Kabanata 1

6 1 0
                                    

Kabanata 1

Valentine's day






"TYPE NA TYPE mo talaga ang lalaking 'yan, ang tanong type ka ba niya?"

Nginusuan ko lang si Mama nang sabihin niya sa akin iyon. Namro-mroblema kala mo naman siya ako, nakatingin siya sa picture ni Rainillo na nasa pader na nasa loobng heart na ginawa ko habang sinesermunan ako. Lahat ng mga pictures niya na stolen shoot ay nanduon, pati ang pagkain niya ng fishball at kahit nakanganga siya ay ang guwapo pa rin niya.



Tapos iyong unan ko may picture niya na pinaprint ko pa talaga. Pero sa ilang taon ko ng ginagawa ito ngayon lang umangal si Mama.



"Nak, wala ka bang sakit sa puso or utak? Malabo na rin ba pati puso mo? Or may illness ka?" Biglang tanong niya sa'kin at kung makatingin sa'kin akala mo ay nababaliw na ako.


Nangunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay. "Ma naman eh!"

Nagpakamot-kamot na lang siya sa pisngi nya. "Eh kasi naman anak para kang tanga kaka istalk diyan sa lalaking iyan, ni hindi mo naman malapitan! Kaya paano kayo magkakalapit eh kapag kakausapin kapa lang niya halata kana? Medyo 'wag mo kasing ipahalata, anak! Maging pa hard to get ka naman ng kaunti kahit walang ka hard hard sa'yo!"

"Grabe naman tu si mama." Nag peace siya sa akin.

Napanguso ako at kinuha ang unan ko na may mukha niya at niyakap iyon nang mahigpit habang naka ngiti.


"Sapat na sa'kin Ma ang makita lang siya. Hindi ko naman po hiniling na maging boyfriend ko siya..."

"Kasi mama's boy?" Mabilis niyang sagot, ngunit umiling lamang ako.

At least masunurin sa Ina, 'di ba? Mindset ba.


"Eh ano? Dahil sa guwapo? Ay anak! Mawawala ang guwapo niyan kapag nagka-anak kayong dalawa! Maiistress din iyan kakahanap ng trabaho para sa inyo ng mga anak mo!"

"Ma, anak agad?!" Windang na tanong ko syempre pa humble tayo kaunti.

Pinanlakihan niya naman ako ng mata.

"O, talaga naman ah? Parang hindi kita na rinig noon na pinapangarap mo siya na maging ama ng mga magiging anak mo? Niro-roleplay mo pa nga eh! " Dahil sa pambubunyag niya ay namula ang mga pisngi ko at hindi na nakipagtalo dahil totoo naman talaga ang akusa.






Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya papalapit sa akin. At ngayon ay nasa likod ko na siya at hinahawakan ang mahaba at itim na itim kong buhok na may pagka kapal.


"Anak, ayos lang ang mangarap. Pero minsan sa sobrang pangangarap natin sa isang tao hindi natin alam na nasasaktan na pala tayo..." Nakikinig lang ako sa kaniya.


Umalis siya sa likod ko at kinuha ang salamin ko sa mata na nasa bed table ko at inabot sa akin.


Kinuha ko naman ang salamin ko sa mata mula sa kaniya kahit na nagtataka. Gabi na kasi at hindi ako nagsu-suot ng salamin pag matutulog ako.


"Suot ka muna ng salamin, isipin mo na hindi kagaya ng nakikita mo na malinaw ay kasing linaw ng pag-asa na magkaroon kayong dalawa ng libil."


Napasimangot ako sa sinabi ni Mama.


"Mama naman!" Maktol ko na ikinatawa naman niya pero niyakap naman niya ako.


ONLY child lang ako. Si Papa wala na, kasi na sira raw ang sinasakyang barko noon ni Papa sa karagatan. Seaman kasi ang Papa ko at mananahi naman ang Mama ko.



Shattered Hearts (Rush Beast Series 5) Where stories live. Discover now