71

2 0 0
                                    

Kai

Mas nauna ako kay Sean na dumating sa coffee shop na sinasabi ko. Nag order na rin ako ng coffee para sa'ming dalawa. Nakita ko ang motor na ginamit niya sa labas, naka hoodie siya ng puti at halos hindi ko makita ang mukha niya. Pumasok siya sa loob ng coffee shop at nagtungo kung saan ako nakaupo.

“Maupo ka.” sabi ko sa kanya

Tahimik lang siyang sumunod sa sinasabi ko. Nakayuko lang siya habang nakaharap sa'kin, dumating ang kape na inorder ko at nilapag ito sa table namin

“Thank you.” pagpapasalamat ko.

Nang makaalis ang nagbigay sa'min ng kape ay may kinuha ako sa bag kong maliit na box.

“Here is my graduation gift, nakadepende na lang sa'yo kung susuotin mo ba o hindi. Huwag mo lang itapon.” sabi ko sabay abot sa kanya ng box na may lamang silver necklace.

“Anong pag uusapan natin? Can we get straight to the point, may gagawin pa ako sa bahay.” sabi niya sa malamig na boses

Umurong ang dila ko, gusto ko pa naman sanang sabihin sa kanya na aalis na ako bukas. I want to say goodbye to him pero parang hindi ko kayang sabihin sa kanya.

“Kung wala kanang sasabihin, pwede na ba ako umalis?”

Napalunok ako sa sarili kong laway. Paano ko ba sasabihin sa kanya?

“Yeah, you can go home. Binigay ko lang talaga 'yan sa'yo. For graduation gift.” mahinang sagot ko

Pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya ay umalis na siya ng walang pag aalinlangan. Kinuha ko ang tissue sa bag ko nang tumulo ang aking luha. I tried to wiped my tears away dahil may mga taong pumasok sa loob ng coffee shop. Sinimsim ko na lang ang kape ko para maibsan itong nararamdaman ko.

Mas mabigat pa 'tong pinagdaanan ko ngayon kumpara noon. This is the hardest part, where I want to say goodbye pero walang lumalabas sa aking bibig.

Lumabas ako ng coffee shop, doon ko naibuhos lahat ng nararamdaman ko pagkalabas ko. I tried myself to calm down pero traidor talaga ang luha ko. Tumutulo siya ng kusa.

I promised this is the last day na masasaktan ako. Hindi na ulit ako iiyak.

Pocket Notebook (Epistolary)Where stories live. Discover now