Prologue

20 0 0
                                    

MASAYA ang pagkabata ko, lumaki akong busog sa pagmamahal ng aking mga magulang.

“Bukas ay pupunta kami ng lake para mag-fishing ni Daddy. Si Mommy maghahanda ng mga pagkain para sa magiging picnic namin bukas. I'm so excited!” matabil kong sabi kay Yaya Toyang. Trese anyos na ako, pero may personal Yaya pa rin naman. Alinsunod sa kagustuhan ng parents ko.

Narito siya sa loob ng aking silid, upang ayusin ang hihigaan kong kama.

Lahat nang makikita sa silid ay kababakasan ng karangyaan. Mula sa tooth brush, appliance at iba pa.

Wala na akong mahihiling pa. May mamahalin akong laruan at pagkain na kahit sino man ay gugustuhin magkaroon.

“Mabuti kung ganoon at nang makapag-enjoy ka ulit. Matulog ka na at para maganda ang gising mo bukas.” Pagkuha niya sa aking atensiyon sapagka 't nanatili pa rin akong nakadungaw mula sa tabi ng malaking bintana.

Tahimik akong lumapit at tuluyan nahiga.

“Gusto mo bang kuwentuhan kita ngayon?” tanong pa ni Yaya Toyang.

Ngunit umiling ako at tuluyan ipinikit ang mata. Handa nang magpahinga at ayaw paiisturbo.

Nagtaka man ang aming kasambahay sa ikinilos ko. Iyon ang unang beses na hindi ako nangulit. Tuluyan lumabas si Toyang sa silid ko, matapos na masigurong maayos na akong nakahiga. Bago  patayin ang mismong ilaw sa loob ng aking silid.

Kasabay naman nang pagmulat ng aking mga mata, unti-unti naman nilukob ng mabigat na pakiramdam ang aking kamalayan...

“SURPRISE!” malakas kong sabi. Habang bit-bit sa aking magkabilang kamay ang  cake na ako mismo ang nag-bake.

Pagpasok ko pa lang sa aming mala-engrandeng dining area ay nakita ko na ang aking magulang. Magkatabi at magkahawak pa ang kamay.

“H-here... M-Mom and D-Dad! I bake your favourite blue berry cake. Akala niyo nakalimutan ko na, it's your 20th anniversary!” umalingawngaw ang malakas kong boses. Sabay lapag ng dala-dala sa center table. Kamuntik pang mahulog iyon dahil sa panginginig ng kamay ko.

Napatuwid ako sa pagkakatayo nang nanatiling walang tugon sa mga ito. I bit my lower lip, para pigilan ang napipinto kong pag-hikbi.

Iyon naman ang sandaling napasukan kami nina Toyang, kasama pa ng ibang kasambahay. Sabay-sabay na napasinghap ang mga ito pagkakita sa amin tatlo.

“Katie! Anong nangyari? B-bakit ang Mommy at Daddy—” Hindi na nito natapos ang pagsasalita. Dahil isang katulong ang hindi mapigilan ang bibig sa pagkasindak.

“Tumawag tayo ng Pulis! Patay na  sina Maam at Sir!” Saka ito dali-daling lumabas.

Mariin akong umiling. Sinungaling siya!

“Patay? Paano niya nasabing patay sila. Nakikita niyo naman buhay sila!" Dali-dali akong pumunta sa likuran ng magulang ko.

“Katie... ija...” kababakasan ng lungkot  ang tinig ni Toyang. Kinakaawan ba niya ako?

Napatitig ako sa aking mga magulang.

Kung sino man ang may kagagawan sa sinapit nina Mommy and Daddy. Tiyak ko na malaki ang galit!

Nang balingan ko sila. Unti-unti kong inabot ang pisngi nila. Tuluyan rumehistro sa akin ang katotohanan. Amoy na amoy ko ang pinaghalong lansa at nakakasukang amoy ng dugo na humalo sa aking palad.

Ganoon pala iyon. Kapag namatay ka. Maging ang paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan ay hindi mo na rin magagawang sabihin sa huli. Parehas na nakamulat pa ang matang namumuti. Pati ang pagpikit ng mata mo, hindi mo na magagawa pa...

Hindi na masasalamin ang pag-ibig mula roon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kabit Ako Ng Kabit KoWhere stories live. Discover now