CHAPTER 5

4 0 0
                                    

Brigada Eskuwela, ngayon ang araw na yun at dahil pupunta rin ang mga kaibigan ko para tulungan si mam na mag-ayos ng classroom, nagpunta na rin ako

Ito ang last na naming pagkikita kita bago magbakasayon kaso wala ang tatlo, si Jenny, Gianna and Penniella, ewan ko dun ayaw ata maglinis

We're here at our classroom and Athena was just sitting at a chair near mine

Meanwhile, Yesha and our other classmates was cleaning at nagwawalis din, at inaayos ang mga upuan

Una nilang winalis ang harap malapit sa board, para dun ilagay ang mga lamesa at upuan, and the modules, we need to seperate this for the next student of Ma'am, pero kailangan muna nilang magwalis dahil napaka kalat

Kada sulok it's either may alikabok o kaya mga papel at water bottles

"Hoy ano!? Uupo na lang kayong dalawa diyan?" Sigaw ni Cleo sa amin habang nagwawalis

Napairap na lang sa kaniya si Athena at tinalikuran siya

"Aba't!" Lumapit si Cleo dito at ibinigay ang walis, tinignan naman ako ni Cleo at inabot ang basahan

Pero di ko kinuha, tinitigan ko lang

"Ano?" Tanong ko rito

"Kunin mo, punasan mo yun oh" turo niya sa bintana

Wala na akong nagawa at tumayo na, tumayo na rin si Athena at kinuha ang walis kay Cleo at sumunod sa akin

Nagpunta kami sa labas, pero imbis na punasan ko ang bintana ay nilapag ko lang doon, Athena naman hindi rin nagwalis

"Natatamad ako, Blaire oh" inabot niya sa akin ang walis, umiling lang ako

"Yoko nga" nginisian niya naman ako at ginilid ang walis

"Tara, cr" ngising aya niya sa akin at hinila ako sa braso

Wala masyadong tao sa bawat classroom, may iilan ang nagaayos ng mga modules at naglilinis rin, pero hindi ganon karami

Pero dito sa huling classroom, andaming mga estudyante ang nasa loob, may mga nagaayos, at naglilinis, nagkukwentuhan at may mga naka upo rin

Pero siya ay nagwawalis, andun siya sa harap at doon nagwawalis ng alikabok at may iilang mga papel

The way she swept the dust, the way her hair falls on her shoulder, ganda niya, siya lang ang nakita kong nagwawalis pero may make up

Kung hindi lang ako hinila ni Athena hindi ko namalayan na napahinto ako sa classroom nila

"Naku po, natunaw na siya" Athena said, sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad

"Manahimik ka diyan" banta ko rito

"Nakita mo lang siya eh" asar pa nito, at akmang hahampasin ko siya ay napatigil ako

Mas lalong lumaki ang ngisi niya habang nakatingin sa likod ko, and when i looked there, nakita ko siya

She's looking straight to my eyes, and she looked so shock, her eyes widened and her mouth parted and she blink rapidly

At doon ko lang napagtanto na nakataas pa pala ang kamay ko sa ere, at nakaharap pa ako sa kaniya

Agad kong ibinaba ang kamay ko at lumingon kay Athena, hindi siya nakatingin sa akin pero nakangisi siya sa salamin at pinupunasan ang mukha niya ng panyo

Napatingin ako sa salamin at nagsuklay na lang, pilit ko siyang hindi pansinin kaso ang mata ko ay pilit na tumitingin sa gawi niya

Nasipa ko pa si Athena sa ilalim at nang tumingin siya sa akin ay tumingin rin siya sa katabi ko, tinaas niya ang kilay niya at kumindat sa akin, and she laughed

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GL SERIES #1Where stories live. Discover now