong pagtawag ni nanay Lourdes,tumayo na ako saka lumapit sa pintuan.Mabuti nalang at sabado ngayon sakto para makapag pahinga ang utak at katawan ko.

"Sige po nay susunod na ako"kaswal kong saad ng pagbuksan ko siya ng pinto,hindi naman siya sumagot bagkos ay niyakap niya lamang ako and I feel safe and loved when she hug me tight.Muling tumulo ang aking mga luha dahil sa habag na nararamdaman.

"Alam kong may problema ka anak!nandito lang kami makikinig sayo"saad nito saka ako muling niyakap,yumakap naman ako pabalik.

"Salamat nayy"usal ko at muli tumulo nanaman ang mga luhang pilit kong itinatago sa aking mga mata.

..................

"Fern oh kainin mo!"si Astral sabay abot sa akin ng isang mangga  kinuha ko naman yun saka kinain,ngunit nagulat ako noong abutan ako ni Eli ng mansanas si Kenan naman ay grapes at higit sa lahat ay si Dem na hawak hawak ang isang buong pakwan.

"Ipapakainn mo talaga sakin yan?"tanong ko sabay turo doon sa pakwang hawak niya.

"Oy grabe ka naman mag—"Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Kenan dahil sinubuan siya nang isang buong mansanas ni Dem,tinawanan naman yun nong tatlo kaya nakitawa na lang din ako.

"Oo"maikling sagot nito saka biniak ang pakwan, pulang pula iyon at sobrang tamis.

Nandito pala kami ngayon sa parke nagpipicnic si nanay lourdes na ang nag aya sa amin dahil wala naman kaming gagawin sa bahay,maayos na yung ganito kesa naman mag stay lang kami sa bahay.

"Tara laro!"Si Astral tumayo siya at agad hinawakan ang balikat ni Kenan.

"Taya ka habulin mo ako"si Astral kaya ang nangyari ay naghabulann silang dalawa maya maya pa ay sumali na din si Eli kaya tatlo na silang naghabulann.

Ang sarap nilang panoorin para bang wala silang mga problema.

"Alam mo ba Were friends since pagkabata"pagbasag ni Dem sa katahimikan tumingin ako sa kaniya na may gulat na ekspresyon.

"Paano nangyari Yun?never kayo nag away?"takang tanong ko.

"Nag aaway pero nalalampasan din.Actually taga manila talaga kami kaso dine kami napadpad kakahanap ng magandang school,mabuti nalang at pumayag ang parents namin"pagkekwento ni Dem ako Naman ay nakikinig lang sa kaniya.

"Alam mo ang swerte mo sa kanila,kase may kapatid kana may kaibigan ka pa"wala sa sarili kong usal.Medyo naiingit ako kasi si Aedan lang ang meron ako tapos ngayon wala na siya.The world is so unfair pagdating sa akin talaga.

Nakatingin lang si Dem sa malayo ramdam ko din ang bigat ng kaniyang paghinga,Alam kong marami kang pinagdadaanan na hindi ko alam Demitriu pero alam ko din kung gaano ka katatag kita ko yun kahit sa maliit na oras na pinagsamahan natin.

"Nakakapagod"reklamo ni Kenan habang prenteng nakaupo sa aking tabi napatawa nalang ako dahil sa itsura niya para siyang batang unang beses na nakapaglaro.

"Fern kilala mo ba yun?"bulong ni Eli sa aking tenga hindi niya iyon ipinahalata sa mga kasama namin itinuro niya ng palihim yung sasakyang itim kung saan may nakasilip na isang lalaki, tumingin ako doonn at agad nawala ang saya ko dahil sa aking nakita,Si Sean nahanap na niya ako.

Tumulo ang luha ko na agad ko namang pinunasan.Paano na?hanggang saan at kailan ako dito? kailangan ko ng makaalis sa lalong madaling panahon bago pa madamay Sila Dem at nanay lourdes sa gulong pinasok ko.

Sumapit ang hapon kaya nagdesisyon na kaming umuwi malungkot pa din akoo at mas naging malungkot ako dahil sa nakita ko kanina.

Hanggang kailan ako magtatago?alam Kong mahahanap at mahahanap niya ako pero bakit ang bilis yata?.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay doon ako tuluyang umiyak,hindi kona alam kong saan pa ako pupunta.Sigurado na ako ngayon na may nagmamanman na sa akin kaya wala na ding saysay pa kong tatakas man ako.

ESCAPEWhere stories live. Discover now