CHAPTER 27

0 0 0
                                    

Ksenia's POV

Isang linggo na rin magmula nang malaman ko kung sino ang aking anonymous kisser. Hindi ko pa ito nasasabi kay Jera dahil wala pa akong lakas ng loob. Atsaka, nahihiya rin akong sabihin sa kaniya, hindi ko kasi alam kung paano sisimulan. Lalo na't pareho namin itong kilala.

Sa loob ng isang linggong 'yon ay halos araw-araw kaming nagkikita ni Kenzo. Hindi lang sa campus, kundi sa dorm rin. Ang lalaking 'yon, hindi ko alam na magkapitbahay na pala kami. Ang galing pa niyang magtago, ni hindi ko siya nakita o nasulyapan man lang kahit isang beses. May anting-anting kaya siyang ginagamit para hindi maramdaman ang presensiya niya? Napasampal na lang ako sa aking noo sa naisip.

"Oo nga pala, free ba kayo sa Sabado?" tanong ko sa dalawa. Nandito kami sa cafeteria at kumakain ng meryenda.

"Free na free ako, best friend!" masiglang tugon ni Jera. Nagtaas pa siya ng kamay. Akala mo naman may oral recitation.

"Uuwi ako sa amin, Ksenia," sagot naman ni Ken.

"Gano'n ba, Ken? Okay lang! May next time pa naman."

"Ano ba 'yon, best friend? Bakit mo natanong kung free kami?"

"Well. . ." Saglit pa akong huminto dahil hindi ko masabi sa kanila kaagad. "Mag-bar tayo." Hininaan ko pa ang boses ko para hindi marinig sa kabilang table.

"Bar!?" Kaagad na tinakpan ko ang bibig ni Jera nang lakasan niya ang boses niya.

"Je, huwag mo namang lakasan. Malalaman pa ng iba eh."

"Sorry, best friend! Nagulat lang ako."

"Itong si daldal talaga oh."

Napanguso na lang si Jera at inirapan si Ken.

"Kasi naman, best friend. Ngayon ka lang nag-ayang mag-bar. Ano ang nakain mo at nag-aya ka?" Lumapit na sa akin si Jera para sabihin ito.

"Wala naman." Nagkibit-balikat ako. "Gusto ko lang makalimot. Bakasakaling makatutulong ang alak sa problema kong ito."

Ilang araw na niya akong binabagabag sa isipan ko. Gusto kong lisanin na niya ang puso't isipan ko. Gusto ko na siyang makalimutan. Gusto ko na siyang layuan. Hindi ako umiinom ng alak, pero ayon sa kanila ay nakakalimot daw ito. Gusto kong subukan. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko kahit isang beses lang?

"Alam mo, best friend, kung may problema ka, huwag mo na lang daanin sa alak. Sabihin mo na lang sa amin. Nandito naman kami nina Ate Roxanne para pakinggan at tulungan ka."

"Nandito rin ako, daldal." Nagtaas pa ng kamay si Ken na inirapan lang ni Jera. Isa pa itong akala mo may oral recitation. Mukhang hindi pa umaamin ang lalaking 'to ah. Bumalik ang pagiging aso at pusa nila. Wala namang ganito noong nasa resort kami.

"Gusto ko lang subukan, Je. Atsaka, kasama naman kita o kayo, sakaling sumama sina Ate Roxanne."

"Okay! May magagawa pa ba ako? Siyempre kung gusto mo eh 'di suportado ka namin."

"Sorry kung hindi ako makakasama ah. Family matters talaga eh."

"Okay lang, Ken! Next time na lang sakaling hindi pa matanggal ang problemang 'to." Pait na ngumiti ako habang nakatingin sa kaniya.

SUMAPIT ang Sabado, naghanda na ako para pumunta sa bar, gayundin din sina Jera, Ate Mae at Ate Rosie. Hindi raw makakapunta si Ate Roxanne dahil busy raw sa trabaho — marami siyang dapat tapusin. I'm glad na apat kaming magkasama.

"Best friend, hindi ako papayag na ganiyan ang suot mo," turan ni Jera habang inililibot ang paningin sa buong katawan ko. Sinundo nila ako sa dorm dahil mag-isa lang ako.

My Anonymous KisserWhere stories live. Discover now