Chapter 35: Cheat

0 0 0
                                    

L.A.'s POV

"Why did you break up with me, Aria?"

Just when I heard his voice, I suddenly felt guilty. Nagu-guilty ako dahil nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Lalong-lalo na ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya. Dahil sa mukha niyang iyon ay nakakaramdam na naman ako ng lungkot at mga bumubulong na yakapin ko siya.

Gusto ko siyang yakapin dahil dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang huli naming pagkikita. Gusto ko siyang yakapin dahil ayaw ko siyang makita na nalulungkot at nasasaktan. Gusto ko siyang yakapin dahil mahal na mahal ko siya. Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin ngayon pero pakiramdam ko ay wala na akong lakas na gawin iyon. Para kasing naka-stuck na ang dalawang paa ko sa sahig ngayon.

Ayaw lang ba talaga gumalaw ng mga paa ko o sadyang may natitira pang galit sa puso ko? Siyempre magi-stay pa rin sa akin ang galit ko sa kaniya. Hindi naman ganoon kadali mawala ang galit ko dahil niloko niya ako. Kailangan kong pigilan ang sarili ko na yakapin siya.

Umepekto na ba talaga ang alak o nababaliw na ako? Kanina pa ako paulit-ulit eh. Tss.

"Nagpapatawa ka ba, Noel?", at pilit akong nagpakawala ng tawa.

"Mukha ba akong nagpapatawa?", hindi ko alam kung simpleng pagtatanong lang iyon o may halong inis sa tanong niyang iyon. How can I explain Noel's face? Mukha siyang naiinis and at the same time, may luha sa pisngi niya. O baka hindi talaga siya luha? Eh hindi naman umulan ah? Hindi rin naman mahangin para mapuwing siya.

"Dahil nagpapatawa ka para sa akin, Noel." Sagot ko kaya kunot-noo siyang nakatingin sa akin. "And you're seriously asking me that?", hindi makapaniwalang sagot ko.

Tinatanong pa niya? Nagtatanong pa siya kung bakit ako nakipag-break sa kaniya? Seryoso ba siya? Sa lahat ng puwede niyang itanong, iyan pa talaga? Iyan pa talaga na alam niya rin ang sagot kung bakit? Bakit pa nga ba siya nagtatanong? Para masaktan ako? Para humagulgol ako sa harap niya? Para magmakaawa ako na balikan niya ako? Ano siya, sinu-suwerte?

"Just tell me the reason, Aria!", sigaw niya na nagpapitlag sa akin. "Just tell me the fucking reason, Aria! Kung may mali man sa'kin, aayusin ko. Babaguhin ko. Just don't break up with me. I don't want you to leave me." Umiwas ako ng tingin dahil maiiyak na ako. He's frustrated right now. Para bang wala o hindi niya talaga alam kung bakit ako nakipag-break sa kaniya.

"Aria, ayokong mawala ka sa'kin. Mahal na mahal kita. Alam kong alam mong mahal na mahal kita, Aria. So, where did it go wrong? Anong nagawa kong mali para iwanan mo na lang ako bigla? Anong nagawa kong mali para iwanan mo 'ko nang walang paliwanag?", dahil sa tanong niyang iyon ay tumulo na ang luha ko sa aking pisngi. Hindi ko na mapigilan ang luha kong bumagsak. Nasasaktan ako para kay Noel. Iyong pagtawag niya sa'kin. Iyong boses niya. Puno ng lungkot. Puno ng sakit. At parang wala takaga siyang idea kung bakit iniwanan ko siya. Do I have to tell him that?

"Bumalik ka na sa akin, please? Kung ano man 'yong nagawa kong mali, aayusin ko. Bumalik ka lang sa'kin. Gagawin ko ang lahat ng gusto mong ipagawa sa'kin, Aria. Just please come back to me. I love you so damn much. I can't afford to lose you, Aria. Give me another chance to make things right. Please?" Saka ako biglang napatingin sa kaniya dahil bigla siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Saka ko na naman nakita ang ang mukha niyang may lungkot. At masasabi ko talagang sincere siya sa mga sinabi niya. Bakit, may sincere bang hindi naiyak? Oo alam kong may mga pekeng tao. May mga ganoong tao na kaya nilang mag-manipula ng sitwasyon at tao.

You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now