Chapter 08

50 5 0
                                    

His reaction was the best sight ever. I didn't mean to tease him that way, I knew I was drunk and I wasn't thinking straight. It just came from lips without even thinking. I couldn't get back what I said because I already blurted it out.

Pero ang sarap niyang tignan dahil namumula ang parte ng kanyang mukha. Ganyan talaga siya kapag may sinasabi akong katarantadohan o kapag naiinitan siya. With his complexion, madali lang siyang pamulahan ng balat.

"You're just drunk, Henriette." he uttered then he stood up leaving me alone in the terrace.

"I'm not—drunk."

"Tsk." I heard him.

Ang sunod kong naramdaman ay ang pag-angat ko mula sa kinauupuan ko. He carried me and we entered my room. Sumandal ako sa kanyang balikat at tinapat ko ang aking bibig sa kanyang tenga.

Sa lasing kong diwa ay bumulong ako sa kanya. "Bibigay ka pala eh."

"I take you to your room." Matigas niyang sabi kaya napatawa lang ako.

"At tutuparin mo ang gusto ko? Because I'll spread my legs widely for y-hey! Bakit mo ako binagsak?!"

Napalundag ako sa kama dahil sa bigla niyang pagbagsak sa'kin sa higaan. Talaga itong taong 'to.

Lasing nga ako pero hindi ako masyadong lasing na hindi na makakatalakad ng maayos. I knew what I said, pero hindi ko alam kung seryoso nga ba ako o talagang kaya kong gawin ang sinabi ko ng lasing.

"Get some sleep, Henriette. We will talk tomorrow. Yung hindi ka lasing." sabi niya.

I looked at him with my sleepy eyes. Hindi siya klarado sa paningin ko dahil na'rin sa ilaw. "Please don't leave me." Nagmamakaawa kong sabi.

Hindi siya makasagot agad pero alam ko na nakatingin siya sa'kin at pinag-iisipan kung ano pa ang sasabihin niya. Umusog ako papunta sa gilid ng kama at inabot siya.

Ang kamay niya ang nahawakan ko. Hindi siya umiwas sa'kin.

"Please." Namamaos kong pakiusap at inaantok kong tingin sa kanya.

He let out a sigh. "I won't leave you." And he whispered.

Hinila ko siya at nagpahila naman siya. Pinagpag ko ang espasyo ng kama sa tabi ko. "Sleep here. Sleep with me."

"Harry—"

"I meant to sleep literally, Uggo. I don't mean sex."

"Then sleep. Lay down and close your eyes. Hindi kita iiwan dito."

I frowned. Tinulak niya ako pahiga sa kama at hinila ang kumot saka binalot hanggang sa katawan ko hanggang sa leeg ko.

"Uggo." Tinawag ko siya nang maglakad siya sa gitna ng kwarto ko.

Akala ko ay iiwan niya ako pero pinatay niya ang ilaw at binuksan ang dalawang maliliit na lampshade sa magkabila kong kama. Yung kama ko kasi ay napapagitnaan ng dalawang nightstand.

"Sleep." he whispered again.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa katabi ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko at doon ko lamang naramdaman ang antok nang makapikit ako.

Bago pa ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko ang paglapat ng mainit na bagay sa noo ko.

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. My eyes were sore that I refused to open it again. I closed my eyes again and seconds later, I opened it once again.

Una kong ginalaw ang binti ko bago ang bewang ko dahil nangangalay na ako sa posisyon ko. Pagpalit ko ng posisyon sa kabila nang lumingon ako ay tumama agad ang ilong ko sa unan na nasa tabi ko.

UggoΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα